chapter 23

387 7 5
                                    

Hindi na hinintay pa ni Marco, na humupa ang mga bisita at hinila na niya ang asawa palabas ng reception area.Hindi na nila nagawang magpaalam sa mga magulang nilang abala sa pakikipag-usap sa mga bisita nila.Sa private suite ni Marco,sa resort na iyon sila tutuloy ngayong gabi, dahil bukas ay maaga silang ba-byahe papuntang palawan,para sa kanilang dalawang linggong honeymoon.

"I supposed to tell you sweetheart,wedding gift ko iyon sa kasal natin.You don't have to be mad."malapit na sila sa entrance ng hotel ,nauna siyang naglakad dito habang hawak ang mahabang laylayan ng wedding gown niya. Ayan at bagong kasal palang nila pero nagtatampo na naman siya dito.

" 'Wag mo akong kausapin, palagi ka nalang ganyan.Ang galing-galing mo sa mga pa surprise,eh hindi naman ako natutuwa."

Mula ng maging sila ni Marco wala na itong ibang ginawa kundi ang punuin ng surpresa ang relasyon nila.Naiinis siya dahil siya itong walang maalalang may binigay na surpresa dito.Hindi naman kase siya ang tipong sweet.

"Sweetheart, its our first night as husband and wife at ayokong nag-aaway tayo, 'wag mo naman akong sungitan oh. Hayaan mo na ako sa mga ginagawa ko.Masaya akong lagi kang senu-surpresa kahit sa simpleng paraan lang."

"Iyon na nga eh.Pero humahanap ka ng dahilan para magtampo ako sayo.Kung hindi ko pa narinig ang usapan niyo ni Mama, hindi ko pa malalaman na dadallhin mo ako doon. Alam mo, nabu-bwesit ako sayo,kase ang dami mong pakulo sa buhay, ang dami mong alam na surpresa,pero ako never pa kitang binigyan ng surpresa.Mula ng naging tayo.Nakakahiya iyon sa part ko Marco, wala man lang akong maisip na pwedeng ibigay na special sayo.Alam mo naman na wala akong ideya kung paano ka surpresahin.."naiiyak niya ditong sinabi.

"Balewala sa akin ang kahit na anong gift o surpesang sinasabi mo. Because you are more than a gift and surprise sweetheart. Ang pagmamahal at paghihintay mo sa akin hanggang sa dumating ang araw na ito ay higit pa sa anong regalo.Dahil ikaw ang pinakamagandang regalo sa buhay ko."he said that touched her heart. Kinabig siya ni Marco.

"Kahit na, unfair parin sayo."parang batang umiiyak siya sa bisig nito. Maraming tauhang nakakalat sa resort na iyon ang nakasaksi sa eksena nilang dalawa. At ang lahat ay kinikilig na nakatingin sa kanila.Bagong kasal na nag-aaway sa ilalim ng maliwanag na buwan. Muli siyang inalalayan ni Marco sa pamamagitan ng paghawak nito sa mahabang gown niya.

Sinalubong sila ng mga staff ng hotel na nakalinyang bumati sa kanila pagpasok."Congratulations,sir Marco and ma'am Lavinnia!" sabay na sambit ng mga tauhan na pinangunahan ng isang lalakeng nasa mids thirties.Marahan siyang hinapit ni Marco sa beywang.Proud itong iharap siya sa mga tauhan nito roon."Thank you guys,"

"Henry,is our suite ready? "lumunok siya ng lihim at pinangilabutan din sa sinabing iyon ni Marco. Hindi niya alam kung na e-excite lang ba siya o kinakabahan sa sinabi nito.

"Yes sir, everything is ready. If you need anything sir, just give me a call."pormal na sagot ng kausap nito.

"Okay, thank you.lets go sweetheart."tinungo nilang dalawa ang elevator.Mabibigat ang mga paa niyang humakbang kasabay ni Marco. Napansin naman iyon ng asawa ."Are you okay?"he stop.Pinasadahan siya ng tingin sa mukha. "You look pale."

"Marco,are we.. are we going to sleep.. together? "nakagat niya ang pang ibabang labi sa sinabi. Kumislap ang mga mata ni Marco at walang paalam siyang pinagko ng pang bridal style. Natilihan siya sa ginawa nito. "Yes sweetheart,worried?"nagpanic siya sa ginawa ng asawa. "M-marco, put me down."

"I can't wait to claim my gift from my beautiful wife."mapanukso ang halik na dinampi nito sa kaniyang labi. Panay  ang ilag niya sa ginagawa ng asawa. "Marco s-stop."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon