EPILOGUE

613K 19.7K 5.7K
                                    

Epilogue

"Ate, very good ako sa school kanina!"

Napalingon ako kay Aki na kakapasok lang sa pinto. Gusot ang school uniform, magulo ang buhok at pawisan siya habang hila-hila ang kanyang school bag na may nakadrawing na logo ng Avengers. Ganito parati ang ayos niya tuwing umuuwi siya mula sa eskwela.

"Wow. Talaga?" Agad ko siyang nilapitan at pinunasan ng bimpo ang pawisan niyang noo. "Bakit ka raw very good?"

Ngumisi siya at agad na lumitaw sa paningin ko ang maliliit niyang ngipin at bungi-bungi niyang bibig. "Kasi inubos ko iyong pera ko sa tray kanina!"

Napasimangot ako. "Akala ko naman dahil mataas ang nakuha mong grades!"

Niyakap niya ako at pinupog ng halik ang aking mukha. Nanlagkit agad ako dahil sa nguso niyang parang kagagaling lang sa pagkain ng kung ano-anong candies at chocolates.

"Labyu, Atee!" Namilog ang mga mata ng paslit. "Mama pala!"

"Oo, baby. Mama na kasi."

"E di labyu mama ko!"

Niyakap ko siya at ako naman ang pumupog ng halik sa cute niyang mukha. "I love you, too, Aki ko!"



"INGRID."

Nagmulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Ate Helen. Agad akong bumangon mula sa sofa. Narito kami ngayon sa Tagaytay, sa rest house na binili ni Alamid bago kami magpakasal at pumunta ng ibang bansa.

"Mukhang maganda ang panaginip mo." Nakangiti sa akin si Ate Helen. Malaki na ang tiyan niya, pangatlong anak nila ng kanyang asawa ang ipinagbubuntis niya ngayon.

Nag-inat ako. Maganda talaga. Dahil tinupad ni Aki ang hiling ko, na makasama ko siya kahit sa panaginip lang.

Lately ay palagi kong napapanaginipan si Aki. Kung hindi siya nangungulit, ay naglalambing.

"Anong oras ba ang dating ng asawa mo?"

Nang marinig ko iyon ay agad akong napatayo. "Oo nga pala." Tumingin ako sa orasan. "Ang arte naman kasi non, ayaw magpasundo sa airport!"

"E kaya ka nga kayo pinaunang pinauwi ng Pinas dahil gusto kayong surpresahin. Pambasag ka rin ng trip e."

Natawa ako. "Anong surprise don, e alam ko namang ngayon siya darating?"

"O siya, mag-ayos ka na. Luto na ang buto-buto."

"Thanks, 'Te." Pagkatayo ko ay pumasok na agad ako sa banyo at nagmamadaling maligo. Pagkatapo ay puting bestida na abot tuhod ang sinuot ko.

Pababa ako ng hagdan ng marinig ko ang pag-mamaktol ng isang sanggol. Kasunod niyon ay ang pagkanta-kanta ng isang matanda. Napangiti ako at nagmadaling makababa sa sala.

"Alimunding-munding!"

"Manang!" tawag ko.

Napalingon sa akin ang matandang babae na may karga-karga sa apat na buwang sanggol na lalaki. Napangiti agad si Manang Tess ng makita niya ako.

"Hinahanap ka na nitong cute na baby na ito." Agad siyang lumapit at inabot sa akin si Artemii, ang 4-month old baby boy namin ni Alamid.

"'Lika kay mama, Art!" Agad namang tumigil sa pag-iyak ang sanggol at sumubsob sa dibdib ko.

Uungot-ungot ang sanggol habang naglalaway, nabasa tuloy ang harapan ng suot kong bestida.

"Asus, gusto lang yatang dumede," palatak ni Manang Tess. "Akala ko nama'y ayaw dahil ibinato niya kanina ang feeding bottle niya."

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon