chapter 19

444 19 4
                                        

Naputol ang unti-unting umiinit sa halik nila ni Marco ng makarinig sila ng isang malakas na pagbagsak mula sa tubig. Wala siyang ibang maisip na gumawa ng ingay na yon kundi ang kapatid na si Paolo. Tinanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa ulo ni Marco bago inilayo ang sarili dito.

Tumingin muna siya dito sandali.Napalunok naman siya ng bahagyang binasa ni Marco ang sariling labi. Yon bang sinasadyang ipakita nito sa kanya na nagustuhan nito ang halik na pinagsaluhan nila sa harap ng mga magulang niya.

Talagang inaasar siya nito.

"Nakakagulat ka naman Paolo, akala ko napano ka na."bulalas ng mama niya.

"Ma, tuwalya nga! aahon na ako!"

doon siya natauhan ng marinig ang boses ng kapatid na tila wala sa mood.

Nalipat ang tingin niya dito at nakita niyang nakaupo na ito sa gilid ng pool at masama ang tingin kay Marco. Hindi lingid sa kanya na galit si Paolo kay Marco dahil sa nangyari noon.Alam niya rin na maging sa pagpapanggap nilang ito ay hindi sang ayon si Paolo. Dahil baka masaktan na naman siya ni Marco, pero sa kabilang ng pagtutol ng kapatid ay mas pinili niya ang kanyang pasya.

"Loko kang bata ka, alam mo naman na hindi pa magaling ang mama mo uutusan mo.Tumayo ka d'yan at kunin ang tuwalya dito. Sayo na rin nanggaling kanina na hindi ka na bata Paolo."

Maotoridad naman sambit ng dada niya na nakatalikod sa kanila. Bigla siyang nakaramdam ng labis na hiya dahil nahuhulaan niya kong bakit ganon ang posisyon ng dada niya.

Kong totohanan lang siguro ang ginawa nilang halikan ni Marco, masasabi niyang pareho silang malandi dahil hindi nila nerespeto ang kanilang mga magulang, kahit sa harap ng mga ito ay nagagawa pa nilang maghalikan. Isang beses lang nangyari na nakita siya ng magulang niya na kahalikan si Marco yon ay araw na naging opisyal na silang mag asawa.

"Dada naman e!"maktol ng kapatid na padabog na tumayo mula sa kinauupuan nito.

"Tama naman ang dad',Paolo,kunin mo na dito ang tuwalya at nang makapagbanlaw ka na."

Kaswal na sabat naman ng mama niya.

"Ang aga naman yata ng bisita niyo ma,dad',"si Paolo na napaismid ng makalapit sa kanila.

"Paolo, magbanlaw ka na."utos naman dito ng dada niya.

"I know dad',"sagot ni Paolo. Kinuha nito ang tuwalyang nakasampay sa hamba ng upuan,bago maglakad papunta sa di kalayuang banyo ay pinukol pa muna nito si Marco ng masamang tingin.

Para wala naman iyon kay Marco dahil nakangiti lang itong nakatingin kay Paolo. Hanggang ngayon pala ay pinagseselosan pa rin ng kapatid niya si Marco. Lihim siyang nangiti sa isipin na KSP pa rin pala hanggang ngayon ang kapatid niya.

"After you took a shower..eat, "pahabol ng mama niya dito.Hindi na ito sumagot pa at pumasok na ng banyo.

Nang sila apat nalang ang naroon ay muli silang hinarap ng mama niya. Seryoso itong nakatingin sa kanilang dalawa. Tila binabasa nito ang kilos at isip nila ni Marco.

"Paano ako maniniwala na totoo'ng nagkabalikan na kayo?"

hindi niya napaghandaan ang tanong na iyon ng mama niya.Napalunok siya dahil hindi niya alam kong ano ang isasagot dito.

Naramdaman niya ang kamay ni Marco na pumulupot sa beywang niya. Kaya kahit paano ay nabuhayan siya ng loob dahil alam niyang ito ang magsasalita para sa kanya.

"We shared a passionate kissed ma, so I think that would be answer your question?"

Napangiwi siya sa sagot na iyon ni Marco.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon