Unedited⬇⬇⬇
Nang makarating sila sa bahay ni Deigo ay kaagad nyang ginamot ang mga natamong pasa at sugat sa mukha nito Panay din ang hingi nya ang sorry dito dahil sa nangyari.
Deigo is came from a well-off family,nag-iisang anak lang daw ito kaya siguro naging binabae na sa sobrang pagmamahal ng magulang. Nanghinayang lang sya dahil wala ang mga magulang nito sa bahay nila at tanging ang dalawang katulong lang ang naroon.
"Sa susunod na buwan pa ang balik ni Mommy at Daddy kaya matagal-tagal pa akong mag-iisa, "
ani Deigo habang sinusubuan nya ito. Sabi kase nito ay nahihirapan itong kumain dahil sa masakit ang buong mukha nito.Nagsabi naman sya na dalhin ito sa ospital para matingnan para masiguro kong may fractured bone ba ito o wala, ngunit todo tanggi naman ang huli.Kaya ito at pinilit nya itong kumain kahit na nag iinarte.
"Ganun ba, sayang naman at hindi ko sila nakita man lang,wala ba kayong mga family pictures dito para kahit yun nalang ang makita ko, "ni minsan kase ay hindi pa sya pinakitaan ni Deigo ng litrato nito kasama ang mga magulang nya,kong manghingi man sya palaging sinasabi nito ay wala silang litrato ng magulang sa cellphone dahil hindi naman daw mahilig sa picture ang mga yun, pwede ba yun,kahit na sa marangyang pamilya nagmula si Deigo?
"Ah,pasensya na Hon,pero wala talaga akong maipakita sayong litrato nila Mommy at Daddy,as i said before ayaw nila ng mga pictures at.. at ano private sila masyado ni Dad'yeah yes private, "
"Deig ha, kunti nalang iisipin ko na, na vampira ang mga magulang mo,kahit isa wala talaga kayong pictures na magkasama. Kahit hiwalay okay lang basta merun,"
aniya sabay linga ng mga mata sa paligid,pero tanging malalaking Jar at mga antigong gamit lang ang nakikita nya at malalaking mga paintings na nakasabit. Maliban doon ay wala na syang iba pang nakikitang display like family pictures. Minsan naiisip nya na mas marami pa pala syang hindi alam kay Deigo sa kabila ng pagiging magkaibigan nilang dalawa, pero hindi nya alam kong bakit sa kabila non ay kampante parin sya sa kaibigan.
"Wala talaga Hon,wag ka na nga maghanap ng mga ganyan subuan mo nalang ako, para mainom ko na ang gamot na yan, "sabi nito sabay turo sa gamot na hiningi nya sa kasambahay nito kanina.
Ramdam nyang may hindi ito sinasabi sa kanya, dahil sa twing nag uusap sila tungkol sa pamilya nito ay nililihis lang nito ang topic.
"Okay,uunawain kita kahit na hindi pa ako kumbinsido,pero kong ano man yan, wag kang mahiyang magkwento,you know nandito lang ako for you,kong ano ka sa akin sa mga panahon na down ako,"
mahinang bulong nya sa tainga nito. Hindi nya rin inisip pa ang mga matang nakatingin sa kanila. Pinakilala naman sya nito sa kasambahay nito bilang nobya nya kaya hindi sya nababahala sa maaring isipin ng mga ito.
"Ahh..para makainom ka na nang gamot ng hindi mamaga ang mga pasa mo, "aniya habang nakanganga pang inuumang dito ang natitirang pagkain sa plato.Katatapos nya lang mapainok si Deigo ng gamot nito ng may biglang tumawa ng malakas sa di kalayuan. Galing iyon sa isa nitong kasambahay. Na sa tantiya nya ay nasa bente anyos palang.
"Era tumigil ka, kong ayaw mong mapagalitan,"dinig nyang suway dito ng may edad na ginang.
"E Ate Yuling, parang bakla kase si Sir e, "
anito at muli pang nagpakawala ang matinis nitong tawa.Muntik na rin syang matawa sa inasal ng dalaga ngunit sa halip na makitawa ay tinikom na lamang nya ang kanyang bibig at muling bumaling sa nakaupo at napapangiwing kaibigan.

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Aktuelle Literatur"Let me go! M-marco!" Nagpupumiglas nyang sambit ng daganan sya nito at hinawakan pa sa magkabilang kamay. Galit ang nakikita nya sa mga mata ng asawa,mata na dati'y akala niya hindi nya kailanman nakitaan ng galit.Iba ang Marco ngayon sa Marco na k...