Chapter 25

379K 13.4K 1.7K
                                    

  Chapter 25

"ANONG NANGYARI SA 'YO?"

Hindi ko pinansin si Abraham. Pagkababa ko ng tricycle ay siya agad ang nakita ko na patawid ng kalsada. Lakad-takbo akong lumapit sa gate ng apartment na tinutuluyan namin ni Aki. Napapatingin ang mga tao sa paligid dahil tanghaling tapat ay nakapajama pa ako.

"Ingrid, sandali!" Naabutan ako ni Abraham isang dipa bago ang gate. Ihinarap niya ako sa kanya.

"Abraham, please!" Maluha-luha ako ng harapin ko siya. "Nagmamadali ako, please, bitawan mo ako!"

Hindi siya nagsalita pero puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

Nakatingin siya sa akin at nakikita niya ang itsura ko. Magulo ang buhok ko, marumi ang damit ko, may natuyong dugo sa noo ko at may gasgas ang pisngi ko. Dagdag pang nakayapak lamang ako.

Nagulat ako ng bigla siyang yumuko. Hinawakan niya ang mga paa ko saka isinuot sa akin ang hinubad niyang tsinelas. Kahit malaki iyon sa akin ay sinagip naman ng mga tsinelas na iyon ang talampakan ko sa init ng semento at dumi ng daan.

"Mag-usap tayo mamaya." Nakangiti siya ng muli kaming magpantay na dalawa.

"Abraham..."

"Babalikan kita." Pinisil niya ang braso ko bago siya nanakbo nang nakayapak. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero wala na akong pakialam pa ron. Nang maalala ko ang sadya ko sa pag-uwi ko ay nagmamadali akong pumasok sa gate.

"Ate Helen!" sigaw ko ng makapasok ako sa compound ng apartment. Sa kabilang pinto ako nagtuloy.

Si Ate Helen, ang kapitbahay namin, ang agad na sumalubong sa akin. "Nakauwi ka na pala— anong nangyari sa 'yo?" Gulat na gulat siya sa ayos ko.

"Si Aki?" agad kong tanong sa kanya.

"Huy, ano ngang nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakahabol sa akin si Ate Helen. "Nasaan si Wolf?!"

"Ate, si Aki. Aalis kami!"

Dumeretso na ako papasok sa apartment niya. Tanghaling tapat, nasa sahig ang mga bata at naglalaro ng lego. Ang asawa naman ni Ate Helen ay nasa sofa at nagkakape, mukhang okay na ang mag-asawa.

Nang makita ako ni Aki ay agad itong tumayo. "Atee!"

"Aki, halika." Hinawakan ko ito sa braso.

Namimilog ang mga mata ni Aki sa akin. "Bat dungis mo? Bat may dugo noo mo?"

"Halika na, Aki. Ate Helen, salamat." Hinila ko na si Aki sa pinto. Lahat ay nagtataka sa akin. Ultimo ang asawa ni Ate Helen ay nakatanga sa akin.

"Bakit ka may dugo sa noo?!" sigaw ni Aki pero hindi ko ito pinansin. Pakaladkad ko itong dinala sa kabilang apartment. Sa bahay namin.

"Pumasok ka sa kuwarto at maglagay ka ng damit sa bag mo. Bilisan mo," utos ko kay Aki. Kahit nagtataka ay sumunod sa akin ang bata.

"Ingrid, ano bang nangyayari?" Biglang pumasok si Ate Helen sa sala. "Anong nangyari? Ngayon ka lang bumalik 'tapos ganyan ang itsura mo."

Bumuga ako ng hangin bago ko siya hinarap. "Tulungan mo ako, Ate Helen."

"Ha?"

"Aalis kami ni Aki. Tulungan mo kaming mag-impake." Pagkuwa'y hinila ko siya sa braso papasok sa kuwarto.

Nasa kama na si Aki at busy sa paglalagay ng mga laruan sa backpack.

"Aki, damit ang iimpake mo, hindi laruan!" Pinandilatan ko ang paslit. Lumabi lang si Aki.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon