Ikadalawampu't siyam na Kabanata

104 25 6
                                    

Erin's POV

Binuhat at isinugod ko kaagad sa ospital si Neneng walang malay.

‘Nakakaasar ka naman Nene oh! Kakabati nga lang natin, binabalak mo na agad iwan ako! Lintek na yan!’ Sabi ko sa isip ko. Totoo naman kasi, ni hindi man lang niya nasulit ang pagyakap sakin sigurado akong pagsisisihan niya yun.

Pero sa totoo lang, pinipilit ko lang pakalmahin ngayon yung sarili ko kasi nababading na ko dito sa sobrang pagaalala tila ba’y daig ko pa ang asawang naghihintay sa Misis niyang naglalabor. Ewan! Naatat na ko makita si Nene, mababaliw na ko dito kakaisip kung ano ng lagay niya. Sana naman ayos lang siya, dapat ayos lang siya.

Kanina pa si Nene, kasama ng mga Nurse at Doctor, sa loob ng Emergency Room, ngunit ni anino ng kahit sinong nasa loob hindi ko pa nakikita. Baka kung ano ng ginagawa nila kay Nene, baka pinagsasamantalahan na siya nung Doctor sa loob! Nak ng teteng naman oh.

Makalipas ang 10 Minuto…

“NAK!!!!!! ANU NA!!!! ANUNG NANGYAREEEE!!!!???” Jusko po! Napakaingay ni Nanay! Napatingin tuloy lahat ng mga tao at sabay-sabay na nag’Sssshh’ yung mga nurse. Madalas talaga, masarap ikaila na Nanay ko to eh.

Dali-dali akong lumapit kay Nanay para mapatahimik ko nadin siya dahil kung magpapatumpik-tumpik pa ko, tiyak! Sisigaw pa ulit yan si Nanay, lalo lang nakakahiya.

“Nay! Ano ho ba kayo! Sakit ba talaga sa bituka ang meron kayo o sakit sa utak? Ang ingay niyo!” Sabi ko sa Nanay habang hinihila siya palayo.

“Huwow Nak! Malay ku ba na sa library mu pala denala si Nene at bawal magengay.” At talagang ang Nanay pa ang may ganang mamewang, kakaiba talaga!

“Nay naman! Seryoso ako!” Kumulubot naman yung mukha ni Nanay na parang nakaamoy ng masangsang na utot.

“Ay seno bang hinde siryuso dito? Seryus man din aku! Epal ka lang dyan masyadu, di ba pwiding mashock sa uspital? Kakaeba talaga sa Pelipinas, Jusko!” Pailing-iling pa si Nanay habang nagsasalita.

“Sus, ewa-“

“Mr. Siatong? Please come here.” Natigilan ako nung lumabas na yung mga nurse at doctor at bigla nalang akong tinawag. Kinakabahan ako sa istura nung mga taong galing sa loob ng kwarto, parang may hindi tama. Dali-dali naman akong lumakad palapit sa nakakakabang Doctor.

“Doc, ano hong nangyari?”

“Better to see it inside.” Pinapasok na ko at si Nanay ng Doctor sa loob ng kwarto.

"I'm very sorry Sir and Ma'am but ....."

Hindi ko na narinig pa yung mga sunod na sinabi ng Doctor dahil parang nabingi ako sa bawat salitang binitawan niya. Bumagal ang buong paligid, na tila ba’y unti-unti ng tumitigil ang oras ko.

Unti-unti ko ng nakikita ang kulay puting bagay na hindi dapat nakalagay kung nasan man ito ngayon. Naglakad pa ko papalapit sa higaan, kung saan nakaratay ang pinakamahalagang babae sa buhay ko.

“HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! HINDI TO TOTOO! HINDEEE!!!!!!!!!! SABIHIN NIYO SAKING BIRO LANG ANG LAHAT NG TO! SABIHIN NIYOOOO!!!”

Iyak na ko ng iyak sa nakikita ko, hindi to pwede. Hindi to maaari. Ngayon, kinkwelyuhan ko ang Doctor na hindi naisalba ang buhay ng mahal ko.

Hindi to pwede! Kalokohan lang to! Kanina masaya pa kami, hindi totoo tong nakikita ko, hindeeeeeeeeeeeee.. Diyos ko, masaya pa kami. Masaya na kami. Konting oras pa.

“Anak tama na…” Pagpipigil sa’kin ni Nanay, binitawan ko ang doctor pero patuloy parin ako sa paghagulgol. Diyos ko, utang na loob, wag muna ngayon, wag muna.

"HINDI NAY! KALOKOHAN LANG TO LAHAT!" tumingin naman ako sa Doctor na nakayuko nalang ngayon "DIBA? SABIHIN MO SAKING NAGBIBIRO KA LANG! DOCTOR KA DIBA? PAPAGALINGIN MO SI NENE DIBA?! SUMAGOT KA!" Lalo pang lumalakas ang garalgal kong boses, sobrang sakit. Hindi ko na yata to makakaya, kahit ako nalang. WAG NA SIYA. Ako nalang.

“We’re very sorry Ma’am and Sir, but we failed to revive the patient. We’ve done everything but the patient seems so weak, her heartbeat failed a lot of time and her blood pressure went very low… I'm sorry but that caused her death."

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon