Ikaapatnapu't dalawang Kabanata (Revised)

56 6 1
                                    

Erin's POV

"Kuya Bads, anong oras na?" Tanong ko kay Kuya Bads.

"Alas onse na. Matulog ka na."

"ANO?!? ALAS ONSE NA?! TAPOS WALA PA SIYA?!"

"Kalma. Wag kang magalala, uuwi yun si Ma'am pag gusto na niya."

"Ugghh! Hindi pwede! Lalabas muna ko Kuya Bads. Hihintayin ko si Nene."

"Wag na! Pero bahala ka. Sarado mo nalang yung pinto."

" 'Ge."

Badtrip naman talaga tong si Nene oh! Kanina pang hapon yun umalis, tapos anong oras na, wala parin! Di ba siya nagiisip? Babae parin siya!

Naglakad lang ako derederecho papunta sa pintuan nitong Mansion. Doon ko nalang siya hihintayin para saktong datinng niya, makukutusan ko kagad! Pinagaalala ko ng sobra eh! Di yun pwede!

Lumipas na ang 20 minuto, pero wala paring Nene na dumadating.Nilalamok na ko, dinadalaw pa ko ng antok. Pero hindi, di ako pwedeng umalis dito.

Bumibigat na ng bumibigat yung talukap ko, parang anumang oras makakatulog na ko. Sa pagbigat ng talukap ko, unti-unti nading bumibigat ang pakiramdam ko sa dibdib ko. Nene, nasan ka na ba? Tumitig nalang ako sa gate nila, at nagpatuloy sa pagaabang.

-

Ang tagal ni Nene, kanina pa ko dito. Bakit kaya wala pa siya?

Ang tagal niya talaga! Nakakainip na dito, buti nalang may nakita kong pako. Maguukit nalang ako dito ng pangalan ko at pangalan niya.

' Erin+Nene=Forever'

Ayan ang inukit ko. Bakit 'forever'? Kasi naniniwala ko na habangbuhay di kami magkakahiwalay ni Nene, na habangbuhay kaming magkasama.

Matapos kong magukit, naghintay pa ko ng sandali. Ngunit, di ko na kinaya ang kainipan kaya nagpasya na kong pumunta nalang sa kanila.

Habang nasa daan, bigla kong nakita ang isang kupol ng tao. Ano kayang nangyari? Lumapit ako para makita.

At sa gulat ko, si Nene ang nakita ko. Si Nene, na duguan at walang malay.

"NENEEEEEEEEE!" At namulat na ko sa isang malagim na bangungot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naghahabol pa ko ng hininga. Di ko akalain na nakatulog na pala ko.

Dahil sa panaginip na yun, lalo pa kong nagalala ngayon kay Nene.

Inalis ko na ang pagkakayuko ko at may nakita kong babaeng nakatayo sa harap ko.

Pagangat ko ng ulo ko, di ako nagkamali, si Nene nga!

Agad-agaran ko siyang hinagkan at niyakap. "Nene, buti naman ayos ka lang. Nagalala ko ng sobra."

-

Nana's POV

It's very tiring talaga today! Very nakakaasar talaga!

I'm here na sa tapat ng gate namin.I won't make busina na, ako nalang magoopen baka kasi they're sleeping na tapos pag natagalan ako sa kilos nila, maging devil nanaman ako.

So yun, I opened the gate, went back in my car then nagpark na ko.

Papasok na sana ko sa backdor, nang bigla kong naremember na I saw someone dun sa front door kaya binalikan ko.

And to my surprise - but not really surprising - si Erin yung nakaupo pala. Mukha ngang sleeping nadin ang moment niya eh, malakas na ba talaga trip niya? May room naman kasi sa loob, tapos dito siya natulog. So stupid.

Gigisingin ko na sana siya kaya lang, bigla nalang sumigaw ng, "NENE!". Mala-superhero kung sumigaw eh, kulang nalang Darna sabihin niya.

Akala ko tatayo na siya, umangat na kasi ng konti yung ulo niya kanina nung nag-Nene siya but bumalik lang siya sa pagyuko. What a weirdo talaga!

Siguro mga 30 seconds to 1 minute muna niyang fineel yung pagbreathe niya saka niya inangat na talaga yung ulo niya.

Tinignan lang niya ko tapos nung nahimasmasan na siya, bigla nalang niya kong niyakap then sinabing, "Nene, buti naman ayos ka lang. Nagalala ko ng sobra."

"Hey! What's the matter? You're acting so strange. And, you're hugging me pa ha? Seriosly, what's with you?"

Kumalas agad siya sa paghug niya sakin,"Sorry. Nanaginip kasi akong duguan ka at walang malay sa daanan eh."

"Ahh. Crazy ka talaga no? Look nga! I'm so alive kaya dito tapos ikaw pinapatay mo na ako agad. Saka stupid ka din talaga, kasi bat diyan ka natutulog?"

"Hindi.. hindi ganun.. nagaalala lang kasi ako sayo ng sobra kaya dito na ko nagabang. Ang tagal mo kasi kaya nakatulog na ko. Bakit ba ngayon ka lang? San ka ba nagpupunta pa?"

"Whatever pathetic guy! Kayla Bianca nga ko galing diba? Saka wala kong sinabi na hintayin niyo ko."

"Kahit pa! Saka, doon lang? E ba't ngayon ka lang?"

"Eh, basta! Stop asking na nga!"

"Ano nga kasi?"

"Basta nga! You're so makulit talaga!"

"Bakit kasi di sabihin nalang?"

"Because, ayoko! Okay?"

"Tsk. Oo na! O anong nangyari sainyo ni Ma'am Bianca?"

"Call her Bianca, di mo siya boss."

"Edi BIANCA! Ano nga nangyari?"

"Wala, ayaw niya. Galit pa din siya. Dapat daw, mapatawad muna ko ng mga tao dito sa bahay. Kailagan daw maging mabait muna ko. That stupid-freaky-girl talaga is very maarte!"

"Ikaw din naman eh."

"What did you say?!"

"WALA! Sabi ko, ganun lang?"

"Oo."

"Tapos ginabi ka ng gantong oras? Aminin mo nga, drug lord ka ba?" Whut? Such a moron talaga! Batukan ko nga.

"Stupid! Do I look like a drug lord?"

"Hindi. Baka lang. Masakit yung batok mo sakin ha."

"Whatever, dapat lang yan sayo kasi bad ka sakin. Patulugin kita dun sa sidewalk eh."

"Whatever." What the hell? Ginagaya pa niya ko!

"Stop nga."

"Stop nga."

"Why are you copying me?"

"Why are you copying me?"

Bwisit na to! Tulak ko nga, tapos pumasok na ko sa bahay.

"ARAY! SADISTA KA!"

"IKAW BWISET!"

"LALO KA!" Huh?! Ako pa ang bwiset ah.

"MAS LALO KA!"

"EWAN KO SAYO!"

"TALAGA!"

I walk straightly sa stairs para makatulog na at makaiwas sa non sense na lalaking to.

"HOY ANASTACIA! HUMARAP KA DITO!"

Ugh! What's with HIM?! Bakit tinatawag niya kong Anastacia!

"OH BAKIT DYUNISIO?!"

"DI AKO SI DYUNISIO! Wala, matulog ka na. Good night! May gatas dyan sa kwarto mo, nilagay ko kaya lang kanina pa yan. Inumin mo nalang kung gusto mo. Sige na! Akyat na! Good night na ulit!"

"Nye nye! Shut up!"

Tumalikod na ko sa kanya at nagstart na ulit umakyat ng hagdan.

Kahit naiinis ako dito sa stupid na to, di ko maiwasan mapangiti. Of all the people around me kasi, he's the only one na tumanggap sakin. Siya lang ang nakakatiis sakin At kahit di niya inaamin, alam ko na siya lang ang nagpapahalaga sakin.

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon