Chapter 40
"HE NEVER WANTED TO LEAVE YOU."
[ Ingrid,
I'm sorry for hurting you again but I can't keep on seeing you. I'm leaving for Europe and it's for good. You can hate me all you want. I know I'm a coward for turning my back on you, but you have to trust me that this is for your own good. You don't need a broken man in your life. Just take care of yourself and take care of our baby. ]
Namumugto ang mga matang tumingin kay Acid. Ibinato ko sa kanya ang nilamukos kong sulat at bank check. "Anong tawag mo diyan?!"
Nang magising ako sa penthouse ni Alamid ay may iniwan siyang maiksing letter. Kasama ng maiksing letter na iniwan niya ay two-hundred million pesos in check na nakamagnet din sa pinto ng ref.
Bukod sa check ay nandoon din ang number ng lawyer at secretary niya na pwede ko raw kontakin kung may mga kakailanganin ako sa pagbubuntis at panganganak ko. Naiayos niya na ang lahat para sa amin ng ipinagbubuntis ko. At kapalit ng lahat ng ito ay ang paglayo niya nang tuluyan.
Kahit ilang beses kong basahin ang sulat niya ay hindi pa rin ako makapaniwala na iniwan niya na nga talaga ako. Na hanggang doon na lang talaga. Na pupunta na siya sa Europe dahil hindi niya na gustong maalala ang mga masasakit na nangyari sa kanya sa Pilipinas. At kasama ako sa mga gusto niyang kalimutan.
Maliwanag na ayaw niya na akong makita dahil nasasaktan siya kapag nakikita niya ako. At least ngayon alam ko na ang dahilan niya kaya siya pilit na umiiwas sa akin.
"Natatakot lang siya na lalo kang masira kapag nandiyan siya. Ayaw niyang mawasak ka sa tuwing makikita mo siya at maaalala mo ang nawala sa 'yo dahil sa kanya."
Hindi lang naman ako ang nawalan, siya rin.
"Gusto niyang makalimot ka."
"Paano ako makakalimot?" Itinuro ko ang sikmura ko. "Ilang buwan na lang lalaki na ito. At pag lumabas 'to, malamang kamukha at kaugali niya na naman. Kaya sabihin mo sakin, Acid! Paano ko makakalimutan ang kaibigan mo? Ginagago niyo ba ako?!"
Hindi niya ako pinansin. "Gusto niyang maging masaya ka, Ingrid. That's the only reason why he wanted to leave you."
Nanghihina akong napaupo sa sofa. Masaya? Paano ako magiging masaya kung wala siya?
"Hindi ka niya sinukuan, Ingrid. Don't tell me, susukuan mo siya ngayon?"
Matagal akong nahulog sa pag-iisip. Sa tuwing iniimagine ko ang bukas na wala siya, para akong masisiraan ng bait. At kung lumaki na itong baby namin, kapag nagkaisip na ito na katulad ni Aki at tanungin ako, ano ang isasagot ko kapag naghanap ito ng daddy?
Ayoko nang maulit iyong mga pagkakamali ko. Ayoko nang magsinungaling sa anak ko.
"Ingrid, aalis si Alamid papuntang Europe hindi para magpasarap. He's going there dahil balak niyang ibalik ang sarili niya sa asylum. Iyon lang ang paraan para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa inyo. But I don't think na gagaling pa siya. Hindi ko nakikitang gusto niya pang gumaling dahil alam niyang hindi ka na niya makakasama. He's now broken beyond repair. Wala na siyang direksyon dahil wala ka na sa buhay niya."
"H-hindi pwede ang gusto niya." Marahas kong pinahid ang laylayan ng damit ko sa luhaan kong mga mata. Nangako na ako noon na ako naman ang mag-aalaga sa kanya, kaya hindi pwedeng solohin niya ang lahat ng sakit at problema.
Para saan pa na mahal ko siya kung hindi niya ako hahayaan na alagaan at protektahan siya?
"Acid, salamat."
"For what? Wala naman akong nagawa. He's still going to Europe at nakaupo ka pa rin naman diyan."
Tiningala ko si Acid. "A-anong oras ang flight niya?"
BINABASA MO ANG
He Doesn't Share
General FictionIngrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her, which made her seek him instead. She doesn't anticipate that by doing so, she has given him the pow...