Chapter 37

398K 14K 4.2K
                                    

"that's life, we are all addicted to something that ruins us..."

Chapter 37

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"

Galit siya?

Ito ang huling emosyon na inaasahan ko sa kanya. Nakailang pindot ako sa doorbell ng penthouse niya bago niya ako pinagbuksan.

Kandahirap ako para hanapin siya. At ngayong natagpuan ko na siya ay hindi niya naman ako gustong makita.

Pumayat siya, miserable, pero matatag ang ipinapakita niyang katauhan sa akin. Parang takot siyang mabasag ang kung anong ihinarang niya sa kanyang sarili. 

Gusto ko siyang yakapin, dahil pakiramdam ko, ito ang gustong mangyari ni Aki. Na pawiin ko ang lahat ng lungkot na nasa puso ng daddy niya.

Kahit pa blangko ang mga mata ni Alamid, sumisingaw don ang lahat ng lungkot at paghihirap na pilit niyang itinatago. Nandon ang ebidensiya na hindi siya natutulog nang maayos, na katulad ko, umiiyak siya tuwing mag-isa siya.

Alam ko na isa sa ikakagalit niya ay ang tungkol sa kasal namin ni Abraham, pero maipapaliwanag ko naman sa kanya kung bakit ko iyon nagawa.

"Uhm, pwede b-ba tayong magusap?" Nakahanda akong sabihin ang lahat sa kanya kung kakausapin niya lang ako.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Alamid. Nakatingin lang siya sa mukha ko. Nakagat ko ang labi ko sa lamig ng pagsalubong niya sa akin.

"We can talk here."

Dito sa labas ng pinto niya? Dito sa hallway?

"Five minutes." Tamad na tumingin si Alamid sa suot na wristwatch. "That's all I can give you."

Napanganga ako sa kanya. Hindi ako aware sa lumilipas na minuto.

"Your time is done." Akma niya akong pagsasarhan ng pinto ng pigilan ko siya.

"Sandali."

Salubong ang makakapal niyang kilay ng muli niya akong harapin.

"Mahal kita."

Umismid ang mga labi niya.

"Mahal kita at mahal mo ako... I'm sorry kung—"

"Leave." Kung gaano kalamig at kawalang pakialam ang boses niya ay ganoon din ang repleksyon ng kulay abo niyang mga mata. Sa isang iglap tuloy, parang hindi ko na kilala ang kaharap ko.

"Ala..."Parang gusto ko nang maiyak.

"I said leave. Please. I have a lot of things to do."

Dapat maindintihan ko na kaya lang siya cold dahil nasasaktan lang din siya. Naguguluhan lang siya kaya hindi niya alam kung paano ako haharapin.

"Leave," ulit niyang utos.

"Ayoko," pigil ang hikbing sagot ko. Bahala siyang magalit.

Umigting ang kanyang panga kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata.

"Hindi ako aalis dahil sinabi mo. Alam ko naman na hindi talaga iyan ang gusto mong gawin ko."

"You know what? You're out of your damn mind."

"P-pero mahal kita, Alamid. Mahal kita..." sa kabila ng lahat, mahal kita...

Natigilan si Alamid ngunit saglit na saglit lang. Umiling siya makalipas ang ilang sandali. "Love is just an illusion."

Natulala ako. 

"Please leave, Ingrid."

"Wag mo akong saktan nang ganito, Ala..." pakiusap ko sa kanya. "Sobra-sobra na ang sakit, sana naman tama na. Kailangan natin ang isat-isa, Ala... Please, magusap tayo..."

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon