Ikapitong kabanata - Ang kwekkwek

241 53 19
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas nung huli kong nakita si Nene. Nakakapagtaka nga eh. Wala naman daw siyang sakit sabi ni Kuya Bads, siya lang kasi ang nakakakita kay Nene. Kabilin-bilinan daw nun kay Manang Lyn nung huling pasok niya dun sa kwarto ni Nene na si Kuya Bads lang daw ang pwede pumunta sakanya.  Walang kahit sino. Inacting pa nga ni Manang Lyn

FLASHBACK

"Sus. Para talagang nagmenopause yan si Ma'am." Sabi ni Manang Lyn

"Ano pa nga ba? Lagi namang ganyan yan eh" Sabi ni Ate Sateen. Nagtataka na ko kung bakit.

"Makikisali lang po ako, pero may problema po ba kay Nene?"

"MERON!" Sabay pa silang dalawang sumagot sakin.

"Ano naman po yun?"

"Demonyita kasi yun si Anastacia" Sabi ni Ate Sateen

"Hoy.. hoy.. hoy Sateen.. Anong narinig ko na demonyita si Nana? Tao yun."

"Eh kuya bads-"

"Wag ka ng magdahilan Sateen. Kailangan niyo padin siyang galangin kahit di nalang bilang amo, bilang tao. "

"Naku Bads, ikaw lang ang nakakapagsabi niyan dahil sa'yo lang naman maayos makitungo yung babaeng yun. Eh kami? Kala mo laruan lang kung away-awayin nun. Grabe nga yun kanina alam mo ba yun ha?" Sabi ni Manang Lyn na halata mong galit siya pano umuusok na ung ilong.

"Eh ano ba nangyari?" Sagot naman ni Kuya Bads

"Kanina gising ko siya! Dinala ko na yung gatas niya dahil baka lalong magmaldita pagnakita tong si Fafa Erin. Alam mo ba ginawa?"

"O ano?"

"Ganto!" Tas inayos niya ung damit at buhok niya at namewang.  "WHO TOLD YOU..NA PUMASOK SA KWARTO KO AT GISINGIN AKO? GANYAN BA TALAGA KAYONG MAHIHIRAP? MGA WALANG MODO? HA? SUMAGOT KA!"  "Edi syempre naman sumagot ako!" Tapos inayos niya ulit yung sarili niya balik sa normal na siya. "Ma'am dadalhin ko lang naman po sana itong gatas niyo. At pinapagising po kasi kayo ni Bads, dahil may shooting daw po kayo."

"O tapos? Anong nangyare?" Sabi ni Kuya Bads

"Ayun, galit na galit padin sabi ba naman..." *Ehemehem "...KUNG GUSTO KONG BUMANGON, BABANGON AKO! KUNG GUSTO KO NG GATAS HIHINGI AKO! AT ITO? ITONG GATAS NA TO? ALAM MO KUNG ANONG BAGAY DITO?" "Ganun sabi, alam mo ba kung anong ginawa? Tinapon sa mukha ko yung gatas habang sinasabi to "BAGAY TO DIYAN SA MUKHA MO! DAHIL NAPAKATANDA MO NA FEELINGERA KA PA! PWEDE BA? WAG MO KONG GINAGAYA? HINDI BAGAY SAYO! KUNG IKAW LANG DIN NAMAN ANG MAGIGING FAN KO, MABUTI NALANG KUNG WALA NALANG! SO NOW, GET LOST! I DON'T NEED YOU! WALA NI ISA SAINYONG MGA PATAY GUTOM NA MGA MUTSATSA, TANDAAN NIYONG SI KUYA BADS LANG ANG PWEDENG PUMASOK DITO! MALIWANAG?"

"Hala te? Ginanon ka? Eh anong ginawa mo? Feelingera ka din kasi eh" Sabi ni Ate Sateen. Kahit ako nagulat sa ginawa ni Nene. Hindi siya ganun. Hindi talaga.

"Oo, grabe nga eh. Nasaktan talaga ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Edi umiyak lang ako sa harapan ng demonyitang yun. tas umopo nalang ako at umalis.  Tutal, pinalayas naman niya ko e. Ngayon Bads? Mabait padin ba siya?"

"Mabait si Nana. Hindi niyo lang siya naiintindihan." Sabi ni Kuya Bads

"Oo nga po, mabait yun si Nene. Di siya ganun. Siguro may diramdam lang yun"

"Tss. Ewan ko sa inyong dalawa. Saka ikaw Erin? Napakabait mo masyado sakanya, wag mo sanang hintaying abusuhin niya yang kabaitang pinapakita mo sakanya! Dyan na nga kayo! Nasira lang ang beauty ko ngayon! Asaaar" Tapos umalis na siya.

End of Flashback

Kahit ako hindi ko din maintindihan kung bakit nagkakaganyan si Nene. Pero alam ko at nararamdaman ko na mabait siya. At siya parin si Nene na nakilala ko noon. Pero namimiss ko na siya makita kahit sinusungitan niya ko at hindi ako pinapansin. Natutuwa padin akong makita siya. Buti na nga lang at nauubos niya yung mga pagkaing dinadala ni Kuya Bads sakanya. Atleast alam kong ayos siya at kumakain siya. aKinse na nga pala ngayon, kakakuha ko lang ng sweldo ko. May maipapadala na ko kay Nanay.

TO Nanay Ganda: "Nay, sweldo q na ho ngaun. Pdla ko ho mmya ha! Psma nlang kyo kay Mang Peter magkuha ng pera. Wag mkul8 nay! Labyu!"

Message Sent..

After 5mins. nagreply din naman si Nanay agad. Ewan ko ba dito. Laging may load. Bigtime. May katext yata to.

*Toootooot... Toootooot

FROM Nanay Ganda: "nK0o tuy! Tinkyub3rimatz ha? mgTira man icAo ng kwaRta mu ba, prA my paN6gstus ka jN ha? xi Peter nLn6 pgkuHa3n q. Nu0d pa kxi aq ng DaMingZu eh! TeyKer ka jan Nak! uki lNg dito si Mader. iLavU nak! MisxU! Mua:**"

Sobrang hirap basahin ng text ni Nanay talaga. Pero nakakatuwang malaman na okay lang siya. Sino naman si DamingZu kaya? Sa sobrang hirap basahin ng text niya di ko napansing nandito na ko sa tapat ng pinto ni Nene.

"Sana kahit saglit lang, makita na kita ulit. Sana kahit isang beses lang, makita na ulit kitang nakangiti. Alam kong ikaw padin yan, ikaw padin yung mabait, masayahinng Neneng nakilala ko. Miss na miss na kita Nene."

Isa lang ang alam kong nangyari pagtapos kong kausapin yung pinto niya, lumabas siya at ...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

... niyakap ako.

--

(a/n) Eeeehh? Is it real? Is it real? Niyakap siya ng malditang si Nene? Ito na ba ang simula ng labstori ng dalawa? At nagkakamabutihan na ba si Nanay Dyuni at Mang Peter? ABANGAN ang susunod na kabanata!

Vote. Comment! :)

#Star.

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon