Tamang alas syete ng gabi nang makarating siya sa address ng restaurant na binigay sa kanya ni Deigo."Did I keep you waiting?"walang emosyong sinabi niya rito ng lumapit siya sa table saan ito nakaupo.
"No,karating ko lang din."tipid itong ngumiti sa kanya saka tumayo para batiin siya sa pamamagitan ng halik sa pisngi pero maaagap siya umilag dito. Tila napahiya namang bumalik si Deigo sa kinauupuan dahil sa ginawa niya.
tumikhim ito. "Ah,let's order first."kinuha nito ang menu.Nakatingin lang siya dito. Senurvey niya ang bawat galaw nito.Nang mapansin ni Deigo,na hindi pa niya tinitingnan ang menu ay binaba nito ang hawak.Akma itong may sasabihin pero inunahan na niya ito.
"Hindi ako kakain. Mas interesado ako sa sinabi mo over the phone kanina. "seryoso ang boses niya.
Napilitang ngumiti si Deigo.Naramdaman ang tabang ng pakikitungo niya rito.
"Alright.About last night,thank you for taking care of me.Pati sa paggamot sa pasa ko.I just want to apologize.Nabigla lang ako sa sinabi ko,hindi dapat kita pinagtabuyan."habang nagsasalita ito ay wala siyang makitang soft tone dito ng isang bakla. Para itong lalakeng-lalake kung magsalita. Hindi rin makitaan ang lamya sa galaw.
Sinipat niya ulit ito ng tingin,hindi niya lubos maisip na sa ilang taon nilang naging magkaibigan ay isa pala itong lason sa kanya.Na isa pala ito sa taong sisira sa kanila ng asawa niya. Ang hirap paniwalaan dahil,nararamdaman niya ang simpatya nito sa kanilang mag-asawa. May time nga na mas kinakampihan nito si Marco, hindi niya naramdaman ang pagkuntra nito sa una. Maliban lang kung gusto niyang sakyan ni Deigo, ang gusto niya kapag nasa paligid ang kanyang asawa.
Hinawakan nito ang kamay niyang nasa mesa."Hon-"binawi niya iyon.
"Don't call me with that endearment. Kinikilabutan ako."kung wala sana siyang ideya sa kasarian nito,hindi niya ito pagbabawalan sa ganoong endearment.Pero ngayong alam na niya ang pagkatao ni Deigo.kinikilabutan siya. namamalisyahan siya.
"Pasensya na.."hindi niya alam kung saan ito humihingi ng pasensya. Sa paghawak ng kamay niya o sa atraso nitong nagawa sa kanya?
"Lets straight to the point! Bakit gusto mo akong kausapin?Anong gusto mong sabihin?"nauubusan na siya ng pasensya.
Napako ang tingin sa kanya ni Deigo.Nahihimigan ang galit sa kanyang tono.
"About.. "parang nahihirapan itong magpatuloy. "about .. "
"What the hell Deigo!deretsohin mo 'ko!" bahagyang tumaas ang boses niya.Alam niyang nakagawa siya ng ingay pero hindi niya iyon pinansin. Nakaagaw na sila ng pansin sa ilang mga costumer sa restaurant na iyon.
"I..know we're friends but.. I can't hide it anymore.I have feelings for you,hindi ko ito gustong mangyari Lavinnia, pero mula ng nakilala kita..naguluhan na ako sa nararamdaman ko."lakas loob nitong sinabi. Walang emosyon niya itong tiningnan.Hindi siya interesado sa damdamin nito sa kanya. Kinikilabutan siya.
Paano nasikmura ng lalakeng ito ang magpanggap sa harapan niya sa loob ng ilang taong maging magkaibigan nila? Paano nito nakayang punasan ang ilang basong nasayang niyang mga luha dahil sa inakalang pinagtaksilan siya ng kanyang asawa.Paano nito nakakayang panuorin siyang nasasaktan,at magpanggap na dinadamayan sa kabila ng katutuhanang nagpagamit ito kay Olivia.Masaya kaya ito sa ginawa nito?
"I don't expect you to love me back. Tanggap ko iyon dahil alam kong kahit anong mangyari ang asawa mo lang ang mamahalin mo.Alam kong sa kabila ng kagustuhan mong makipag annuled sa kanya labag iyon sa totoong dinidikta ng puso mo. Hindi kita pipiliting mahalin mo ako Lavinnia.Gusto ko lang malaman mo na,higit sa kaibigan ang nararamdaman ko sayo."bahaw siyang tumawa.

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Fiksi Umum"Let me go! M-marco!" Nagpupumiglas nyang sambit ng daganan sya nito at hinawakan pa sa magkabilang kamay. Galit ang nakikita nya sa mga mata ng asawa,mata na dati'y akala niya hindi nya kailanman nakitaan ng galit.Iba ang Marco ngayon sa Marco na k...