chapter 14

447 15 2
                                        

Unedited⬇⬇⬇✌✌✌

"Titingnan mo nalang ba ang mga yan Lavinnia?nag effort si Marco para sa mga yan tapos ikaw, parang wala lang sayo ang ginawa niya,dapat maging thankful ka dahil kahit malayo man ang nobyo mo, gumagawa parin siya ng paraan maipaabot lang sayo ang mga yan,"

Bored niyang tiniklop ang kanyang laptop ng marinig nag paulit-ulit na sinabing ng Mama niya, kanina pa siya nito binabalikan sa kanyang silid para sermonan,hindi man lang niya kase inabalang buksan ang mga regalong pinadala ni Marco sa kanya, two days after her birthday ay nagpadala ang nobyo niya ng mga regalo,isang bouquet ng pulang rosas na sadyang pinashift pa talaga nito galing Canada,meron pang isang malaking box itong kasama ngunit wala siyang balak na buksan ang mga ito, kahit na hawakan ay ayaw niya rin gawin dito. Inaamin niyang kanina pa siya nangangati na basahin ang cards na nakalagay sa isang bouquet ng rosas, pinigil niya lang ang sarili. Nagtatampo siya kay Marco,nagawa nga nitong makapagpadala sa kanya ng regalo ,hindi naman siya nito naalalang tawagan sa phone niya. Ano pang silbi na tatanggapin niya ang mga regalo nito kong kahit na simpleng tawag o text man lang para sana batiin siya ay hindi man lang nito magawa.

"Lavinnia, wag mong inuubos ang pasensya ko!hindi ako kagaya ng Dada mo na ngusuan mo lang kukunsintihin na kaagad ang pagiging immature mo!hindi pwedeng ganyan ka nalang palagi,you're not a child anymore Lavinnia, grow up naman,be matured!"dagdag pa nito. Her tears started to filled in her eyes. Kanina niya pa gustong maglupasay sa iyak dahil nasasaktan siya sa sinasabi ng Mama niya. Siguro nga immature siya dahil hindi niya kayang ihandle ang long distance relationship niya with Marco.

"Ma, hindi nyo po ako naiintindihan!ang sakit lang po kase para sa akin na nagawa niya nga po akong padalhan ng mga regalo na yan,pero ang tawagan at batiin po ako ay hindi niya po magawa, ano ba naman po ang simpleng happy birthday Ma, kong gugustuhin niya,kahit yun lang sana okay na sa akin, hindi ko naman kailangang ang mga regalo na yan,gusto kong marinig ang boses niya,"she sobbed.

Mariing napapikit ang kanyang Ina. Tila nauubusan na ito ng pasensya sa kanya,walang pasensiya ang Mama niya pagdating sa kanya, malimit na hindi sila nagkakasundo dahil sa magkaiba nilang hilig at paniniwala sa mga bagay bagay. Lalo na pagdating kay Marco, hindi pwedeng hindi nakikialam ang Mama nya sa relasyon niya dito,mula yata ng maging sila ay hindi na ito pumapalya sa panenermon sa kanya sa tuwing nagtatampo siya sa nobyo. Palagi lang nitong sinasabi na unawain niya si Marco,pero sawa na siyang umunawa dito.Hindi naman siya Santo para mananatiling mapang- unawa. Tao lang siya na napapagod din at nagtatampo.

"...Try to understand him Lavinnia,kong hindi ka man niya binati sa kaarawan mo,sana itong presents nalang niya ang iap-preciates mo,you're not a child anymore, so stop acting like one,hindi na mahalaga kong hindi ka man niya tawagan ang mahalaga ang tiwala niyo sa isa't isa ang pinanghahawakan mo,late man niyang naipaabot ang presents niya sayo pero, puno naman ng pagmamahal,look at this Roses,kong gaano ito katingkad na pula,ganun din katingkad ang pagmamahal sayo ni Marco,just..understand him,kailangan niya ang pang-unawa mo,lalo na ngayon,"

sabi ng Mama niya sa mababang boses.Minsan lang silang nag uusap ng Mama niya at mangyari man palagi pa itong nanenermon sa kanya.
Ngayon niya lang itong narinig na tila nakikiusap. Walang ibang  involve sa usapan nila kundi palagi nalang si Marco,lagi nitong sinasabi na kailangan niya itong unawain, pero hanggang kailan pa niya uunawain ang nobyo na tila nakakalimutan na kong ano ang meron sila. Hanggang kailan na siya parin ang uunawa.

Sana pala,tinago na muna niya ang nararamdaman niya dito, Siguro hindi pa siya naghahanap ng buong atensyon nito.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon