Chapter 28

405K 12.8K 2.7K
                                    

Chapter 28


"WHY ARE YOU HERE?"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Alamid. Nakapamulsa siya sa suot niyang sweatpants. Basa ang buhok niya na mukhang kakaligo pa lang. Naaamoy ko rin sa kanya ang ginamit niyang mamahaling aftershave.

"Binabantayan ko lang si Aki." Pagkagising ay dito na agad ako dumeretso sa malawak na lawn ng rest house niya.

"Pumasok na si Aki sa loob."

"Ha?" Nilingon ko ang malawak na lawn, wala na nga si Aki.

"May problema ba?"

"Gusto ko ng umuwi, Ala."

"Why? Don't you like it here?"

"K-kasi..." sandali kong kinalimutan ang tungkol kay Aletta since hindi pa naman sigurado ang nalaman ko tungkol doon.

"We're here with Aki. May kulang pa ba?" Humakbang siya palapit sa akin. "O ayaw mo ng makasama ako?"

Umiwas ako sa nanghuhuli niyang tingin. "Hindi naman talaga dapat tayo nagsasama. H-hindi pa tayo kasal."

"Then we'll get married."

"Hindi."

Kumunot ang noo niya.

"Marami pa akong hindi alam tungkol sa 'yo. Marami ka pang hindi ipinapaliwanag at sinasabi sa akin."

Tumaas ang kamay niya papunta sa balikat ko. Tila ako napaso at nakuryente sa init na dala ng palad niya kaya ako napalayo.

"Ingrid..." Gumuhit ang kirot sa maganda niyang mga mata.

Napayuko ako. "Ni hindi ko pa kilala ang mga magulang mo."

"But you love me."

"H-hindi sapat na mahal kita..."

Iyong sinabi ni Manang Tess, totoo ba? Sa nakikita ko kay Alamid, mukhang hindi naman niya kayang saktan si Aki. Nakikita ko na mahal na mahal niya ang bata.

Pero iyong pagkawala niya sa sarili sa mansiyon niya, hindi niya kontrolado ron ang sarili niya. Paano kung maulit iyon at si Aki ang kasama niya?

At iyong kay Aletta, baka totoo na siya ang –

Hinila niya ako at niyakap. Nahinto ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang init ng katawan niya. "Please stop thinking too much..."

"Ala..."

Nakangiti siya ng itaas niya ang mukha ko. "Let's watch Netflix with Aki."

Para lang akong robot na tumango.

Maghapon kami sa kuwarto, magkakayakap sa kama habang nagmo-movie marathon. Sa buong araw ay tila isa kaming masayang pamilya na walang kahit na anong problema.

Sana nga wala na lang problema. Pero posible ba iyon?

...

"AKI!"

"Pow?" Patakbong lumabas ng banyo si Aki. Pagkakain ng hapunan ay diretso agad ito sa CR. Ang dami kasing kinain.

"'Lika na sa itaas. Matulog na, gabi na!"

"Owki." Nanguna ng manakbo paakyat ng hagdan si Aki.

Aakyat na rin sana ako ng may kumatok sa pinto. Nakakapagtaka dahil may mga guard sa labas, nakakapasok naman agad ang mga ito dito sa rest house.

"Sandali." Hinagilap ko ang lock ng pinto.

Isang babaeng naka-jacket na kulay itim, nakasuot ng fitted jeans at lady converse ang napagbuksan ko. Blonde ito at may maliit na mukha. Siguro'y nasa late twenties and edad. Kahit simple ang itsura ay nangingibabaw ang pagiging sopistikada.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon