Ikadalawampu't dalawang Kabanata

147 35 15
                                    

Erin's POV

Hindi ko maiwasang mapangiti pagnakikita ko si Eanah. Maganda naman kasi talaga to, di lang dinadala yung kagandahan niya. Bukod sa maganda, napakabuti pa ng kalooban niya.  Biruin mong nung 10 years old palang kami, siya na ang nagaalaga sa tatay niya imbis na siya ang inaalagaan. Wala na kasi siyang Nanay, binawian yun ng buhay matapos siyang ipanganak, komplikasyon daw sabi ng mga Doctor. Pero ngayon, ulilang lubos na yan si Eanah namatay yung tatay niya nung 11 years old siya. Kami nalang ang naging sandigan niya simula nun. Pero ang nakakabilib sa kanya, kahit na ganun ang nangyari, hindi siya nagalit sa mundo at sa Diyos. Sabi pa nga niya samin, inspirasyon niya daw lahat ng pighati, kalungkutan at kahirapang dinanas niya. Kung hindi daw naman dahil doon, hindi siya lalaking malakas at matibay ang loob ngayon.

Pero kahit kamangha-mangha siya, hindi padin mawala sa isip ko na baka hindi ko masuklian yung pagmamahal na binibigay niya sa'kin. Kahit ano kasing gawin ko, isang babae lang nilalaman at sinisigaw ng puso ko. Ginayuma siguro ako ni Nene. Oo maganda siya, sobra pa nga pero kung ugali lang kasi, palyadong-palyado na siya. Ewan ko! Wag ko na nga lang isipin.

"Mang Peter, ano? Okay na ba lahat?" Tanong ko kay Mang Peter. Ala-sais na kasi dapat magsimula na kami.

"Uu 'Tuy. Ukey na! Pontahan mu na si Nanay mu!"

"Osige, magready na kayo dito ah!" Tumango lang naman si Mang Peter at nagthumbs up sakin si Eanah. Samantalang itong si Lucas, maliit na ngiti lang binigay sakin. Pakiramdam ko merong problema sakanya pero saka ko na aalamin. Si Nanay ang mahalaga ngayon kaya dali-dali na kong pumunta sa bahay.

Sa Bahay ..

"Naaay! Nay!" Asan ba yun si Nanay? Parang timang talaga oh. Sabi ko wag aalis eh. Naghanap-hanap pa ko sa ilang parte ng bahay, at eto nandito lang pala sa banyo. Ba't nga ba di ko naisip to agad?

"I cim in like wricking ball! I nibir hit so hard in love-" Haynako. Pakanta-kanta pa ang Nanay, mamaya masira ang panahon eh.

"NAY! Matagal ka pa dyan?" Putol ko naman sa pagkanta niya habang kumakatok sa pinto.

"Nak? Hinde naman. Patapus na si Nanay. Baket? Najijirbaks ka ba?" Sus naman talaga.

"Jerbaks agad Nay? Di ba pwedeng magpapasama ko, kaya lumabas kana dyan?"

"Ay san ba tayu puponta? Eto na, AYM PINESH!" Sabi ni Nanay na bigla nalang lumabas ng pinto. Lumundag pa. Buti nalang di natanggal yung tapis niya, timang talaga.

"Nay! Sabi ko ng wag kang tatalon pag nakatwalya ka lang! Pag yan natanggal, hello Philippines! Hello world ka nyan!" Kumunot lang naman ang noo ng nanay at biglang kumunot nadin ang mukha.

"Ay ano? Siksi naman ang Nanay mu no! Si Dyune yata ito, pangFHM pa nga ko." At bigla nalang siya nagpopose dun. Naman! Nakakakilabot pinaggagawa nito ni Nanay.

"Ewan ko sa'yo Nay! Nakakauyam pinagsasabi mo ay! Basta umayos ka, sexy na kung sexy ka Nay! Pero masagwa kung ang nasa Headlines ng dyaryo: ISANG MATANDANG DALAGA, GINAHASA DAHIL SEXY DAW SIYA. Ang pangit 'Nay diba?"

"Aba'y siraolo ka ah!" At bigla nalang akong binatukan. Hobby niya to. Ang sakit!

"Aray 'Nay! Umakyat ka nga dun. Magbihis kana. Nakaready na dun yung susuotin mo. Magayos ka!"

"Ay san ba tayu puponta?" Nagtatakang tanong ni Nanay.

"Basta, sa birthday ng kaibigan ko."

"Ay ganun? Kasama ku?"

"Oo Nay! Dalian mo na po!"

"Uki. Wit lang!"

Pumunta naman na agad si Nanay sa Kwarto. Ang tagal. Naaatat na ko.

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon