chapter 12

504 22 2
                                        

Unedited⬇⬇⬇

"Happy birthday ate!ang ganda mo talaga ate kahit na chubby ka,"

napukaw ang diwa nya ng biglang pumasok sa kanyang silid ang kapatid, nakasuot ito na ito ng kulay gray na polo at naka tack in pa ito sa kulay itim na slacks na pares nito. Debut nya ng araw na iyon at si Paolo ang magiging escort nya.She gave him a half smile at muling itinuon ang mga mata sa kanyang cellphone. Kanina pa kase sya nag aabang ng text o tawag mula kay Marco ngunit magtatakip silim na wala pareng mensahe o tawag mula sa nobyo,its been a year since Marco left,at hindi naging ganun kadali ang long distance relationship sa pagitan nilang dalawa,noong nakaraang linggo pa sila huling nakapag usap at ayun dito may business trip ang daw Papa nito kaya kinakailangan nitong sumama dahil mga importanteng investors daw iyong mga ka meetings ng Papa.Halos mangalay na rin ang hinlalaki nya sa kakapindot ng cell phone nya dahil sa panaka-nakang silip sa chat conversation nila ng nobyo,dahil baka hindi nya lang napansin na may mensahe na pala ito, ngunit gaya ng inaasahan ay hindi parin ito naka online, kanina parin nya dinadial ang cellphone ng nobyo ngunit out of reach naman ito,Gusto na talaga nyang magtampo dahil lilipas nalang maya-maya ang kaarawan nya, hindi man lang sya maalalang batiin ng huli.

"Hindi parin ba tumatawag o nagtetext si Kuya Marco para batiin ka ate?"

muling pang tanong ng kapiatd ng mapansin na nasa cell phone nya ang kanyang pansin. Humugot sya ng malalim na buntong hininga at hilam ang mga matang tumingin dito.Katulad ng kapaitd ay handa na rin syang humarap sa mga bisita nya. Naayusan na rin sya ng mga nag make up sa kanya at suot na rin ang gown na gusto nya,ngunit tila wala syang lakas na tumayo mula sa kanyang kinauupuan,pakiramdam nya ang bigat-bigat ng loob nya.

"Tanggap ko na hindi sya makakauwi ngayong debut ko Pao, pero ang hindi nya man lang ako nagawang tawagan o batiin,ang sakit sa dibdib,nagtatampo ako sa kanya,"

Pahayag nya sa kapatid,kailangan nya lang ng may makikinig sa kanya at si Paolo ang isa sa pwede nyang hinanhan ng sama ng loob,

Mabilis syang dinaluhan at niyakap ng kapatid. Yan ang palaging ginagawa sa kanya ni Paolo lalo na sa twing nag e emote sya sa t'wing namimiss nya si Marco.

"Grabe naman kase yang boyfriend mo ate, anong klaseng training yan at sobrang busy naman nya yata, minsan na nga kayong mag usap hindi ka pa magawang batiin sa kaarawan mo, at ang hilig pang mangako na sya ang escort mo ha, hindi naman pala makakauwi,wag ka ng umiyak,hayaan mo at pag tumawag ang lokong yun ako ang kakausap..hindi ka nya dapat ginaganito, alam naman nyang iyakin ka,hindi ba nya iniisip ang maaring maramdman mo? "

May himig ng inis na wika ni Paolo habang hinahagod ng marahan ang likod nya. Bumitaw sya dito at muli itong tiningala, sa paglipas ng mga panahon ay lumalaking magandang lalaki ang kapatid nya,nagiging matured na rin ito kahit papano kong mag-usip,hindi sya magugulat kong isang araw malaman nalang nya na maraming kababaihan ang iiyak dito.Ngunit isa lang ang nasisiguro nya na maswerte ang babaeng mamahalin ng kapatid nya.Paolo is sweet and caring na katulad din ni Marco.

"Binata ka na talaga Pao, parang kelan lang, "pag iiba nya dito ng usapan.

"Naku si Ate, nagbibiro na naman, alam ko naman yun ate, kahit wag mo ng ipaalala, "

pagyayabang pa neto sa sarili. Napailing na lamang sya sa sinabi neto. Alam nya kase na gusto lang pagaanin ni Paolo ang loob nya na mukhang umeepekto naman.

"Salamat Pao, "mahinang sabi nya saka ito niyakap.

"Alam mo naman na mahal kita, at gusto ko palagi kang masaya,and kuya Marco? Hindi ka dapat pumapayag na ganyan nalang palagi ang set up nyo, you're already eigtheen and he's twenty one, dapat sya ang nag-aalaga sa relasyin meron kayo at hindi ikaw, nag-aaral ka palang at sya naman nasa tugatog na ng kanyang tagumpay, for god sake!isang taon na syang nasa Canada training parin sya nang training doon? Anong klase yan? Baka naman netong taon, may balak ng ipasa sa kanya ng Papa nya ang kompanya nila..ang tagal e,"

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon