Ikatatlompu't anim na Kabanata

98 15 12
                                    

Erin's POV

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi ko padin nakikita si Nene, ano kayang nangyari dun? 'Pag dumadaan naman ako sa bahay nila saradong-sarado.  Bumalik na kaya sa Maynila yun? Iniwan nanaman niya kaya ko? Sana hindi naman pero di kaya, may nangyari dun? Baka nahimatay nanaman yun! Naku talaga!

"Mang Peter!" Pagtawag ko pero di lumilingon, bwisit na to. "HOY! MANG PETER!" Isa pang ulit pero wala padin. "Lintek naman Mang Peter! HOY!" Sa pagkakataong to, lumingon na siya.

"Ano bang trip mo nanaman? Di mo ko pinapansin?" Kumunot naman ang noo niya at nagsalubong ang kilay.

"Aba'y luko! Ako pa ang nangtetrep?"

"Oo! Hindi ba?"

"Tssk"

Napaismid nalang ako sa asar sakanya sabay sabing, "Ay ambot sa imo! Aalis ako pupuntahan ko si Nene, dalawang araw ko ng di nakikita eh baka may nangyari nanaman dun." Tinignan ko muna siya para malaman ang sagot niya ngunit bukod tanging pag-iling lang niya ang natanggap ko. "BAHALA KA NGA! BADTRIP KA MANG PETER!"

(a/n: ambot sa imo- ewan ko sayo)

Parang ewan tong matandang binatang to, nahahawa na kay Nanay sa mga pagiinarte. Ang sakit sa ulo!

Tumalikod na ko sakanya para maglakad pero natigilan ako sa bumungad sakin.

"Hi." Sabi niya ng sobrang hinhin, parang may kakaiba sa taong to ngayon. Ang di lang kakaiba sakanya yung kagandahan niya. Yun nga lang, araw-araw yata siyang gumaganda kahit pa may mangyari sa mukha niya, "Huy! Yung laway mo tumutulo na. Nganga pa."

Napasara naman agad agad ang bibig ko't napalunok ako ng laway habang nagpupunas-punas sa paligid ng bibig.

"Wala namang laway eh!" Sagot ko sakanya. Siya naman, patawa-tawa lang. "Kanina ka pa ba dyan?"

Tumango siya at sinabing, "Kanina pa. Nangangalay na nga ko e. Di mo ba ko papaupuin?"

Oo nga no! Tss! Tanga ko talaga, di ko man lang naisip paupuin siya. "Ay tara halika dito! Upo ka." Sabi ko habang pakamot-kamot ng ulo.

Binaling ko naman ang atensyon ko kay Mang Peter na bwisit, "Hoy Mang Pedring! Ba't di mo sinabi na nandito si Nene?!" Tinignan lang niya ako at umiling-iling nanaman. "Ay parang sira to oh! Ano kayang nakain nito at may topak to?"

"Kanina ka pa niya kasi tinatawag habang tinuturo ko, ikaw tong parang ewan na di namamansin. Ano bang iniisip mo kanina?" Pag-salo naman ni Nene sa tanong ko kay Mang Peter. Kanina pa pala niya sinasabi na nandito si Nene, kaya pala hindi na ko pinapansin

Sumenyas naman ako gamit ang kamay kay Nene na nagsesenyales ng, 'teka lang'. Habang siya nama'y tumango lang.

Lumapit na ko kay Mang Peter at inakbayan siya, "Sorry naman! Tatampo ka kagad eh! Joke lang kaya yun! Di ako badtrip sayo!"

"Ewan ku sayu!"

"Hala siya oh! Mang Peter, chix lang ang nagtatampo tayong mga macho hindi. Sorry na. Bigyan nalang kitang candy mamaya."

Tinanggal naman niya ang kamay ko sa balikat niya habang nakatingin ng masama sakin.

"Oh bakit?" Sabi ko.

"Nagsusorry ka ba talaga o anu? Parang nangienes ka pa lalu ay!" Tugon naman niya na halata mong naiinis na siya.

"Joke lang eh. Sorry na nga! Di maanong tapikin kasi ako para narinig kita. Kita namang tulala eh."

"Ay piste. Bahala ka dyan." Sagot naman niya sakin, at biglang tumingin kay Nene. "Ne, maona na ku. Opakan mo nga itung si Iren para mawala ang sayad sa kukute."

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon