chapter 6

766 26 2
                                    


Habang masayang nag uumpukan ang kanilang mga bisita ay tumungo sya sa likod ng kanilang bahay,hindi talaga sya sanay na makihalubilo sa mga tao kaya naman ay nilibang nya ang sarili sa mga naggagandahang bulaklal na tanim ng Mama niya roon,bawat bulaklak na madaanan ng kanyang palad ay dinadama nya,hindi pa sya nakuntento doon at inamoy-amoy pa nya ang natural at preskong amoy nito.

"Hmm ang bango, "mahinang usal nya.

"Beautiful,"

dahan-dahan syang nagmulat ng mga mata ng may marinig syang nagsalita sa harapan nya. May isang pigura syang nakitang nagkukubli sa isang puno ng halaman ngunit kahit nagtatago na ito ay kita parin dahil sa tangkad nito. Isang paglunok ang ginawa nya ng makita kong sino ang taong iyon, ang binatilyo na nakangiti at puno ng paghangang nakatitig sa kanya.

"Bakit ka nandito, "

Tanong nya.

Bigla syang napasimangot dahil hindi pa rin ito sumasagot sa tanong nya, nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

"Hoy kinakausap kita,clown ba ako at ganyan ka nalang kong makangiti? "

nakanguso nya ditong sinabi. Napakurap naman ang binatilyo at lumabas sa halamanang pinagkukublihan nito. Nilapitan sya nito.

"Ahh, nag-uusap si Mama at Tita,ang totoo n'yan sinabi nila sa akin na sundan daw kita at kilalanin daw natin ang isa't isa.,"

Sabi nito sa kanya. Tila hindi naman sya kumbinsido sa sinabi nito kaya nagkasalubong ang magkabilang kilay nya.

"Totoo? baka naman nagsisinungaling ka,"

"Hindi ako nagsisinungaling,totoong pinasusundan ka nila sa akin at gusto kitang maging kaibigan Lavinnia,"

"Seryoso ka ba?"naninimbang na tanong nya dito. Tumango naman ito.

"Yeah,i'm serious,i want you to be my friend,"

"Bakit ako ang gusto mong maging kaibigan,e marami naman d'yan,"mahinang tanong nya.

"Aside from my Mama said, na kaibiganin ka,dahil magkaibigan sila ng Mama mo,gusto ko rin talagang maging kaibigan ka dahil ramdam kong mabait ka, "pormal na sinabi nito.

"Harmless ka ba? baka mamaya awayin mo lang ako ah, "

parang batang saad niya. Maluwag itong ngumiti sa kanya,kaya sa huli ay nakuha na rin nyang ngumiti dito. Lumapit pa ito sa kanya at sa ikalawang pagkakataon ay naglahad muli ng kamay.

"I'm harmless,binata na ako at hindi ako ang tipo ng binata na nang-aaway, lalo na pag babae iyon, as my Mama told me ang babae minamahal at hindi sinasaktan,"

sabi pa nito sa kanya. Mukhang matanda lang ito sa kanya ng ilang taon pero parang matured na itong magsalita.Ikalawang beses na nyang narinig ang katagang iyon, una sa Dada nya ngayon naman ay sa binatilyo na nais makipagkaibigan sa kanya. Hindi nya alam ngunit sa puntong iyon may sumibol na paghanga para sa binatilyo ang naramdaman nya sa kanyang puso.

"Friends?"nakangiting saad nito.

Tinanggap nya rin ang pakikipagkamay nito sabay sabi'ng. "Friends,"

"Halika, dun tayo, "

anito habang tinunuturo sa kanya ang gawa sa kahoy na upuan sa gilid ng mga nagtataasang mga halaman.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon