Chapter 13
"ANONG NARARAMDAMAN MO?"
Paano ko sasagutin iyong tanong niya?
Ano ba ang nararamdaman ko? Hindi naman gaano kasakit iyong nangyari sa amin. Hindi na ako virgin para mag-alala siya sa akin.
Oo nga pala, bumalik na iyong hiya ko. Bumalik na iyong huwisyo ko. Hindi naman ako nagsisisi. Ang kaso, nahihiya ako kay Wolf. Hiyang-hiya ako.
Hinagilap ko ang mga nahubad kong damit. Dapat magbihis na rin ako. Baka mamaya bigla na lang lumabas ng kuwarto si Aki at makita akong nakaburless dito, nakakahiya.
Nasaan na ba iyong panty ko?
Nakakainis, sana itinabi ko agad iyon kanina para hindi ako nahihirapan sa paghahanap ngayon. Saan na ba kasi napunta iyon? Tiningnan ko ang likuran ko kasi baka nadaganan ko o naupuan.
Gusto ko sanang tumayo para silipin ang ilalim ng sofa, kasi baka nandon lang sumuot ang panty ko. Ang kaso nakakahiyang tumayo at tumuwad dahil nga sa wala akong suot na panty. Kahit pa nakita na lahat ni Wolf, at kahit medyo dim ang ilaw dito sa sala, nahihiya pa rin ako sa kanya. Ni hindi pa nga ako makatingin nang deretso sa mga mata niya.
"Here."
"Ha?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Hawak niya sa kanang kamay niya ang panty ko, hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Nakajeans na siya, hindi pa nga lang naikakabit nang maayos ang buckle ng suot niyang belt sa bewang.
"W-Wolf, a-ako na." Pilit kong inaagaw sa kanya ang underwear pero ayaw niyang bitawan.
Ibinaba niya ang binti ko at inilagay niya ang mga paa ko sa dalawang pasukan ng underwear. Pulang-pula ang mukha ko habang itinataas niya iyon.
Nang umabot na sa gitna ng hita ko ay hindi ko na siya hinayaan pang tulungan ako. Basta ko na lang hinila ang panty para masuot agad sa akin. Lalo na tuloy akong hindi makatingin sa kanya.
Muli siyang tumayo at dinampot ang hinubad niyang t-shirt.
Ano kayang iniisip niya ngayon?
Iniisip niya ba iyong nangyari sa amin?
Nadisappoint ba siya kasi hindi siya ang nakauna sa akin? At ngayong nakuha niya na ako, nagbago na ba ang isip niya tungkol sa relasyon namin?
Naupo siya sa tabi ko pagkatapos niyang makapagbihis. Ayos na ang itsura niya kahit pa magulo ang kanyang buhok. Kahit pa gusot-gusot ang t-shirt niya, mukha pa rin siyang modelo na kahit anong oras ay nakahandang rumampa.
Nang tumingin siya sa akin ay agad akong nag-iwas. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng butones ng pantulog ko.
"Ingrid." Bigla niyang tawag sa pangalan ko.
...
ALAMID
"I NEED TO GO."
Natigilan si Ingrid sa pag-aayos ng damit niya. Tahimik siya ngunit ramdam ko ang pagkabalisa niya. Natatakot siguro siya na dito na matatapos ang lahat. She was wrong.
Nag-uumpisa pa lang kami.
Hinila ko siya at niyakap."May kailangan lang akong asikasuhin. Babalik ako."
"Mag-iingat ka..." nakayukong sabi niya sa mahinang tinig.
Itinaas ko ang baba niya gamit ang aking daliri. "Look at me, Ingrid."
BINABASA MO ANG
He Doesn't Share
General FictionIngrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her, which made her seek him instead. She doesn't anticipate that by doing so, she has given him the pow...