"Good Afternoon Ma'am" Sabay sabay na sabi ng mga bastardong tao dito sa bahay. Nakauwi na ko, matapos kong magaksaya ng oras. Pero kahit pa ilang good afternoon pa ang isalubong nila sakin. Wala kong pake. Ang alam ko, isa lang ang gusto kong gawin ngayon. Dumerederecho lang ako sa kusina matapos ko ibato ung gamit ko sa mukha ng mga mutsatsa dito. At eto, di ako nabigo. Nakita ko ang pakay ko.
"Ma'am Nana, anong ginaga-"
Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni Kuya Bads. I really don't care.
"YOU! STUPID BASTARD!" Nagdidilim na yung panangin ko, parang anytime makakasakit ako. Pagkasabing-pagkasabi ko nun, hinablot ko yung juice na nasa side ko at tinapon sa mukha niya.
"Nene anong problema?" Ohh this stupid guy. Halatang gulat na gulat siya pero lalo nyang dinagdagan ang galit ko.
"I TOLD YOU TO STOP CALLING ME NENE! AND WHAT!? YOU DON'T KNOW KUNG ANONG PROBLEM KO? ARE YOU THAT NUMB AND DUMB? IT'S YOU! YOU ARE MY PROBLEM!!"
"Hindi kita maintindihan, may magawa ba ko?"
"TALAGANG HINDI MO MAIINTINDIHAN! DAHIL GANYAN KA KATANGA!"
"Ma'am Nana sobra naman ho yata yan" Sabi ni Kuya Bads
"Wag kang makielam dito kung ayaw mong kalimutan ko na ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa bahay na to" Sagot ko naman kay Kuya Bads. Wala na kong pakielam kung ano pa ang isipin ng mga tao sa bahay na to sakin. Wala kong pake kung kamuhian nila ko. Basta ako ilalabas ko ang galit ko. At sasabihin ko ang gusto ko.
"Ikaw?! Ha?!?! Erin?!?! Ang kapal din naman ng mukha mo no? Hindi mo alam yung nagawa mo? Bullcrap! Alam mo na dahil sa katangahan mo, hindi na ako yung lead dun sa commercial. At alam mo ba? Ikinumpara pa ako kay Bianca at minaliit ako ng pataygutom na direktor na yun! Sh*t Erin! Alam mo bang sa buhay ko ngayon lang ako ginanun ha? At ang kapal ng mukha mo. Anong sinasabi mo kay Ate Satenes ha? Na magiging parte ka ng mansiong to? Na may gusto ko sa'yo-"
"Nagbibiro lang naman ako eh, sorry po. Sorry. Hindi ko alam na ganun yung nangyari. Sorry-"
"SORRY?!? Nakakatawa ka din no? Tingin mo ba yung sorry mo may magagawa pa? Wala .. walang wala na! At pwede ba wag kang masyadong assuming? Mahiya ka naman. Tignan mo naman yung sarili mo sa salamin, sobrang panget mo. Kahit kailan di kita magugustuhan. At kahit kailan di ka magiging parte ng bahay na ito. Dahil ngayon palang simulan mo ng balutin yung mga gamit mo! Lumayas ka sa pamamahay ko."
"Nene. Wag naman, kailangan ng Nanay ko ng pampagamot-"
"Pwes, mamalimos ka! At yung Nanay mo? Parehas kayo! Mga ilusyonado. Mga manggagamit. Mga sinungaling. Sana di gumaling yung Nanay mo at magsama kayo sa ilalim ng lupa, sa putik, kung san nababagay yung mga tulad niyo! Lumaya-"
Nagulat ako ng bigla nalang my kamaong malapit sa mukha ko. Natakot at kinabahan din ako. Nakayuko lang siya. Pero ayokong ipakita na natatakot ako.
"ANO?!?! HA?!?! SUSUNTUKIN MO KO? SIGE GAWIN MO. PARA IMBIS NA SA PULUBING BAHAY NG NANAY MO IKAW MAKARATING EH SA KULUNGAN KA HUMANTONG!"
Pero hindi padin siya sumasagot. Ano bang meron sa lalaking to.
"ANO?! ERIN? DI KA NA YATA SUMAGOT! KALA KO SUSUNTUKIN MO K-"
Hindi na natapos yung sinasabi ko. Nagulat nalang ako ng umangat yung ulo niya at nakita ko ang sunod-sunod na patak ng luha niya. Kitang-kita ko yung sakit at galit na nararamdaman niya sa mga mata niya.
Pero ang pinakakinagulat at ikinakaba kong talaga, ay yung pagtitig niya sa mata ko, bigla siyang ngumiti at sinabing ...
"Hindi mo na ko kailangang palayasin. Tama na ang lahat ng narinig ko. Ayos lang sana kung ako lang yung nilait-lait mo eh. Pero yung pati Nanay ko, idinamay mo. Hindi ko yun matatanggap. Aalis na ko kung yun ang gusto mo. Tutal, ikaw nadin ang nagsabi na hindi ako nababagay sa mundo mo, na sa putikan lang ako nababagay. Pasensya ka na kung gumulo ang buhay mo dahil sa'kin. Wag kang magalala, kahit kailan hindi na kita gagambalain pa at kakalimutan ko na ding nakilala kita. Oo nga pala, hindi nga pala kita kilala talaga,hindi naman ikaw si Nene eh. Malayong-malayo siya sayo."
Yumuko lang siya at nagsimulang maglakad ulit palabas ng kusina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang sumikip yung dibdib ko. Mali, isang malaking MALI! Hindi ako naaawa. Dapat lang yun sakanya.
--
(a/n) A big OUCH for Erin </3 :'(
Comment naman kayo! ;)
Hingi ako ng 5Votes :) Bago next update po. :) Thanks!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a BIG PIMPLE
Teen FictionIto ay kwento ni Erin at Nana. Pero mas sikat at kinagigiliwan ang nanay ni Erin na mahilig sa Burger at TBack na si Nanay Dyuni kasama ng loveteam nyang si Manong Peter. Anong nangyayari? Basahin at Alamin :) Bow! PS:THIS IS NOT YOUR ORDINARY LOVE...