chapter 16

423 10 1
                                    

"Yes!" he mouthed.

"Ma, Tita.. success po yung pinaghirapan natin,"

Saad nito sa dalawang Ginang na nasa likuran niya. Hindi niya nakikita ang reasksyon ng mga ito pero alam niyang masaya ang kanilang mga Ina.

"Of course kelan ba kami pumalpak ng Mama mo hijo, kong nagawa namin kayo palapitin at paibigin sa isa't isa. Ano pa kaya ito. Right Janice? "sabi naman ng Mama niya.

"Yes Alberta, tayo pa ba, "

Dinig niya namang sagot ng Tita Janice niya.

"What are you waiting for Marco,isuot mo na ang singsing sa kamay ng anak ko,baka magbago pa ang isip ko at hindi ko pa siya ipapaubaya sayo. "

may pagbabanta namang wika ng Dada niya na naroon lang sa gilid. Hindi niya mapigilang mapangiti ng makitang naalarma si Marco. Para itong bata na takot mabawian ng paboritong laruan na regalo sa kaniya.

"Y-yes Tito,"

kinakabahan nitong saad. nanginginig nitong kinuha ang singsing sa kahon.

Saglit pang nagtagpo ang kanilang mga mata.

"I promise to love you forever.. hinding -hindi na ako aalis pa.. Sweetheart,"

Hinawakan siya nito sa kaniyang kamay. At buong ingat na isinuksok sa kaniyang palasingsingan ang singsing. He kissed her hand with full of love.

Nang sandaling iyon ay muli na namang umagos ang kaniyang mga luha. Engaged na siya kay Marco sa lalaking hinintay niya ng ilang taon. She was about to reach his both hands para sana patayuin ito ngunit pinigil siya ni Marco.

"I'm not done yet sweetheart, I have something to ask you pa,"anito na ikinakunot naman ng noo niya.

"I know na kaka propose ko palang sayo.. but I can't wait to be your husband,"

Para itong kinakabahan. Doble pa sa kaba nito kanina ng pagbantaan ito ng Dada niya.

"I want us to get married soon sweetheart.. gusto ko na talagang maging Smith ka,kong papayag ka, handa ka bang magpakasal sa akin sa susunod na araw?"

at that moment her eyes widened.

She tried to stay calm. Kahit pa  nanginging na ang kamay niyang hawak parin nito. Ano daw?tama ba ang narining niya?

"Marco..."

she said between her tears. Wala siyang pagsidlan ng saya ng mga sandaling iyon. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa ilang segundo lang sa buhay  niya.

He look at her intently.Siya naman ay panay din ang pahid sa kaniyang mga luha habang nakatingin dito.

"Will you marry me  the day after tomorrow?"

seryosong saad nito. Bumaling siya sa Dada niya.Ngumiti ito sa kaniya. Wala itong sinabi kundi tinuro nito ang sariling dibdib. Hindi man ito nagsalita alam niya at nauunawaan niya ang ibig nitong sabihin.

Muli niyang binaba ang tingin kay Marco. Maluha-luha siyang nakatingin dito.

"Sabi ni Dada,pakinggan ko daw ang sinasabi nito, "

aniya sabay turo sa kaliwang dibdib .

"At ang sabi nito,payag daw siyang pakasal sayo..payag daw siyang ibigay sayo habambuhay ang puso niya Marco.. "

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon