Chapter 36

383K 14K 5.7K
                                    

Chapter 36

"ARE YOU OKAY NOW?"

How can I be okay?

Ang daming nangyari sa isang iglap. Ang simpleng buhay ko, biglang nagulo noong magmahal ako at mabaliw ng dahil sa pag-ibig na 'yan.       

Niyakap ako ni Abraham at hinalikan ang aking noo. "You'll be fine. Everything will be okay soon."

Talaga? Bakit parang hindi?

Bakit parang napakadali sa mga tao na magpayo at magsabi na magiging okay rin ang lahat gayong hindi naman sila ang nakakaranas ng sakit at pait?

"You'll forget about him, too," aniya. "Eventually..."  

Umalis na si Alamid at kaming dalawa na lang ni Abraham. Ilang minuto rin bago niya ako tinanong. Hinayaan niya muna akong tahimik na umiyak. Si Abraham na ang nagpahid ng mga luha ko.   

Noong tahimik na tumalikod at umalis si Alamid ay parang mas lalong lumala ang lahat. Ang puso kong nabasag sa pagkawala ni Aki ay parang nadurog kanina ng talikuran niya ako.

I was expecting more from him. Dahil kilala ko siya. Alam ko na hindi niya ako basta iiwan kay Abraham. Nakakagulat lang dahil mabilis niyang tinanggap ang lahat. Tahimik niya akong tinalikuran na para bang isinuko niya na sa isang iglap kanina ang lahat ng ipinaglalaban niya. Gago talaga. 

Ang gago-gago!

Ang gago naming dalawa. Ako naman, pinaalis ko siya pero nasasaktan ako ngayon.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil napakarupok ko. Napakagaga ko. Bakit ako umiiyak na umalis na iyong taong dahilan kaya ako umiiyak?   

Ginusto ko naman na umalis na si Alamid, pero heto at pakiramdam ko ay namatayan ako sa pangalawang pagkakataon. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na gawin ko. Baliw na rin ako simula pa noong una.

"Ingrid, I know masyado pang maaga for this." Tumikhim si Abraham. "But I am thinking na mas makakabuti siguro if sa akin ka na titira."

Napaangat ang tingin ko kay Abraham. 

"We're married now. You're now my wife in law and in God's eyes."

Napalunok ako. Hindi pa pala namin napag-uusapan ang tungkol sa set up naming dalawa. Pero hindi ba malinaw kay Abraham na iba ang sitwasyon namin kaysa sa ibang mag-asawa?

"Tama lang na sa akin ka na tumira. And besides, mas makakabuti siguro na sa akin ka na talaga mag-stay para hindi ka na magulo ng lalaking iyon."

"Abraham, hindi ko pwedeng iwan itong apartment," mariin kong wika. Iniisip ko palang na aalis ako dito ay para na akong mamamatay.

"I know na mahirap dahil ang mga memories niyo ni Aki ay naririto. Pero sooner or later, kailangan mo na ring magmove on para makalaya na kayo pareho. Hindi rin matatahimik si Kulet kapag araw-araw kang nagmumukmok dito."

Umiling ako. "H-hindi pa ako handa."

"Gusto ko na rin kasi sanang sabihin sa parents ko na kasal na tayong dalawa. Pero sige, ikaw ang bahala. Ikaw ang masusunod." Ngumiti siya. "I can wait for you, Ingrid."

"Sorry, Abraham. Gusto ko na sana munang mapag-isa." Ang dami kong pinagdaanan at kahit masakit ang kinahinatnan ko, hindi ko pa rin kayang talikuran at kalimutan ang lahat.

Tumango siya bagamat may dissappointment ang mga mata niya.

"Mag-usap tayo sa ibang araw, Abraham. Give me more time to think..."

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon