chapter 5

780 25 0
                                    


"Earth to Lavinnia..."

napakislot sya ng biglang magsalita ang kaibigan nyang si Diego.Matapos kase ng hindi inaasahang pagkikita nila ng estranged husband nya ay hindi muna sya tumuloy pauwi sa kanila kundi tinawagan nya ito para magkita sila sa isang Mall.

"Ahm.. i'm sorry Deig'..ano nga yun ulit?"

Sabi nya dahil wala syang may narinig sa mga sinabi nito sa kanya.

"Ang sabi ko, kong wala ka bang lakad mamayang gabi yayain sana kitang mag- you know..barrr, "Ngumiti naman sya dito.

"Wala naman, sige go ako d'yan,"

bukal sa loob nyang sinabi, na miss nya rin naman mag-bar lalo na pag kasama si Deigo nag iinjoy sya masyado.

"Hon,kong ano man ang nasa isip mo,alam mo naman na nandito lang ako, "

Seryosong sabi sa kanya ni Deigo ng mapansin nito ang muli nyang pananahimik.Isa iyon sa dahilan kong bakit mas pinili nyang pagkatiwalaan at maging kaibigan si Deigo kahit na bago palang silang nagkilala nito,maliban kase sa masaya itong kasama ay nakikinig rin ito sa mga senti nya,yun bang hindi man sila lumaking magkakilala pinagtagpo naman sila na may tiwala sa isa't isa. Katulad ng kapatid ay alam din ni Diego ang isip nya at ramdam rin nito kong may problema sya,Deigo is a good looking man. Hindi sila magkalayo ni Marco sa height,pareho rin silang may pagka'mestiso.Magkaiba lang sila ng paraan kung paano dalhin ang sarili nila,lalaking-lalaki rin ito kong kumilos. Sa katunayan nga maraming babae ang humahabol dito ngunit anong magagawa nila e sa lalaki naman ito nagkakagusto. Yes Deigo is gay,isa din siguro yun sa mga dahilan kong bakit sobrang komportable nya rito.

"Tulaleeyy parin hon? Ano na magkwento ka,makikinig ako.."

nakakalongbaba nitong saad habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa. Inilapit nya rin ang kanyang mukha sa harapan nito at ginaya ang posisyon ng kaibigan,nagdikit naman ang kilay ng kaibigan dahil sa panggagayang ginawa nya.

Bago magsalita ay muli pa syang humugot ng malalim na buntong hininga.

"Deig',nagkita na kami kanina,"

naka'pout nya ditong saad,bahagyang nanlaki ang mga mata ng kaibigan sa kanyang sinabi, walang paalam nitong kinuha ang kape'ng inorder nya at ininom.

"Anyari,nag usap ba kayo? "tanong nito habang hinihingop ang kape nya.

"No? yes?"aniya kaya naiinis na kinurot sya nito sa pisngi.

"Aray... Alam mo ikaw napaka sadistang bakla mo ha,"reklamo niya dahil medyo masakit iyon.

"Ang cute mo lang kase hon,ang gulo mo lang kausap alam mo yon,?"anito at inikutan pa sya ng mata.

"Ano ba talaga ang nangyari,? "muli pang tanong ni Deigo,humugot muna sya ng buntong hininga at tumingin dito.

"Nag usap kami pero sa hindi inaasahan,i supposed to meet my Lawyer pero sya ang nakita ko sa meeting place namin ni Attorney,"

Aniya at inagaw dito ang kanyang kape,ngunit ng inilapit sa niya iyon sa kanyang labi ay wala na pala iyong laman. Pinaningkitan nya ng mga mata si Deigo saka umiling,isang maluwag na ngiti at kibit balikat naman ang sukli nito sa kanya.

"Can't help it.. sarap kase hon, lasang Lavinnia, may pagka bitter nga lang,"

"I'm not bitter,"depensa nya sa sarili, totoo naman iyon dahil wala na syang nararamdaman pa sa asawa.

"Really?bakit may nalalasahan pa akong medyo bit... ter,?"

pang aasar pa nito sa kanya,hindi lingid kay Deigo ang tungkol sa kanila ni Marco,lahat yata ng pinagdaanan nila ay naisalaysay na nya rito.Pati ang unang pagkikita nilang dalawa hanggang sa mga ligawan moments nila,hanggang sa pagtataksil nito sa kanya sa mismong araw ng kasal nila na ekwento na rin nya.Ganun sila kalapit ni Deigo sa isa't isa.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon