chapter 22

430 11 1
                                        

"Bakit mo naman natanong yan?nag da-doubt ka pa rin ba sa pagiging magkaibigan natin?"si Deigo na derektang tumingin sa kanya. Umiling siya dito.

"Hindi naman sa ganon'Deig',naisip ko lang na-mag isa ka,mlayo ang mga magulang mo.Gaano ba sila ka busy at hindi man lang nila magawan ng paraang bisitahin o kamustahin ka. We're friends at concern lang ako sayo."mahinahon niyang tugon dito.

"Kung wala ka ng sasabihin pa, makakauwi ka na. Salamat sa pagpunta, "

Tinalikuran siya nito at muling humiga sa kama. Hindi niya maintindihan kung bakit sa t'wing binabanggit niya dito ang tungkol sa mga magulang nito,lagi nalang umiiwas si Deigo.Nag- iiba din ang expression ng mukha nito.

"Deigo, I know you're not well yet,pasensya na rin kung natanong ko na naman sayo ang tungkol sa parents mo.May sinabi kase si manang Yuling sa akin kanina,at na bo-bother lang ako."

Muling siya nitong hinarap at nagsalita. "Nagkausap kayo ni Yuling?"tanong nito sa magkasalubong na kilay.

"Anong sinabi niya sayo?"matigas ang boses ni Deigo. Nakaramdam siya ng kaba ng bigla siya nitong hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Deig', what are you doing?Nasasaktan ako.."ngayon niya lang nakitang ganun ang kaibigan. Para itong ibang tao kung tingnan siya. Kilala niya si Deigo sa pagiging kalmado nitong magsalita kapag sila lang, boses bakla rin ito kung minsan. Ngayon nakakapanibago dahil parang ibang Deigo ang kausap niya.

"Answer me! Anong sinabi niya sayo?"mabalasik nitong saad. Lalo rin humigpit ang hawak nito sa braso niya.

Napalunok siya sa kaba.

"Sinabi niyang -hiwalay daw ang parents mo when you were in high school.That's it."aniya. Umigting ang panga nito sa kanyang sinabi. Hindi rin inalis ni Deigo ang kamay sa braso niya.

"Can you let me go?"may bahid ng kabang pakiusap niya dito.

Para naman itong natauhan .Mabilis nitong pinawalan ang braso niya.

"S-sorry,nabigla lang ako."nag iwas ito ng tingin. Sa ilang taon nilang magkaibigan ni Deigo, ngayon niya lang naranasang pakitaan nito ng ganung ugali.Napabuga siya ng hangin at napailing itong tiningnan.Tumayo siya para kunin ang sling bag niyang nilapag niya sa upuan kanina.Sinuot niya iyon sa balikat niya.

"Maybe,you're right. Kailangan ko nang umuwi.Total,mukhang magaling ka na naman. "

Nagtatampo siya dito. Sana kung anuman aang pinagdadaanan ni Deigo, sana sinasabi nito sa kanya.ayaw niyang ganito si Deigo, naninibago siya.

"Lavinnia.."apologetic ang boses nitong tawag sa kanya.

"Saka na tayo mag-usap kapag maayos naa yang utak mo. "seryoso niyang sinabi dito.
Muli siya nitong tinawag pero hindi niya iyon pinansin. Hindi niya lubos maisip na kaya ng gawin iyon ni Deigo.

Ano bang masama sa sinabi ni Yuling at bigla nalang itong nagalit.

Nang makababa ay dumeretso siya sa kusina para mag paalam kay Yuling.Iaabot na rin niya dito ang natitirang gamot na kailangan inumin ni Deigo.Kahit na ganon ang pinakita sa kanya ni Deigo hindi rin niya matiis na pabayaan ito. Tinulungan siya nito sa America, kaya kahit nababagabag sa pinapakita nito sa kanya, she still does'nt care.They're friends hindi na magbabago yun.

Akma siyang tutuloy sa pinto ng kusina ng marinig niya ang boses ni Yuling,may kausap ito sa telepono.Hindi muna siya tumuloy ng kusina,naisip niyang hintayin nalang na mibaba nito ang telepono,saka na siya magpapaalam.

"Wag po kayong mag alala sir.Ako na ang bahalang magsabi sa kanya na tumawag kayo."

"Alam niyo naman po ang anak ninyo,may katigasan ang ulo. Ngayon nga't umuwing may mga pasa. Sir,kailangan nyo na po sigurong umuwi,ako po ang natatakot sa maaring gawin niya."kunot-noo siyamng nakikinig sa isng sulok. Wala siyang maintindihan sa naririnig. Pero duda siyang magulang ni Deigo ang tumawag,wala namang ibang nakatira sa bahay na ito kundi si Deigo, sigurado siyang si Deigo ang anak na tinutukoy ni Yuling.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon