Chapter 23
NASAAN SI ALAMID?
Mabilis akong bumangon. Alas diez na ng gabi nang maalimpungatan ako. Nakatulog pala ako sa paghihintay na bumalik siya. At hindi pa yata siya bumabalik mula kaninang umalis siya? Saan siya pumunta?
Sumilip ako sa banyo, wala siya. Nagpasya na akong lumabas. Napangiti ako ng malamang hindi naka-lock ang pinto.
Paglabas ko ng kuwarto ay sumalubong sa akin ang madilim na paligid. Lumabas ako at tinantiya ang bawat kong hakbang. Bakit ba kasi ganito kadilim?
Ni wala man lang bukas na ilaw, kahit isang chandelier, wala. Nagtitipid ba si Alamid ng kuryente?
Saka saan nga ba banda ang hagdan? Baka kasi mahulog ako kakahakbang. Hindi ko alam kung saan ko banda kakapain ang switch. Kakapa-kapa ako ng tumama ang palad ko sa matigas na bagay.
Muntik na akong mapatili kung di ko lang napigilan agad ang sarili ko.
Mainit na kamay ang humawak sa magkabila kong balakang na sumuporta sa mabuwal kong pagkakatayo. "Are you okay?"
Napasinghap ako sa mainit at malagom na boses na aking narinig. Si Alamid!
"O-oo..." kandautal ako.
"Saan mo balak pumunta? Sana nagpasama ka, nasa kuwarto ko lang ako."
Kuwarto? Bakit nandon siya at wala sa kuwarto ko? Malay ko ba sa bahay na ito? Saka kinidnap niya ako, bakit hindi niya ako binabantayan? Paano kung tumakas ako?
Ah, oo nga pala, may guwardiya sa labas at maraming aso kaya kampante ang loko. Nakakahiya mang aminin pero naiinis ako.
"Where are you going, Ingrid?" May nakakapa akong amusement sa boses niya.
Pinagtatawanan niya ba ako?
Tumikhim ako. "Ah, kukuha lang ako ng t-tubig..." Marahan kong itinulak ang dibdib niya, iyon pala ang nakapa ko kanina.
"Really?" Hindi siya tuminag sa harapan ko. Mas lalo niya pa ngang idinikit ang sarili sa akin.
"Oo, uhm, nauhaw kasi ako—" Natigil ako nang bigla niya akong hapitin palapit.
"Galit ka pa rin ba sa akin?"
"Alamid, please, bukas na tayo mag-usap."
"I miss you..."
"Alamid, babalik na lang ako sa kuwarto—"
"Don't you miss me, Ingrid?" Parang hindi niya ako narinig.
"Alamid, babalik na sabi ako..." Pilit ko siyang itinutulak.
"Sandali lang..." Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa aking punong-tainga.
"'Wag..." Umurong ako, pero ang init na hatid ng mabango niyang hininga na kinumbinahan ng tila alak na ininom niya ay nanatili sa balat ko.
"Ingrid..."
"Alamid, please... babalik na ako sa kuwarto....""
"I'm sorry..."
"Ha?" Ibinaba niya ang sarili upang magpantay kami.
"Just thinking of you, makes me hard. What more now that you're this close to me."
Napamulagat ako ng maramdaman ang sinasabi niya. Hayun ang matigas na tumutusok sa hita ko.
Gustuhin ko mang umiwas ay hindi ko na magagawa, sukol niya na ako. Hindi ako makawala sa matigas niyang mga braso, at kanang kamay ni Alamid ay ngayo'y nasa loob na ng blouse na suot ko. "I want you, Ingrid. I missed you..."
BINABASA MO ANG
He Doesn't Share
General FictionIngrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her, which made her seek him instead. She doesn't anticipate that by doing so, she has given him the pow...