Chapter 9

512K 18.1K 4.9K
                                    

Chapter 9


PALAGI AKONG EXCITED DAHIL KAY WOLF.

Mula nang gabing iyon ay kapansin-pansin na ang pagbabago ko. Palagi na akong nag-aayos ng bahay, palaging nakangiti o kaya ay nakatulala. At kahit anong pasaway ang gawin ni Aki ay hindi nauubos ang pasensiya ko sa kanya.

Tuwing sasapit ang alas-sinco ay naliligo na ulit ako, nag-aayos ng sarili at pag sasapit na ang alas-sais ay naghahanda na ako ng pagkain. Maaga ko ring pinapatulog si Aki.

Narinig kong tumunog ang gate kaya lumabas agad ako. Naglalakad si Ate Helen na bitbit ang trash bin nila. Kakatapos niya lang ilabas ang mga basura sa gate, ganitong oras kasi siya nagtatapon dahil maaga iyong dinadaanan ng truck ng basura kinabukasan.

"Ate Helen, uuwi ho ba si Wolf ngayon?"

"Oy, Ingird! Naku, hindi ko alam e."

"Ganun ba?" Nang sipatin ko ang relo kong pambisig ay mag-a-alas diez na ng gabi.

"Bat 'di ka pa nagsasara?" tanong niya sa akin. "Nagtapon ka rin ng basura? Puno na agad ang basurahan niyo?"

"Ah, hindi po." Iling ko.

"Naku, hindi ko alam don kay Wolf, e. Hindi naman kasi iyon nagsasabi, basta na lang sumusulpot kung kelan niya maisipan."

"Sige po, thanks." Pumasok na ako sa sala. Nahihiya naman kasi akong itanong kay Ate Helen ang number ni Wolf.

At mas nakakahiya na ako ang unang magte-text sa kanya. Baka sabihin niya atat na atat ako. Kahit totoo naman talagang atat ako.

Nakakainis. Namimiss ko siya.

Magdamag tuloy akong hirap na makatulog. At nang magising ako kinabukasan ay mainit na ang ulo ko. Pati si Aki tuloy ay napapagbuntunan ko ng init ng ulo.

Mahigit tatlong araw na kasing walang paramdam si Wolf.

Hindi kaya hindi talaga siya seryoso sa akin?

Inis kong pinalis ang negatibong bagay sa isip ko. "Gusto niya ako."

"Ate, ano sabi mo?!"

Gulat akong napalingon kay Aki na naglalaro ng lego sa sahig ng sala. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napatitig sa kulay abo niyang mga mata.

"Sino gusto mo?"

"Ha?" Napakurap ako.

"Sino sabi gusto mo?!" Sigaw niya sa akin ng hindi ko siya sagutin.

Pero tulala pa rin ako. Parang may nakikita ako na kung ano sa mukha ng bata.

Sa inis ni Aki ay ibinato niya sa akin ang isang piraso ng lego niya— sapul ang ilong ko!

"Lintek ka!" Doon na ako natauhan. Nilapitan ko agad siya at piningot.

"Arayyy!"

"'Wag mo ng uulitin iyon! Napakasalbahe mo na! Palagi ka na lang nananakit!"

Pulang-pula ang mukha ni Aki habang tulo ang sipon niya sa pag-iyak. Nang makita ko iyon ay natigilan ako at nakonsensiya.

"Sorry, Aki!"

Sumisinok siyang tumingin sa akin habang hinahaplos ang tainga niya na piningot ko. Humihikbi pa ang mapula niyang mga labi.

"Sorry, baby..." Naaawang hinila ko siya at niyakap. "Sorry, ikaw kasi e..."

Gumanti siya ng yakap sa akin. "Sorry... I love you..."

Awang-awa ako sa kanya. Sa kagagahan ko kay Wolf ay pati si Aki, nadadamay. Hinalikan ko siya sa noo. "I love you rin, Aki baby. Sorry..."

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon