Ikasampung Kabanata - Huli ka balbon!

206 53 24
                                    

Erin’s POV

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH” Narinig ko yung sigaw mo, nakita kitang pahulog na ng hagdan, tumakbo ko. At sa kinaswerte-swerte naman naabutan kita at nasalo kita. Mabigat ka din pala kahit payatot ka. Kahit may sama ako ng loob sayo, di ko maalis ang pagkakatingin ko sa mga mata mo. Ganun ka din naman, nakatitig ka ba sakin dahil pogi ako? O dahil nagulat ka lang sa nangyari? Malamang yung unang dahilan yun. Ang pogi ko kaya. King of the Night to nung JS namin. Okay na sana ang lahat ng biglang…

“Babe? What’s the meaning of this?” Sa gulat ko, at sa gulat mo.. Natuluyan tayong dalawa at natumba na talaga tayo hanggang sa lupa. Nakapatong sa’kin ngayon. Nanlalaki ang mata mo.. Pero ang ganda mo parin Nene.

“BABE?! NANA?!!?” Papalapit na yung lalaking tawag ng tawag ng babe kay Nene, sino ba yan? Ang panget naman. Makatawag ng Babe sayo. Nagmamadali ka namang tumayo at halatang-halata na kinakabahan ka. Bumangon narin ako kahit ang sakit ng ulo ko dahil nauntog ako. Pasalamat ka! Naku..

“Babe.. It’s not what you think. Ito kasi eh!” Tapos tinuro mo ko at pumulupot yung kamay mo sa katawan nung lalaki. Nakakaasar kana Nene!

“ANONG GINAGAWA MO SA GIRLFRIEND KO HA?!” Pagmamataas ng boses sakin nung lalaki.

“Baby-“

“Shut up Nana, I’m not talkin’ to you. Ano?! DUDE? DI KA NA NAGSALITA?!” Hinawakan ako sa kwelyo ng mukang asong lalaking to. Ano bang tingin niya? Gwapo siya? Piolo Pascual? Ayos lang Bading namin yun. Ako Coco Martin na Jake Cuenca pa. Hidalgo to Men! Bigla tuloy nagflashback yung sinabi sakin ni Nanay “… pag may omaway sayu don, sapaken mo agad parang yung idul mo ba, si Mane.” Sapakin kaya kita? Kaya lang baka palayasin ako ni Nene. Hindi nalang.

“HARTZELL? STOP NA NGA! LET’S GET INSIDE NALANG!” Sabi ni Nene, odiba? Pinagtatanggol niya ko. Ano ka ngayon boy?

“NO! Hindi pa siya sumasagot, Ano? Dude? Pipi ka ba?” Ulit naman nito. Kulit mo din Man! Gusto mong sagot? Sige bibigyan kita.

“Sasagot lang ako pagtinanggal mo yang kamay mo sa kwelyo ko.” Tinignan ng mga mapupungay kong mata yung lalaki, pero ngayon nanlilisik yung mata ko. Hindi pa din tinatanggal, aba? Matikas to ah. “Ano pre? Hindi mo ba tatanggalin? Maghapon tayo dito.”

“Bullsh-“ At umamba ng suntok sa’kin yung Piolo Pascual. Kala mo? Takot ako?

“I TOLD YOU TO STOP! Just give him want he wants. Or else, I’ll kick your ass out of my house.” Sumigaw naman si Nene at sabi niya yun sa’yo boy. Tinanggal mo din naman yung kamay mo. Tiklop ka pala kay Nene eh. Ano ka ngayon balbowni! Gaya nga ng sabi ko sasagot na ko

“Ano na?!” Sabi ni Balbowni. Excited naman masyado to.

“Kalma ka lang, ano nga ulit pangalan mo? Hartzell ba yun? Hartzell diba? Wala kong intensyong masama kay Ma’am Nana. Wag kang magalala.” Ngumiti lang ako tapos naglakad na ko palayo sa kanilang dalawa ni Nene. Pero bago pa ko makalabas ng tuluyan sa hardin na to, huminto ako at sinabing….

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Ingatan mo si Nana, baka kasi mahulog siya ulit. Hindi ako magaatubiling saluhin siya kahit ilang beses pa. At paalala ko lang sa’yo, bago ka pa dumating.. Nandito na ko para sa kanya.”

--

(a/n) Hanep si Fafa Erin =) Macho gwapito ang dating.

VOTE. COMMENT. HAVE FUN

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon