chapter 24

409 9 3
                                    

Nakalabas siya ng hotel ng walang pumigil sa kanya. Maliban lang ng palabas na siya ng entrance ng resort dahil may resort mobile siyang natanawang papalit sa kinatatayuan niya.Mag ala una na ng madaling araw at alam niyang walang mobile na umikot sa mga ganoong oras. Maliban lang kung ang may emergency na nagyari sa resort o di kaya'y ang may ari ang gagamit.Hindi niya napigil ang sariling mapaatras ng bumaba ang taong lulan ng mobile.Kahit madilim ay naaninag niya sa loob ang mga sakay niyon.

"Lavinnia, ano ito? "ang mama niya ang unang bumaba at agad siyang nilapitan.Nakasunod dito ang dada niya.Si Paolo at si Janice.

Hindi siya kumibo."Marco, called me."nagkatinginan sila ng ina.hilaw siyang ngumiti dito.

"Tinawagan ka pala niya.Nanghingi na naman ng rescue."walang emosyon niyang sagot dito.

Napailing ang kanyang ina,kita niyang nagpipigil ito galit. "Go back to Marco,for god sake Lavinnia,kakasal niyo lang at gagawa ka ng malaking eskandalo?!"alam niyang hindi pa tapos ang salu-salo sa reception dahil naririnig pa niya ang tunog ng musika.

"Don't look at me like that you spoiled brat!inuutusan kita, bumalik ka sa asawa mo!"galit na galit na ito.Inawat ito ng dada niya.

"Talaga Ma, e hindi niyo nga alam kung bakit ako aalis. Bakit, tinanong niyo na ba ako kung bakit ako aalis Ma?Tinanong niyo na ba akong kung bakit ko iiwan si Marco, ang paborito niyo?" ayaw niyang ipakita sa mga ito ang pag-iyak niya pero hindi na niya kayang pigilan pa. Siya ang anak nito, pero hindi man lang siya nito kinakausap ng mahinahon o kahit tanungin man lang kung bakit siya aalis sa des oras nitong gabi.

"Ate,ano bang nangyari?"si Paolo na ang nagtanong. Nasa tabi ito ng Mama niya at dada.

"Matagal na niya akong ginagawang tanga. May iba siyang babae,I caught them,ilang room lang ang pagitan sa suite saan kami dapat mag-stay."

Hindi niya nasaksihan kung paano rumihestro ang gulat sa mga mata ni Janice. Ang atensyon niya ay sa kanyang pamilya. Hindi sa galit siya dito pero ayaw niya lang itong harapin dahil may kaunting guilt siyang nararamdam dahil sa hindi niya tinupad ang kanilang usapan. Para ano pa?hindi siya tanga para magpaloko sa anak nito.

"Para akong tanga,matagal na niya akong niloloko at ako naman itong nagpaloko sa kaniya. Kung alam ko lang na gagawin niya ito hindi ko na sana siya pinakasalan!"

"You spoiled brat! Hindi magagawa sayo ni Marco, ang bagay na 'yan,"isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya.Sinampal siya ng kaniyang ina. Gusto niyang masiraan ng bait sa inasal nito.How come na kay Marco, parin ang loyalty nito sa kabila ng ginawa nito sa kaniyang panloloko.

Tuloy ang kanyang pagluha. Dinaluhan siya ni Paolo. "Okay ka lang ate? Ma, hindi mo dapat ginawa iyon kay ate.."

" 'Wag kang makialam dito Paolo,"sita nito sa anak.

"Ma,huminahon ka. "sabi naman ng dada niya.

"Paano ako hihinahon Artimion, sabihin mo nga.Ipapahiya ako ng anak mo sa mga bisita."masama siyang tinapunan ng tingin nito.

Sa puntong iyon ay si Janice naman ang lumapit sa kaniya. Maluha-luha ito."Hija,please..don't do this to Marco,kung anuman ang nakita mo. Hindi iyon magagawa ni Marco,kung may tiwala ka pang natitira para sa kaniya. Balikan mo siya, alam kong mahal mo siya. Mag-usap kayo,alam kong mauunawaan mo siya.Alam kong kapag malaman mo ang totoo.Magbabago ang isip mo. Hija, please 'wag mong iwan ang anak ko. Mahihirapan siya,nakikiusap ako."she can feel her pain. Pero hindi na magbabago ang isip niya.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon