chapter 27

464 10 1
                                        


Marahang idinampi ni Marco, ang mga labi sa batok niya."Thank you for the most expensive wedding gift sweetheart.. Love you."malambing nitong bulong mula sa kanyang likuran habang nakaunan siya sa bisig nito.

Kung nakakabingi lang ang salitang iyon siguradong kanina pa siya nabingi dahil paulit-ulit itong binubulong sa kanya ni Marco,habang hindi inaalis ang yakap sa kanya. After the intense love making that they've shared ay parang wala siyang mukhang ihaharap dito. Ewan ba niya at bigla siyang nakaramdam ng hiya ng maalalang may nangyari nga sa kanila.Hindi lang isa kundi tatlong beses siyang dinala ni Marco,sa paraiso.

"You want me to carry you to the bathroom sweetheart? Nahanda ko na ang bathtub mo."mula sa balikat ay lumakbay pa ang mga halik nito sa likod niya.Napapikit siya sa ginawa ng asawa. At the same time nakikiliti rin. "M-marco, enough."pinigil niya ito.Mukhang nagsisimula na naman kase ito. Hindi sa ayaw niyang maulit ang pinagsaluhan nila. Gusto niya lang magpahinga muna dahil napagod siya ng husto.

"Okay stop, "huminto nga ito pero walang paalam naman siya nitong pinagko pababa ng kama.Nanlaki ang kanyang mga mata. "Marco,put me down!hindi ako lumpo!"protesta niya rito.Hubad siya nitong dinala sa banyo at dahan-dahang ibinaba sa bathtub. "There,para marelax ang katawan mo."nakangiti ito at muli siyang dinampian ng halik sa kanyang mga labi.

Awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata sa ginawa ng asawa at ng maramdaman ang maligamgam na timpla ng tubig."thank you. "sabi niya dito na nanatiling nakapikit.Sumandal siya ng maayos sa nakafold na tuwalya sa uluhan niya at naisipang maidlip saglit. Sobrang pagod siya. At hindi niya naisip pang pagbuksan ng mga mata ang asawa.Hindi niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pagbabad roon.Nang magising ay bumungad sa paningin niya ang nakangiting mukha ng kanyang asawa. Nakatunghay ito sa kanya.Hindi niya alam kung gaano siya katagal natulog.

"Thank you, sleeping beauty is finally awake."bungad nito sa kanya. Tinapunan niya lang ito ng masamang tingin.Tumayo siyang hindi pinansin ang kahubdan sa harap nito. Bakit pa siya mahihiya, eh nakuha naman nito ang dapat makuha.Nang makababa sa bathtub ay tinungo niya ang shower para makapagbanlaw na.

Ngunit hindi pa man niya narating ang shower ay narinig niya itong tumawa.Paika-ika kase siyang naglakad. Nilingon niya ito ng may pagbabanta. "Isang tawa pa d'yan at hindi kita kakausapin. "parang kidlat namang umayos ang mukha ni Marco. Lihim siyang napangiti."kasalanan mo 'to."dugtong pa niya ng may paninisi.

"Sorry sweetheart."pumormal ito.

"Lumabas ka na,ayokong panuorin mo akong naliligo. "agad namang tumalima si Marco. Napangiti siya habang naliligo dahil habang inaalala ang nangyari kanina sa kanila.Pagkatapos niyang mag shower ay tinuyo na niya ang buong katawan ng tuwalya bago lumabas ng banyo.Nagsipilyo narin siya. Sumilip rin siya sa orasan at nagulat ng makitang alas singko na pala ng hapon. Ibig sabihin ay buong araw silang magkasama ni Marco.At tatlong oras siyang nakatulog sa bathtub kanina? Ganun siya kapagod at hindi niya namalayan ang oras.

Paglabas niya ng banyo hindi na niya nakita si Marco. Maganda dahil malaya siyang makapagpalit ng damit ng walang nakatingin sa kanya. Napili niyang isuot ang yellow summer dress niyang  lagpas sa tuhod ang haba.Matapos niya itong masuot ay nagpasya na siyang lumabas dahil nakaramdam narin siya ng gutom.

"Hi sweetheart. tamang-tama,dumating na yung order kong pizza.Tatawagin na sana kita para kumain.Halika na't hapon na, hindi pa tayo nagla- lunch. "sa sala ng magkasalubong sila ni Marco. Sinuyod rin siya nito ng tingin mula ulo hanggang sa paa. "You really look so beautiful in that dress sweetheart,beautiful."walang halong birong wika nito. Pinamulahan siya sa sinabi ng asawa.Sinipit niya ang maikling buhok sa tainga.

"Salamat. "

Maging sa harap ng pagkain ay para siyang embalido.Kahit anong awat niya kay Marco, na wag siyang subuan ay nagpupumilit parin ito.Wala siyang nagawa kundi sakyan ang trip nito.Malapit narin nilang maubos ang laman ng isang malaking box ng pizza at halos siya ang may maraming nakain ng bigla niyang naalala si Olivia.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon