Chapter 7

553K 18.5K 6.8K
                                    

Chapter 7

"NILILIGAWAN KA NA?!"

Tumango ako sabay hawi ng buhok ko papunta sa kaliwang parte ng leeg ko. Manerism ko na iyon.

"Ang bilis naman!" Namimilog ang mga mata ni Ate Helen. Parang bigla siyang namroblema at napaisip.

"Kahit nga ako e nabibilisan," nakangusong sagot ko. Pati nga pala sa damdamin ko, nabilisan din ako. Hindi naman kasi ako ganito sa ibang lalaki, pero kay Wolf, ewan ko ba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit kakikilala ko pa lang sa kanya, palagay na ako na kasama siya. Para bang matagal ko na siyang kilala.

Tumabingi ang mga labi niya. "E anong plano mo? Sasagutin mo?"

"H-hindi ko alam, 'Te. Kakaumpisa pa lang niya e..."

"Aba't pinayagan mong manligaw?"

"Parang hindi naman nagpaalam. Basta na lang, e..."

Nanahimik si Ate Helen, tila may malalim na iniisip.

"Ganon ba talaga siya, 'Te? Masyadong tahimik?"

Matagal siya bago nakasagot. "Ganon naman ang mga boys, di ba? Tahimik. Hindi palasalita. Kaya nga mas marami ang mga bilang ng mga lalaking inaatake sa puso. Di tulad nating mga babae, madadaldal. Lahat ng problema natin, ivino-voice out natin agad, kaya kahit paano, nakakaluwag tayo. Hindi lahat nakikimkim."

"Ganun..."

"Ang mga lalaki, seven thousand words in a day lang. Ang mga babae, twenty thousand words. Minsan, sobra pa. Ang layo ng pagkakaiba."

"Pero iba si Wolf. Parang one-hundred a day lang yata ang words niya."

"E, ganun talaga iyon. Mahal ang per word non." Umismid siya.

"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya."

"Ha? Kwento?"

"Oo, 'Te." Hinawakan ko pa ang mga kamay niya. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit bigla-bigla na lang akong naging interesado.

"Ahm, ano. Hindi naman kasi kami ganun ka-close. Kumbaga, ano. Ano ba?" nag-isip siya. "Mabait siya. Guwapo siya."

"Ate, hindi ko siya makikilala sa ganyan."

"Aba e ikaw na ang kumilala!"

Lumabi ako. "Paano ko kikilalanin e wala namang ibang ginawa iyon kundi titigan ako."

"Baka kasi nahihiya. Ikaw na ang gumawa ng topic tutal halata namang interesado ka rin." 

Nag-init ang pisngi ko. Ganon ba ako kahalata?

Nakakainis ang lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa impact niya sa akin.

Mayamaya ay sumeryoso si Ate Helen at mahinang nagsalita. "Ingrid, mabait naman ang pinsan ko, di ba? Sa tingin mo, mabuti naman siyang tao, di ba?"

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit sa akin nagtatanong nang ganito si Ate Helen tungkol sa pinsan niya.

"Magaan ang loob ko sa kanya kahit noong una ko pa lang siyang nakita. Hindi ako eksperto sa pagkilatis ng tao pero ramdam ko naman na seryoso siya. Ramdam ko rin na wala naman siyang hangad na masama... Na may dahilan siya kaya niya ito ginagawa." Bumuntonghininga siya. "Ingrid, hindi ko naman siya ipapakilala sa 'yo kung pakiramdam ko ay hindi siya mabait na tao..."

"Ate?"

Napasabunot siya sa buhok niya at saka umiwas ng tanong. "Ah, ano ba itong sinasabi ko..." Nagpilit siyang tumawa. "Basta Ingrid, sabihin mo lang sa akin kung ano nang ganap sa inyo, ha? Ano, basta, wag kang maglilihim..." Nag-iwas na siya ng paningin at tumayo na. Nagmamadali na siyang umalis.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon