THE LAST CHAPTER

476K 14.4K 1.2K
                                    

"YOU'LL BE FINE."

Malumanay ang boses ng doktor. Nakangiti si Ingrid nang magtama ang mga mata namin. Unconsciously, i put my hand on my chest.

Natatakot akong iwan niya, natatakot ako sa mga susunod na araw at buwan na hindi ko siya makakasama.

Natatakot ako na hindi ko mabantayan ang paglaki ng tiyan niya. Pero nakangiti siya, she was smiling like she was saying that everything will be okay. And I believe in her.

I believe her that everything will be okay soon.

I still couldn't believe my luck. She was with me until now. Sa kabila ng lahat, mahal niya pa rin ako. We got married in Manila a week before our flight here to Massachusetts.

"Mr. Wolfgang, mental illness isn't always easy to understand, but you're lucky to have your patient and understanding wife to support you," Dr. Warrens said while looking at Ingrid. "You're indeed a lucky man."

He's the head psychiatrist doctor here in Maryland Institution. Siya rin ang dating tumingin sa akin, pero hindi ako tuluyang gumaling. Dahil noon ay hindi ako handang gumaling. Dahil hindi ko tanggap kung ano ang meron sa akin noon. I still have the episodes kahit bumalik ako ng Pilipinas. At habang tumatagal ay mas lumalala ang lagay ko.

But the situation was different now. I'm now ready to face my fears. Tiningnan ko si Ingrid sa tabi ko. I needed to do this. I need to be okay. For her. And for our new baby.

Acid took care of things. Everything was okay now. Maliban sa akin. But I'm on fixing myself now. It's a process that I am more than willing to undergo.

Wala na si Benilde, nalinis na rin lahat ng records na dapat linisin. Ingrid said, we will start anew. Pagkatapos ko rito sa institution, uuwi kami ng Pilipinas at magpapakasal ulit. Hinayaan ko siyang magplano, nakikinig lang ako.

Wala akong balak tumutol sa kahit anong sinasabi niya at sasabihin niya. I will always say yes to her, kahit pa sabihin ng mga tao na under ako. I don't fucking care. Basta gusto ko, matuloy iyong plano niya, kahit ano pa iyon.

"Are you absolutely certain that you're gonna wait for me?" I teased her. "It will be nine long months or more than."

She wrinkled her nose. "Malamang. Alangang lumipad ako pabalik ng Pilipinas?"

Natawa ako. Damn it, it really felt good to laugh again. Akala ko talaga hindi ko na magagawa kahit ang ngumiti ulit. Pero hindi ako sinukuan ni Ingrid.

Hindi niya ako iniwan hanggang sa kahit paano ay mabuo muli ako.

I stared at her. Nakatitig lang din siya sa akin. "Wala na palang atrasan, Mrs. Wolfgang."

Ngumiti siya at itinaas ang kamay kung saan nasa daliri niya ron ang isang singsing. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit.

Habang tinitingnan ko siya, hindi pa rin ako makapaniwala. Para siyang himala sa harapan ko. Sumisigaw ang puso ko sa sobrang pagmamahal sa kanya.

"Thank you for loving this sick bastard, my love."

Umirap siya habang pinapamulahan ng mukha.

Binitawan ko ang kamay ni Ingrid. Now is the time to be separated from her. Ilang buwang kailangan naming mawalay ulit sa isat-isa.

Tumingin si Dr. Warrens kay Ingrid. "Mrs. Wolfgang, you may now leave your husband to us. He'll be okay. We'll take it from here."

"Yes, Doc. Thank you." Namamasa ang mga mata niya pero nakangiti siya. Dahil alam ko na ayaw niyang panghinaan ako ng loob kapag lumabas na siya ng pinto.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon