"Wag masyadong mabilis Paolo."
napangiti siya ng marinig ang estriktang boses ng kanyang ina ng sadyain nila ito kasama ang dada niya sa likod ng kanilang bahay. Nakaupo ito sa gawa sa kahoy nilang meda doon habang nakaharap sa hugis gitara nilang swimming pool.
Nag angat siya ng tingin sa dada na napapailing habang nakangiting nakatingin sa mama niya. Kitang-kita niya sa mga mata nito na mahal na mahal nito ang mama niya. Iba ang kislap nito na hindi niya man lang nakitaan ng pagbabago magpa mula noon.
"Hindi parin talaga nag iiba ang kislap ng mga yan kapag si mama ang nakikita niyan dad',mahal na mahal niyo po talaga si Mama."
Pukaw niya sa nakangiting ama. Sumulyap ito sa kanya ngunit binalik din kaagad sa mama niyang abala sa kinakain nitong prutas habang tutok na tutok naman ang mga mata sa kapatid niyang naliligo.
"Ganun talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao anak,hindi ka kailanman magsasawa na titigan siya kahit na sa malayo kahit pa lagi mo naman siyang nakakasama." umakbay ito sa kanya.
Kong sana ganyan din ang relasyon meron sila ng lalakeng pinakasalan.Kong naging maganda lang sana ang naging kapalaran nila ni Marco.Siguro katulad rin sila sa mga magulang niya.
Malungkot siyang ngumiti sa kawalan at itinuon nalang ang tingin sa kapatid na pabalik-balik na lumalangoy sa pool.Katulad nya si Paolo ay kontrolado rin ng mama nila. Halos lahat yata ng mga kailangan gawin nito ay kailangan na alam ng mama nila. Kaya siguro kahit nobya ay wala pa itong naipakilala dito. Gwapo naman si Paolo pero sa tatlong taon niyang nawala wala namang nabanggit ang dada niya maging ang kapatid kong may nobya na ba ito o wala.
"Ma, hindi na ako bata,kong maka ingat naman kayo para akong nagpapractice maglakad."sagot naman dito ni Paolo, ng umahon ng kaunti ang ulo nito sa tubig.
"Mas maganda na yung nag- iingat Paolo. mahirap na."paalala pa muli ng kanilang Ina
"I know ma, alam ko ang ginagawa ko."
magkasalubong ang kilay nitong sagot at muli na namang sumisid sa tubig. Hindi nya maikakaila na magaling sa pag su-swimming si Paolo.bata palang ito ay nakahiligan na nito ang pag su-swimming sa katunayan, marami na rin ito noong sinasalihan na swimming competation at palagi rin itong umuuwi ng mga panalo mula sa sinasalihan nitong swimming contest. Huminto lang ito sa pag su-swimming ng muntikan itong malunod noon sa isang beach event na sinalihan nito. Buti nalang at may nakapansin dito kaya mabilis itong narescue ng mga divers.Mula noon hindi na pumayag ang mama nila na sumali pa ito sa mga kompetisyon dahip baka ikapahamak pa iyon ng kapatid niya.
"Nagpapakitang gilas lang yan sa Mama mo, alam mo naman si Paolo, gustong nilulukot ang magandang mukha ng mama ninyo."ani dada nya sa masayang boses.
"Sa tingin mo kaya dad'kakausapin at patatawarin nya ako? "
Pag-iiba niya ng usapan. Kampante namang tumango ang dada nya sabay pisil sa pisngi niya.
"Ikaw pa. nagtatampo lang yan sayo pero hindi ka n'yan matiis. I know your mother anak, mukhang estrikta lang yan pero sa loob n'yan may napaka ganda at mapagpatawad na puso."wika pa nito.
Tipid siyang ngumiti sa kanyang ama.Nag ipon s'ya ng lakas at nagpasyang lapitan ang mama niya.Ngayon ang araw na balak n'yang sabihin dito ang tungkol sa kunwari'y balikan nila ni Marco.
mahina siyang tumikhim para makuha ang buong atensyon nito.Kay Paolo kase ito nakatingin na para bang bata pa ang kapatid na ayaw nitong mawala sa kanyang paningin.
Sa ginawa nya ay nakuha nga niya ang atensyon ng Ina. Kita nyang nagulat ito ng makita s'ya.
"Anong ginagawa mo dito?"

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Ficción General"Let me go! M-marco!" Nagpupumiglas nyang sambit ng daganan sya nito at hinawakan pa sa magkabilang kamay. Galit ang nakikita nya sa mga mata ng asawa,mata na dati'y akala niya hindi nya kailanman nakitaan ng galit.Iba ang Marco ngayon sa Marco na k...