Chapter 38

373K 13.2K 3.5K
                                    

  Chapter 38


GAGO BA SIYA?

Nagkandatapi-tapilok ako sa paglalakad dahil napakalabo ng paningin ko sa paligid. Paanong hindi lalabo e kanina pa ako naliligo sa luha. Mula sa bus, sa jeep at ngayon ay sa paglalakad papasok ng Palmera Subdivision ay umiiyak ako.

Matapos niyang guluhin ang buhay ko, iiwan niya ako at ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin na magiging okay ako?

Basta kalimutan ko na siya para maging okay na ako? Gago nga.

Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking buhok dahil baka habulin ako ng mga aso kapag napagkamalan nila akong pugad. May mangilan-ngilang napapatingin sa akin pero dahil mabilis ang mga hakbang ko ay hindi ko na iniinda ang mga tingin nila.

Pinunasan ko na ang mga luha ko. Kinuha ko ang salamin sa bag ko para icheck kung gaano kamiserable ang aking itsura.

Wala namang pinagbago. Isang buwan nang maga ang mga mata ko at hupyak ang aking pisngi, kaya hindi na bago na namumugto ang mga mata ko ngayon.

Nang matanaw ko ang apartment ay agad na umurong ang mga paa ko. Aki, ang gago ng ama mo...

Hindi ko kayang umuwi.

Ayaw ko pang umuwi. Pag umuwi ako, iiyak din ako doon. Mababaliw ako ron. Tumalikod agad ako, sakto na may dumaan sa harapan ko kaya bumangga ako ron.

"Ay, ano ba?!"

"Okay ka lang?!" Agad na pumulupot sa bewang ko ang braso ng lalaking nakabangga ko.

Napatingala agad ako. "Abraham?!"

Namilog ang kanyang mga mata. "Ingrid, ikaw pala!" Agad siyang napangiti nang makilala ako. "Saan ka galing? Namamasyal ka na?"

Itinulak ko siya. "Abraham, kailangan nating magusap."

"We're talking already." Kayganda ng pagkakangiti niya. Tila siya masayang-masaya na lumabas ako ng bahay. "Pero pwede tayo magdinner sa labas para mas makapagusap tayo nang maayos."

Napalunok ako sa nakikitang kislap ng mga mata niya. Mukhang napakalaki ng kasalanan ko kay Abraham.

Hindi na joke ang lahat. Ang kasal ay seryosong bagay na hindi dapat binabasta-basta. Kahit pa sa mayor lang ang kasal namin, kasal pa rin iyon. Kahit may ibang dahilan kaya kami nagpakasal, kasal pa rin iyon.

"Tungkol sa kasal natin ang pag-uusapan natin, Abraham?"

Ayaw ko na siyang paasahin. Dahil kahit wala akong sinasabi sa kanya ay alam kong umaasa siya sa akin. Kung bakit kasi pumayag agad siya sa gusto ni Manang Tess na magpakasal kaming dalawa. Bakit kasi sa dinami-dami ng babae rito sa Taytay Rizal ay ako pa ang nagustuhan niya.

Nabura ang kislap sa mga mata niya ngunit nanatili ang ngiti sa kanyang mga labi. "Sige bah."

"Sa may Spicy Elements sa may SM Taytay na lang tayo, mukhang mahaba-haba 'yang pag-uusapan natin e. Maigi na iyong may alak." Nagkamot siya ng batok. "'Tas kantahan kita ron, para kung ano man iyang sasabihin mo, mapaisip ka muna pag narinig mo na iyong boses ko."

...

Nang umalis si Abraham ay dumeretso na ako sa SM Taytay.

Alas-siete ang usapan namin at ilang oras na rin lang naman ay mag-a-alas-siete na kaya dito ko na siya hihintayin.

Hindi ko rin kasi talaga kayang umuwi sa bahay. Mamaya na lang ako uuwi ron, kapag may alak na ang tiyan ko. Katulad kagabi, kumalma ako nang masayaran ng alcohol ang mga bituka ko. Plus pa na katabi ko kagabi si Alamid.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon