chapter 15

493 17 2
                                    


Unedited!

Seven years later...

"Uyy.. may flowers na naman siya,"

Kinikilig na saad sa kaniya ni Gelyn, katrabaho niya sa isang banko pagkatapos niyang tanggapin mula sa isang post man ang ang pinadalang bulaklak sa kaniya ni Marco, nakagawian na kase ng nobyo ang padalhan siya ng bulaklak kada linggo.Nakangiti niyang inamoy ang petals nito. Kahit sa ganung paraan ay maibsan man lang ang pangungulila niya dito. Kong pwede lang ay gustong-gusto na niyang umuwi na si Marco ng hindi nalang puro bulaklak ang niyayakap at dinadama niya.

She misses him so much.

"Hay naku,bakit ba kase pumapayag ka sa long distance relationship girl,ayan tuloy hanggang imagination na ka nalang,baka mamaya durog na yang bulaklak mo sa kakayakap mo d'yan ha,hindi mo na yan matatabi mamaya pagtulog,"

Dagdag pa ni Gelyn na sinamahan pa ng halakhak.

"Dapat umuwi na dito ang jowa mo, gusto na namin siyang mameet ng personal girl."

Dugtong  naman ni Lyra na nasa katabing cubicle lang niya. Nginitian niya ang mga ito.Maingat niyang nilapag sa kaniyang table ang isang bouquet ng bulaklak na yakap niya.

Sa pitong taon nila ni Marco bilang magkasintahan ay hindi pa ito nauwi ng Pilipinas.Dahil ayun dito, may mga bagay lang itong inaayos sa Canada. Tinatanong niya kong ano iyon ngunit ayaw naman iyon sabihin ng nobyo, Palagi lang nitong sinasabi wag na siyang mag alala dahil once na maayos ng lahat ni Marco ang mga bagay na pinagkakaabalahan nito ay uuwi na ito ng Pinas at isa lang ang ibig sabihin nun,magkakasama na silang dalawa. At hindi na maghihiwalay pa. Dito na rin daw ito magtatrabaho ayun sa kaniya.

Minsan napapaisip nalang siya kong paano nila nalagpasan ni Marco ang pitong taon na magkalayo lalo pa't palagi nilang kalaban ay oras.Pero isa lang ang tanging sagot ng isip niya. Yun ay dahil nagmamahalan at may tiwala sila sa isa't isa.

"Wag kayong mag-alala..malapit na siyang umuwi, makikilala niyo rin siya,"

Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa. Lumapit pa ang mga ito sa pwesto niya para klaruhin kong totoo ba ang sinabi niya.

"Talaga,kelan? ahh.. . excited na kaming makita ang Papa mo sa personal Lav,wala e.. ang sweet niya talaga,kakilig lang,sana ganiyan din ang jowa ko, pero hindi e.. kong hindi ako bibigyan ng tuyot na santan,pabulok na bulaklak ng gumamela lang ang kayang ibigay, pero yang Papa mo, ma effort girl. Imported pa talaga ang binibigay sayong bulaklak at expensive pa."

Nakangusong wika pa ni Lyra. Umiiling siyang tumingin sa mga ito. Kong siya ang tatanungin,ayaw na niyang gumastos pa si Marco para lang padalhan siya ng bulaklak dahil may kamahalan  ang mga pinapadala nito pero kahit pagsabihan niya ito hindi parin ito nakikinig. Yun lang daw kase ang paraan nito para iparamdam sa kaniya na mahal na mahal siya nito.

"Pero aminin mo kinikilig ka rin naman sa jowa mo,ayos lang yan Ly'bawi ka naman sa laki....nang pagmamahal niya sayo."

si Gelyn na sinundot pa ang tagiliran ni Lyra. Napangiti naman ang huli  sa sinabi ng kaibigan.

"Pero oo nga, how to be you ba Lavinnia?hamak mo yun.. pitong taong long distance relationship,I can't take it! Ikaw na girl,"si Gelyn ulit.

"Mga baliw, bumalik na nga kayo dun sa cubicle niyo, baka mamaya maabutan pa tayo ni Ma'am na nag-uusap dito, sige na, bumalik na kayo dun, "utos niya sa mga ito. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang magsi kaniya kaniyang balik din sa cubicle nila.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon