chapter 8

555 23 1
                                    

Napabalikwas sya ng biglang tumunog ang cell phone nya,gabi na ngunit wala syang ginawa kundi ang umiiyak nang umiiyak,kanina pa sya kinakatok ng Mama at maging ang Tita Janice nya ngunit hindi nya man lang inabalang pagbuksan ang mga ito. Gusto nyang mapag-isa, gusto nyang suluhin ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nya,hindi nya kayang makitang aalis na ito.Hindi nya maunawaan ang sarili ngunit gusto nyang sa kanya lang ang buong atensyon ni Marco ayaw nyang baka bumaling sa iba ang atensyon nito kong sakaling bumalik na ito ng Canada, ang isipin palang na mamahala ito ng Kompanya ng Ama ay nagseselos na sya, paano kong may mga magagandang empleyado roon at magustuhan sila ni Marco, paano kong magkagusto ito sa iba? Oo at nagtapat ito ng totoong nararamdaman sa kanya pero natatakot sya na baka mabaling din iyon sa iba lalo na't malayo sila sa isa't isa. Ayaw nya ng long distance relationship,dahil baka hindi naman iyon mag work gaya ng mga naririnig at napapanood nya sa TV. alam nya sa sarili nya na sigurado na sya sa nararamdaman nya dito. Pero natatakot syang sumugal, takot sya na baka sa kauna-unahang pagkakataon ay masaktan lang sya. Bata pa sya at ayaw nyang masugatan ang puso nya.

Nagpahid sya ng luha at nagpasyang tingnan ang mensahe sa kanyang cell phone. Nakapatay na ang screen light non' kaya wala syang ideya kong sino ang nagpadala sa kanya ng mensahe. Humugot sya ng hininga at nagpasyang tingnan kong sino man iyon.Napaupo naman sya ng tuwid ng makitang kay Marco pala iyon galing.


From:
MOO(my one and only)

  "Young Maiden,maaga ang flight namin ni Mama bukas,i know you're still awake,sana bago kami umalis mayakap man lang kita, sobrang mamiss kita My Young Maiden,kayo ni Paolo, pero kakayanin ko,may cell phone naman, palagi nalang kitang tatawagan para di ako malulungkot don',i know na walang ibang gusto si Mama at Papa kundi ang mapabuti ang buhay ko,did you know why i am pursuing this? Because i want to have a better future,para kong dumating man ang araw na magkaroon na ako ng sarili kong pamilya ay hindi na ako mahihirapan pa dahil meron na akong sarili kong pera na ibubuhay sa asawa't magiging mga anak namin ng asawa ko,ayaw kong umasa sa mga magulang ko, gusto kong maging independent.Kaya ako babalik ng Canada para mag training sa aming kompanya,if i already lead our Company gagawa ako ng paraan para magkasama na tayo,gagawa ako ng paraan para hindi na tayo maghihiwalay pa,"

Kahit binabasa lang nya iyon ramdam nya ang lungkot at pakikiusap nito,Marco wants to have his better future,wala itong ibang hangad kundi ang maging mabuting anak at huwaran para sa iba,at sya isa lang espesyal na kaibigan na gustomg ipagkait ang pangarap ng kaibigan nya.

"Am i that selfish? Am i that selfish at hindi ko mapagbigayan ang pangarap  taong mahal ko?"

Tanong nya sa sarili. Mapait syang ngumiti at napailing. She need to be matured now,may isip na sya, malapit na syang mag eighteen and she should stop act like a spoiled one, kailangan nyang unawain si Marco, kong may sinabi man iyon noon sa kanyang pangako, yun ay dala lang ng kabataan nila,iba na ngayon, kailangan na nila parehong maging matured para sa ikabubuti nila pareho,and her? She need's to study hard too,at hindi nya dapat i focus lang kay Marco ang mundo nya,kong may pangarap si Marco para sa sarili nito,kailangan nya rin mangarapp para sa sarili nya,pareho sila ng nararamdaman, hindi pa nga lang nya nasabi ang knya dito. If she reallly love Marco kailangan suportado sya sa mga pangarap nito.

Tumipa sya ng mensahe para dito at senend iyon. She started changed Marco's name in her contact into MOO ng sigurado na sya sa nararamdaman nya dito,sya lang din ng nakakaalam ng tawag na iyon.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon