Chapter 10
BAKIT PARANG KASALANAN KO PA?
Hindi siya nagpakita nang matagal. Walang paramdam. 'Tapos bigla siyang darating. 'Tapos gusto niya, patawarin ko siya agad. Bakit ganun?
Umalis si Wolf noong gabing iyon dahil hindi ko na siya pinagbuksan ng pinto. Basta alam ko lang na umalis na siya. Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya. And that was two weeks ago. After that, wala na siyang paramdam.
And I don't know what to feel. Should I be happy? Bakit parang hindi ako masaya? Bakit ganito?
Pinalayas ko siya because I found him creepy the last time we talked. Naramdaman ko ang pagiging iba niya. Parang may tama sa utak si Wolf. Dapat talaga matakot ako at iwasan na siya.
Pero bakit ganito? Bakit hinahanap-hanap ko siya?
Argh. Stupid, Ingrid!
Napapitlag ako ng biglang may kumatok. Sumilip sa bintana ang nakangiting mukha ni Ate Helen. "Ing!"
Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Ate Helen, ikaw pala."
"May inaasahan ka bang iba?"
Bantulot akong napangiti. "Wala. 'Lika pasok ka."
"Hindi na dito nadadaan si Wolf."
Nagkibit ako ng balikat. Magkatabi kaming umupo sa sofa. Tahimik ang kabahayan dahil nasa school pa si Aki.
"Nag-away ba kayo?" tanong niya.
"Bakit mo naman natanong iyan, 'Te?" Hindi niya alam na nagkasagutan kami ni Wolf.
"Ewan. E, kasi hindi na siya nagpupunta."
"Bakit hindi siya ang tanungin mo, Ate?" Gusto ko ring malaman kasi, pero nahihiya akong gumawa ng aksyon. Kasi nga pinalayas ko siya.
Pinalayas ko, e. Bakit ako pa ang magtatanong?
"Akala ko pa naman ay may unawaan na kayong dalawa."
Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi sigurado kung nagkaroon nga ba talaga kami ng unawaan ni Wolf. Oo nagsabi siya sa akin ng "I love you" and all, pero nagbago na ang lahat dahil sa ipinakita niyang creepy behavior.
"Pero baka busy lang iyon sa work," aniya. "Narinig ko siya last time, may kausap sa phone. Parang pinsan niya iyong kausap niya. Negosyo ang pinag-uusapan nila, may problema ata."
"Ate Helen, hindi ba talaga kayo close?"
Sumandal siya sa sandalan ng sofa saka matamang tumitig sa akin. "Hindi."
"Pero alam mo naman siguro kung..."
"Kung?"
"Kung may psychotic tendencies siya?"
Biglang tumawa si Ate Helen. "Iyong poging iyon ng pinsan ko?"
"Hindi basehan ang itsura. Maraming psycho na may itsura. Looks can be deceiving."
"Wala. Tahimik lang talaga na tao iyon, maniwala ka. Ginagawa niya lang kung ano ang gusto niya. Sinasabi niya lang ang laman ng isip niya. Ganon."
Napayuko ako. Mukhang malaki ang kasalanan ko kay Wolf. Hinusgahan ko agad siya. Baka nga dahil may problema sa negosyo niya kaya hindi siya nakapagparamdam sa akin noon.
Saka bakit naman niya irereport sa akin ang mga aktibidades niya? Kami na ba? Hay, ang tanga ko talaga.
Problemado na si Wolf, ginatungan ko pa ang problema niya.
BINABASA MO ANG
He Doesn't Share
General FictionIngrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her, which made her seek him instead. She doesn't anticipate that by doing so, she has given him the pow...