chapter 2

950 30 0
                                    

"May naging kaibigan ka rin ba doon sa States Ate?"

Ang kapatid na nakahiga sa mahabang bangko,kasalukuyan silang nasa terasa ng kanilang bahay dahil matapos niyang maghapunan ay niyaya sila ng Ama na doon magpalipas ng oras para na rin makapag-usap ng maayos,alas dyes na ng gabi at naroon parin sila na ine-injoy ang tahimik na paligid, dagdag pa doon ang sariwa at malamig na dampi ng hangin na kay sarap langhapin. Hindi niya mapigilang yakapin ang sarili at napapikit, ilang taon din niyang hinahanap ang ganitong environment,lalo na ang malamig na simoy ng hangin na karaniwang nararanasan ng mga tao tuwing papalapit na ang pasko,masasabi niya talaga na there's no place like home. Kahit ilang taon man siyang lumayo, alam niya sa sarili niya na babalik at babalik parin siya kong saan siya nagmula,lalo na ang tahanang ito, dito siya nagkaisip, lumaki at nagdalaga, dito niya rin unang nakilala ang lalaking minahal at pinakasalan niya.

She was twelve ng makilala niya ito.

Lavinnia, tapos ka na bang mag-ayos? bumaba ka na tayo at may ipapakilala ang Mama sayo. "tawag ng kanyang Ina ng katukin siya nito sa kanyang kwarto.Palabas na rin siya ng kumatok ito  kaya binuksan na niya ang pinto.

"Wow ang ganda naman ng Ninin ko,bagay sayo ang damit na yan anak, dalagang-dalaga ka na talaga."

buong paghanga nitong wika ng makita siya nito,nakasuot siya ng kulay asul na bestida na hanggang tuhod ang haba, pinarisan niya iyon ng kulay puting sandalyas na dalawang inches naman ang taas, ang mahabang buhok niya na tinirintas ng Yaya Daria niya kanina at nilugay niya sa kanang balikat,nag apply rin siya ng light na make up para hindi siya magmukhang Nene sa ayos niya,as her Mama said dalaga na siya at kailangan na niyang ayusin ang sarili na naayon sa kanyang edad.

"Thank you Mama,salamat po sa damit ah, nagustuhan ko po, "sabi niya at humalik sa noo ng Ina. Napangiti naman ito sa ginawa niya kaya mahina siya nitong kinurot sa kanyang pisngi.

"Aba ang Ninin ko, marunong nang mambola, o siya,halika na at naghihintay na ang bagong dating nating bisita,hindi na ako makapaghintay na ipakilala ka sa kanila anak,"wika ng Ina at hinawakan siya sa palapulsuhan para bumaba na.

Today is her Dada's birthday, may simpleng handaan na nagaganap sa bahay nila at imbitado ang iilang malalapit na kaibigan ng Ama niya ganun din ang kaibigan ng Ina. Nang makababa sila ng hagdan ay pansin niyang sa deriksyon nila ng Mama niya nakatuon ang lahat ng mga matang naroroon. Nahihiya siyang napayuko at napahawak ng mahigpit sa braso ng Ina.

"Ninin, wag kang mahiya, dalaga ka na anak, isa pa teritoryo mo ito. "

bulong ng kanyang Mama ,tama ito hindi siya dapat mahiya lalo na't pamamahay nila ito. Dahan-dahan niyang inangat muli ang ulo para salubungin ang mga tingin ng mga naroon ngunit sa hindi inaasahan ay nadapo ang kanyang mga mata sa isang binatilyong may katangkaran na nakatayo habang may kinakausap sa isang tabi,cute ito dahil sa agaw pansin ang tangos ng kanyang ilong dumagdag pa roon ang mamula-mula na hugis puso nitong labi na tila mahihiya ang lahat ng mamahaling brand ng lipstick dahil sa natural na itong mapula na parang ng aanyaya pang mahalikan,kinutusan niya ang sarili dahil sa naglalarong ideya sa kanyang isipan, lumakbay muli ang kanyang tingin pabalik sa mga mata nitong mapupungay, mata na kong tingnan ay parang hindi marunong magalit.Hindi niya alam ngunit ng sandaling iyon natagouan nalang niya ang sariling ngumingiti rito at ang hindi niya inaasahan ay ang pagbaling rin nito ng tingin sa kanya at binigyan rin siya ng isang matamis na ngiti. Hindi niya alam ang magiging reaksyon, para siyang binibitay ng mga sandaling iyon.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon