Chapter 5
RED NOTE?
Wolf was standing in front of the gate. Nakatalikod siya at may kausap sa hawak na iPhone. Nasa tapat niya naka-park ang kulay itim na sasakyang pag-aari niya, that I am pretty sure na nagkakahalaga ng milyon-milyon.
English ang salita niya sa kausap niya. At kahit hindi ko gaanong naririnig mula sa pwesto ko ang sinasabi niya, alam ko at ramdam ko na bawat salitang binibitawan niya ay mabibigat. Powerful. Just like his aura.
There was an air of authority around him. And the way Wolf carry himself could intimidate anyone. He was larger than life. And he was sexy.
Semi fitted faded jeans, black vintage shirt and a leather shoes plus his tattoos. He was ravishingly handsome and sexy son of a gun!
Dahil nakatalikod ay nakikita ko ang kanyang likuran. Ang batok niya ay may tattoo na kulay pula, kahit nasa malayo ay kitang-kita ko ang pigura—red note.
Marami siyang tattoo sa braso pero hindi naman siya maruming tingnan. In fact, malinis tingnan ang tinamaan ng magaling.
"Anong sinisilip-silip mo diyan, ha?" tumabi sa akin sa bintana si Ate Helen.
Agad kong ibinaba ang kurtina. "W-wala..."
"Anong wala? Patingin! Oy, si cousin dear!"
"Hindi siya ang tinitingnan ko." Lumayo ako sa bintana.
Nasa apartment ko si Ate Helen dahil naghatid na naman siya sa akin ng ulam. This time ay hindi niluto kundi inorder lang sa restaurant. Ewan ko ba kung bakit ang dami nilang inorder na pagkain. Ang mamahal pa.
Sabagay, mapera si Wolf. Kanina nga lang ay may tag-iisang new iPhone na sina Ate Helen at Meryl. May tablet na rin si Totoy.
At mukhang wala nang problema sa mga pinagkakautangan niya si Ate Helendahil hindi na siya mukhang stressed ngayon.
"Ows?"
"Hindi nga..." iling ko.
Ngumisi siya. "Okay, sabi mo e!"
Naupo siya sa sofa. Walang balak umalis at mukhang ganado pang makipag-kuwentuhan.
"Sa inyo na ba natulog kagabi iyong pinsan mo, 'Te?"
"Mamaya pa. Bat interesado ka?"
"Natanong ko lang, 'Te..."
"Sigurado ka?" Nang-aarok ang tingin niya sa akin.
Lumabi ako. "Oo naman. Hindi ko naman kilala iyong pinsan mo para maging interesado ako sa kanya."
"Okay... May inaasikaso pa kasi siya. Saka idedeliver pa lang mamayang gabi iyong inorder niyang aircon at kama."
"Mag-a-aircon kayo, 'Te?"
"Oo naman." Dumi-kuwatro siya ng upo. "Pati nga iyong kuwarto namin ay papalagyan din ni Cousin ng aircondition. Siya naman ang magbabayad ng kuryente kaya oks na oks lang sa akin. Iyong renta nga ng bahay, siya na rin daw ang magbabayad. O di ba? Pati tuition ni Meryl ko, sasagutin niya raw!"
"Ganun karami ang pera ni Wolf?"
"Wolf?"
"Si Wolf, iyong cousin mo."
Natawa siya. "Oo nga, si Wolf nga! O di ba? Pati pangalan ni Cousin, yayamanin!"
"Matutuwa ang asawa mo, 'Te. Makakaipon ka habang nariyan ang pinsan mo."
BINABASA MO ANG
He Doesn't Share
General FictionIngrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her, which made her seek him instead. She doesn't anticipate that by doing so, she has given him the pow...