Chapter 32

343K 12.9K 1.4K
                                    

Chapter 32

"COME WITH ME."


"Nasaan si Aki? Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Gusto ko siyang makita!" Halos magkandatali-talisod ako sa pagsunod sa mabilis niyang paglalakad patungo sa gate ng apartment.


"You'll see him later." Basta na lang niya binuksan ang pinto ng passenger's seat ng dala niyang blue na BMW.


Hindi na ako nag-isip pa, pumasok na ako. Kung baliw man si Benilde, at may balak siyang gawin sa akin ay wala na akong pakialam. Kahit kay Satanas, makikipag-deal ako, makita ko lang ulit si Aki!


Hindi ako naniniwala na patay na si Aki. Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita. At malakas ang kutob ko na buhay pa ang anak ko!


Isang oras ang itinagal ng biyahe namin kahit na walang traffic. Sa isang lumang bungalow niya ako dinala. Sa loob ito ng isang private subdivision na magkakalayo ang mga bahay. Walang katao-tao sa paligid ngunit may itim na SUV sa garahe ng bungalow.


"Si Aki? Nandiyan siya?" tanong ko sa kanya habang nakasunod ako sa paglalakad niya.


"Chill, okay?"


"Nasaan nga siya? Nandiyan ba siya?!"


"I said, chill." Mahinhing tumawa si Benilde. "Chill lang." Sa back door kami dumaan. May dalawang lalaki ron na sa tingin ko ay mga tauhan niya.


"Good evening, Ma'am."


"Good evening, gentlemen. I'm with someone." Itinuro niya ako. "Her name is Ingrid Uytengsu. Remember her?"


Nagkatinginan ang mga lalaki.


"She's the high school student before na kinidnap niyo noong pinapakidnap ko sa inyo ang apo ng presidente."


Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Benilde.


Siya ang nagpakidnap sa akin noong sixteen years old ako?! Pero bakit?!


Napapalatak ang matabang lalaki na may makakapal na kilay. "Si Roy iyong kumidnap diyan, Ma'am. Sinibak niyo na 'yon nong malaman niyong pumalpak siya."


"Oh!" sambit ni Benilde, pagkuwan ay ngumiti. "Oo nga pala, I fired Roy the day na malaman kong hindi pala ang apo ng presidente ang nakidnap niya."


Ang apo ng presidente ng Pilipinas ay si Macey Ela Sandoval, my friend in high school na sobrang kadikit ko. Halos palagi kaming magkasama noon. At magkasama kami ng hapon na nakidnap ako. Hindi pala ako ang tunay na target nila! Napagkamalan lang pala ako!


"Lasing kasi si Roy," anang lalaki.


"Past naman na 'yon. Ang importante, okay na kami ni Alamid."

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon