chapter 4

789 30 2
                                    

"Parang may hugot kayo dun Ma'am ah,"

nangingiting wika ng gwardya sa kanya, isang tipid na ngiti lamang ang sukli nya rito at naglakad na tungo sa kanyang sasakyan para tumuloy na sa kanyang lakad. Ngunit bago pa man umalis ay hinarap n'ya pa ito.

"Sige po kailangan ko na talagang umalis,humihingi po ako ng despensa sa nangyari,pakisabi nalang po sa boss n'yo na pasensya na dahil sa nakakahiyang eksena na ginawa ko kanina,"

"Sige Ma'am,mag-iingat ho kayo, wag po kayong mag-alala sasabihin ko kay Sir ang sinabi n'yo pagdating  nya,"

sa huling pagkakataon ay nagawa nya pang kawayan ang gwardya bago pumasok sa sasakyan para makaalis na. Wala s'yang choice kundi ang bumalik sa rutang dinaanan nya kanina mabuti nalang din at medyo nabawasan na rin ang traffic,kaya kahit mahigit isang oras ng late ay tiniis na lamang nya total kilala naman nyang mabait at hindi apurado ang kakilalang abogado,mahigit isang taon na silang magkakilala dahil ilang beses din itong dumadalo sa meetings sa kompanya ng Tita Maine nya sa Amerika,maliban kase sa pagiging abogado ay isa rin itong Investor, at isa ang kompanya ng Tita Maine nya sa pinag-einvest-an nito, ng malaman nya na isa itong abogado at may marami ng natulungan lalo na sa usaping annulment ay hindi sya nag atubili pa at kinausap ito para tulungan sya.

Alas sais pa s'yang umalis kanina sa bahay nila ngunit alas dyes na s'yang nakarating sa nasabing Restaurant,nagmamadali s'yang nagpark ng sasakyan at mabilis na hinablot ang kanyang bag.Hindi na nya pinagkaabalahan pa'ng ayusin ang sarili o magretouch man lang dahil sa pagmamadali na makapasok sa loob kong saan ay mayroon ng nakaabang na babaeng crew.

"Ma'am good morning welcome to Air View Restaurant are you Mrs. Lavinnia Smith,?"

nakangiti nitong bati sa kanya,ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon n'ya ay ang pagtawag nito sa pangalan n'ya,Alam n'yang kilala ang restaurant na ito na paboritong spot ng mga negosyante at dinarayo ng mga kilala at maimpluwensyang tao dahil sa magandang ambiance,masarap na mga pagkain at maayos na serbisyo ng mga crews,dagdag pa dito ang madali at hindi mahirap na pagtanggap nila ng mga nagpapareserved na customer kagaya n'ya,kahapon kase ay tumawag s'ya sa restaurant na ito para sa reservation for two na agad namang inaprubahan,ngunit ang ipinagtataka n'ya pati yata apelyido ng taksil niyang asawa ay alam din ng restaurant na ito hindi naman nya iyon binigay kahapon.

Kunot ang noo n'ya itong hinarap.

"Y-yes ako nga,"maluwag itong ngumiti sa kanya.

"This way Ma'am,naghihintay na po sa inyo si Sir,"

Malugod nitong sabi at nauna nang naglakad,kahit na weweirduhan sa babaeng crew ay wala s'yang nagawa kundi ang sumunod nalang dito.

Habang naglalakad sa gitna ay pansin n'ya ang mga humahangang matang nakatingin sa kanya at karamihan dun ay mga kalalakihan, ngunit binaliwala n'ya iyon dahil sanay na syang pinagpapantasyahan lalo pa ngayong halos labas na ang kaluluwa n'ya dahil sa suot nyang damit.

"Sir,narito na s'ya, "

sabi ng babae ng tumigil sila sa isang table saan may nakaupong lalaki na nakasuot ng kulay itim na sombrero, nakayuko pa ito at may kong anong tinitingnan sa cellphone nito.

"Have a sit Ma'am,"ang babae uli  na pinaghila sya ng upuan.

"Thank you, "sabi n'ya at naupo na rin.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon