chapter 11

496 22 1
                                    

Unedited⬇⬇⬇

Nakatulos lamang sya sa kanyang kinatatayuan habang inaanalisa ang sinabing iyon ng kanyang asawa, ano ang isasagot nya?Sasabihin nya ba dito na sila ni Deigo?ngunit ang totoo ay hindi naman,na isa lang si Deigo na mapagmalasakit na kaibigan.
Pero kong wala naman syang gagawin, patuloy lang syang guguluhin at susundan ni Marco, lalo pa ngayon na wala pa syang nahahanap ulit na abogado na maaring tumulong sa kanya, yung hindi sya iiwan sa ere gaya ng nangyari sa unang abogado nya na umurong dahil sa takot itong mawalan ng trabaho dahil kay Marco, Oo nga, bakit pa nya pinahihirapan ang sarili nya kong may paraan naman para layuan sya nito. Baka nga sa gagawin nya ay tulungan pa sya ni Marco mapabilis lang amg proseso ng annulment nila nang sa ganun ay maging malaya na rin ito kasama ang Olivia nya.May tiwala naman sya kay Deigo na hindi sya neto pababayaan, na nasa likod nya lang ito sa oras na kailangan nya ng rescue.

"Y-yes, we made love,hindi lang minsan kundi maraming beses.."matapang na saad nya dito.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata nya ang pag igting ng panga ng asawa maging ang pagtikom nito ng kamao ay kita nya. May kaba syang naramdaman ngunit hindi nya iyon hinayaang makita o mahalata pa ng asawa. She told herself na sa t'wing naroon ito ay kailangan nyang ipakita rito na matapang sya na hindi sya dapat maging mahina pag nasa paligid ito.

"You.. promise me,you promise na ako lang Lavinnia, na walang iba,"

Bigong saad nito sa kanya,ramdam nya ang sakit sa bawat salitang sinabi nito.Naging mailap ang tingin nya ng makitang titig na titig sa kanya ang asawa,yun bang kinakabisa nito kong totoo bang nagsasabi sya ng totoo o hindi.Umiwas sya dito ng tingin at binaling na lamang iyon sa mga display na naroon sa paligid, nang sa ganun hindi nito mabasa ang totoong nasa loob nya.

"May mga pangako na minsan ay hindi natutupad Marco,at isa na doon ang pangako ko sayo noon,"

mapait nyang wika dito.Lihim nyang kinagat ang kanyang dila ng sandaling iyon. Mabuti nalang at hindi nya nagawang mautal sa sinabi nyang iyon.

Tulad kanina ay walang pinagbago ang reaksyon ng kanyang asawa,nakatikom parin ang dalawang kamao nito ng muli ay masulyapan nya.Hindi nya nakitang magalit ng ganito noon si Marco,ngayon nya lang ito nakitang magalit.

"Sa mata ng diyos, asawa kita, mag asawa tayo Lavinnia, paano mo nagagawa ito sa akin?"

mapakla syang tumawa sa narinig, gusto nya sanang palakpakan ito sa sinabi nito kong hindi lang sya nagpigil sa sarili.Ang mga salitang iyon ay parang nakakabinging tunog sa lahat ng tunog na narinig nya. Ang lakas ng loob nitong sabihin sa kanya ang salitang iyong gayong ito misno ang unang sumira sa kong anong merun sila. Marco broke their marriage,at hindi man lang nito pinalipas ang honeymoon nila bago nakipaglampungan sa iba

saan doon ang hustisya?

"At sayo pa talaga nanggaling ang salitang yan, nakakatawa ka Marco, sino ba dito ang unang nagloko? Sino ba sa atin ang unang nagtaksil, hindi ba ikaw?saan ka kumuha ng kapal ng mukha para sabihin sa akin yan,?"

ramdam nya ang taas babang tahip ng dibdib nya dala ng magkahalong emosyong nararamdaman lalo na sa twing pinapaalala lang sa kanya ni Marco ang kasalanan nito sa kanya,at ang pagiging tanga nya dahil hindi nya man lang napansin noon ang pagbabago simula ng bumalik na itong Canada. Ang madalang nilang pag uusap noon ni Marco, kong hindi daw kase ito busy ay palagi naman daw itong pagod sa maghapong training sa kanilang kompanya. Ganon sya ka tanga at kakampante na loyal nga sa kanya ang nobyo yun pala wala syang alam na may sinaside-line na pala ito doon sa Canada, hindi man nya alamin ay nakuha na nya kong bakit ganon na lang noon ka pursigido si Marco na bumalik ng Canada dahil merun pala itong naiwan doong nobya. Pinilig nya ang ulo sa isiping iyon, hindi nya dapat ene-estress ng kanyang sarili sa mga bagay na walang kwenta, hindi nya dapat iniisip ang mga bagay nagbibigay lang ng sakit ng ulo nya.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon