Chapter 3
PATAY na ang apat na lalaking nanloob sa bahay namin ng dumating ang mga pulis. Nakahandusay na ang mga ito sa sahig ng kusina namin."Anak, okay ka lang ba?" kinuha sa akin ni Mommy si Aki.
Tumango ako. Hindi ko pa rin nalilinis ang dugo sa katawan ko, ang suot ko ay ang malaking maroon hoodie na nakuha ko sa sampayan kanina.
Si Daddy ay tulala pa rin sa sulok at hindi makuhanan ng panayam ng mga pulis. Si Mommy naman ay walang ibang nasabi kundi nilooban nga daw kami. Hindi rin namin kilala ang mga lalaking nanloob.
"Ikaw, Miss? Wala ka bang naalala sa nangyari kanina?" tanong sa akin ng isa sa mga pulis. Nag-iimbestiga ang mga ito.
"M-may lalaki..." napalunok ako. "Nasaan siya?"
"Ha? Sinong lalaki, Miss?"
"Oo, officer." Biglang sumabat si Mommy na tila noon lang naalala ang lalaking binanggit ko. "May lalaki ngang dumating kanina, siya ang bumaril sa mga 'yan."
"Sino ho bang lalaki iyon?" tila naguluhan ang pulis. "Iyang apat lang ang nadatnan namin dito kanina."
"At imposibleng magbarilan silang apat." Sabi ng isa pang pulis. "Magkakasabwat iyan, e. Kaya malamang iba ang bumaril sa kanila."
"K-kaya nga ho. May isa pa hong lalaking dumating. Siya ang nagligtas sa amin. H-hindi ko lang matandaan ang mukha niya... hindi ko nakita..." napailing ako. "Puno ng dugo ang mga mata ko kanina, at nanlalabo pa sa luha. Nang luminaw ang paningin ko ay nakatalikod na siya." Hindi niya na ako nilingon...
Tumango-tango ang pulis habang inililista sa hawak na notebook ang mga sinasabi ko. "Wala ka bang ideya kung sino ang lalaking iyon?"
Umiling ako. Tumalikod na ako at pumasok sa kuwarto ko.
"Nasaan ka?" nangilid ang mga luha sa mga mata ko. "Anong nangyari sa'yo?"
Hinubad ko ang hoodie at iyon na rin ang ipinagpunas ko sa mga natuyong dugo sa balat ko. Wala akong pakialam kahit napakalangsa ako. Wala akong pakialam kahit pa dugo ng kriminal ang nasa balat ko. Ang buong isip ko ay nakatuon sa lalaking bigla na lamang dumating at bigla ring umalis.
A.W.
Wala sa loob na napalingon ako sa lifesize mirror na nasa tapat ko. Napakarungis ko. Magulo ang buhok ko at puno ng natuyong dugo ang upper body ko.
Bumaba ang paningin ko sa mga hita ko. Ibinuka ko iyon, sanhi para makita ko ang tattoo sa aking left groin. Nagtagis ang mga ngipin ko kasabay ng pagbigkas ko sa nakasulat ron.
"Alamid."
...
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makausap nang matino si Daddy. Si Mommy naman ay palaging malungkot. Kami naman ni Baby Aki ay palaging nagkukulong sa kuwarto.
Nakadapa si Baby Aki sa gitna ng kama at naghihilik na. Walang kamalay-malay ang bata na kanina pa ako titig na titig sa mukha niya. Ni kumurap ay hindi ko magawa.
"Wala ka pa rin bang balak pumasok sa eskwela, Ingrid?" Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Mommy.
"Maybe next week, Mommy." Alam naman sa school ang nangyari sa bahay namin. I'm pretty sure na naiintindihan ng mga teachers ang trauma na pinagdadaanan ko.
Trauma nga ba talaga?
"Anak..." tumabi sa akin si Mommy at niyakap ako.
"Mommy..." napayakap na rin ako sa kanya.
"Patawad kung kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito. Kung sana ay may pambayad pa tayo sa mga katulong o guwardiya ay hindi sana nangyari ang panloloob na iyon." Hinaplos niya ang buhok ko. "Patawad... napakabata mo pa para pagdaanan ang mga ito."
BINABASA MO ANG
He Doesn't Share
General FictionIngrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her, which made her seek him instead. She doesn't anticipate that by doing so, she has given him the pow...