Chapter 8

531K 21.5K 5.7K
                                    

  Chapter 8

"HE'S YOUR SON."

"Ano ka ba?! Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tumaas ang boses ko.

Nagkibit siya ng balikat saka kinuha ang bimpo na may yelo. Siya na ang nagdampi-dampi non sa kanyang ilong.

"W-Wolf..." Nagbutil-butil ang pawis ko sa noo at pakiramdam ko'y bumilis nang dobleang tibok ng puso ko. "M-minsan lang tinatawag akong 'mommy' ng batang 'yon. Sabik kasi siya sa... ina. Namatay ang mommy namin ni Aki, baby pa halos siya."

Tumango-tango si Wolf.

Matagal na namayani ang katahimikan bago niya muling binasag iyon.

"So have you made up your mind?"

Umangat ang mukha ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Napalunok ako. "W-Wolf, kasi..."

Nginitian niya ako na sanhi para lumubo ang puso ko. "You are worth the wait, Ingrid."

...

HAPON kinabukasan ng lumabas ako. Bibili ako ng sahog sa lulutuin kong ulam para mamayang gabi. Gusto ko namang lutuan ng masarap si Aki dahil pasado siya this grading period. Kaunti lang ang line 7 niya. At wala ring kaklase o teacher na nagreklamo tungkol sa kanya. Para sa akin ay achievement iyon.

"May bago na palang grocery store dito." Puna ko.

Madalas kasi ay sa Waltermart ako nago-grocery ng pangmatagalan kaya hindi ko napansin na may bago palang mini grocery dito sa lugar namin—itong Mighty Mart.

Habang namimili ay naririnig ko ang chismisan ng mga kasabay kong customers. Sa mga Laredo pala ang Mighty Mart. Iyong mag-asawang ex-OFW na may isang anak na lalaki. Kilala ang Laredo dito sa Palmera dahil marami silang paupahan dito.

Palabas na ako ng grocery store ng may humabol sa akin. "Miss! Miss!"

Isang matangkad at nakangiting lalaki ang nalingunan ko. "Ako ba?" turo ko sa sarili ko.

Tumingin sa paligid ang lalaki, pati ang mga mata nito'y nakangiti. Mukhang masayahin. "May iba pa ba?"

"Bakit?" taas-baba ang kilay ko.

"Naiwan mo 'tong payong mo."

Saka ko lang nakita na bitbit niya ang payong ko. Kinuha ko iyon saka ako nagpasalamat sa kanya.

"Abraham nga pala!" inabot niya ang isang palad niya sa akin.

"Abraham?"

"Abraham Laredo, hindi mo naitatanong, ako ang pinaka-guwapo rito sa Palmera."

"Ha?"

"Charot lang." Napakamot siya sa batok ng hindi ko tanggapin ang pakikipag-kamay niya. "Ano na lang pangalan mo, Miss?"

Pinagmasdan ko si Abraham. Hindi naman siya mukhang masama, mahangin lang talaga. Pero mas nake-kengkoyan ako sa kanya kesa nayayabangan.

"Ingrid." Nginitian ko siya. "Ingrid Uytengsu."

"Yown!" nang tumawa siya ay lalo siyang gumuwapo. May K nga magyabang.

Sa huli ay nakipag-kamay na ako sa kanya. Gentleman naman siya at agad na binitawan ang palad ko.

"Sige, aalis na ako." Tinalikuran ko na siya.

"Bye, Ingrid! Cute mo!" Pahabol niya.

Natatawa na lang ako.

Patawid na ako ng kalsada ng mapansin kong may sumusunod sa aking sasakyan.

Nang sipatin ko iyon ay natiyak kong mamalin ang kotse. Bihira ang ganito na pakalat-kalat sa daan kaya alam ko na agad kung sino ang nagma-may ari non kahit pa ngayon ko lang iyon nakita.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon