Ikalimang kabanata - Ang bacon

293 63 48
                                    

"GOOOOOOOOOOOD MURNEEEENG MANANG! GOOOOD MURNENG KUYA BADS! GOOOOOD MURNENG IBREBADI!"

"Good Morning" Sabay na sagot nung dalawang yaya pa dito sa Mansion na pakilig-kilig pa.

"Hoy..hoy..hoy.. kayong dalawa ! Angel saka Satenes, tigil-tigilan niyo yang pagpapacute dito kay .. Ano ngang pangalan mo?"

"Erin ho"

"Dito kay Erin.. Dahil akin siya." Nyay? Di naman sa nagmamagwapo ko nu? Pero mukang inipit na bisugo itong si Manang. Mukha ngang asiwang-asiwa at diring-diri si Ate Angel, Ate Satenes at Kuya Bads maging ako sa sinabi niya.

"O bakit ganyan ang mukha niyo? May problema ba?" Sabi ni Manang ng buong lakas ng loob. Hindi ba halata kung bakit?

"Nakuuu wala Ate Lyn, hindi ka naman gandang-ganda sa sarili mo nyan nu?" Sabi ni Ate Satenes. Lyn pala ang pangalan ni Manang.

"May ipagyayabang kasi akong kagandahan kaya ganun" with irap at taas ng kilay kayla Ate sabay tumingin siya sakin. "Oy ikaw naman, Fafa Erin. Tigil-tigilan mo ang pagtawag sakin ng Manang, Like DUH. 45yrsold man ako mukha naman akong 16 lang no. Kaya kung gusto mong love padin kita, just call me Baby Lyn. Okay?"

"Yes Manang, ay Baby...Lyn. Ok po." Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin. Baka isang gabi bigla nalang akong pagsamantalahan nito ni Manang Lyn. Naku namaaaaan!

"Osya, okay na ang lahat kayong dalawa Angel at Sateen, kunin niyo na ung mga laundry dun. Ikaw bads, dito kayo sa kusina ni Fafa Erin, maghanda na kayo ng pagkain. Ako pupunta muna ko kay Ms.Nana para gisingin. Fafa Erin, yung gatas dyan sa Ref, ihanda mo yun hahanapin un ni Ms.Nana pagbaba nun, okay?"

"Opo" Sagot namin lahat at kanya-kanya ng punta sa trabaho. Lahat kami busy na.

--

"Teka Erin ha? Kukunin ko lang cellphone ko sa kwarto baka nagtext anak ko eh" Sabi ni Kuya Bads

"Ah sige po. Ako na po bahala dito"

At umalis na siya agad. Naghahanda na ko ng almusal ni Nene. BacSiLog ang hinanda ko. Favorite niya ung bacon e.

"Ahm Kuya Bads where's my mil-"

"Nene, ay sorry, Ms. Nana. Ito na po ung gatas niyo po. Hinanda ko nadin po yung almusal niyo, dadalhin ko nalang po sa lamesa. BacSiLog po, naalala ko nung bata pa tayo favorite mo yung bacon eh"

"Salamat sa milk, but the food? No thanks nalang, but di ako kumakain ng bacon. I'm good na with this Tuna Sandwich na gawa ni Kuya Bads. And may I remind you, pagtinawag mo pa kong Nene, pack your things na and go back to GenSan. Okay?"

"Pero Nana - " Sasagot pa sana ko at magpapaliwanag, pero umalis na agad siya. Bakit ba siya ganyan? Kagabi din ganyan siya eh.

FLASHBACK

"Where na ba yung yogurt ko dito? Naman"

"Ah Nene. Eto ba yung hinahanap mo? Kakabili lang yata di pa nailagay sa Ref. Kamusta ka na nga pala?"

"HOOOAAAAA! I'm so puyat na. I'm gonna sleep na talaga"

End of Flashback

Pagtapos niyang sabihin yun umalis na agad siya. Ganun lang, ni hindi man lang siya tumingin sakin at hindi man lang ako sinagot. Ngayon naman hindi daw siya kumakain ng bacon at mas gusto niya pa ung luto ni Kuya Bads. Samantalang dati, favorite na favorite niya to. Ba't ba siya ganito sa'kin.

"O Erin? Sandali lang akong nawala, byernes santo na yang mukha mo. Si Lyn ba?"

"Hindi kuya, Si Nene kasi e"

"Oh anong nangyari? Nene nanaman tinawag mo sakanya?"

"Oo pero nagkamali lang naman ako eh. Saka sabi niya ayaw daw niya nung niluto ko ayos nadaw siya sa niluto mo. Galit ba siya sakin?"

"HAHAHAHAHA. Ang liit na problema lang pala. Mga bata talaga ngayon. Hayaan mo nalang yun, mabait naman yun eh."

"Pero hindi naman siya ganun sakin dati nung bata pa kami"

"Hayaan mo na, baka naninibago lang na may kumakausap sakanya dito ng casual, di yan sanay kasi. Ako lang kinakausap niyan pag wala dito sila Madam. Intindihin mo nalang"

"Sige Kuya Bads. Nakakalungkot lang talaga, nagiffort pa mandin ako ditu sa fuds na ito di niya pala kainin"

"Edi ako nalang ang kakain, tayo nila Ate Angel, Sateen at Lyn ang kakain kung ayaw niya. Ngiti na. Wag mo ng pansinin yun"

"Sige kuya. Masarap yan"

"Talaga? Masarap to ah!"

"Oo naman!"

"Wow almusal!" Sabi ni Ate Angel

"Sosyal namang silog yan! Patikim naman!" Sabi naman ni Ate Satenes

"Tara Ate Angel saka Ate Sateen. Kain tayo"

"Ayy oo ba! Tara Angel." Lumapit din naman agad si Ate Angel pagtapos sabihin ni Ate Sateen yun.

"Ikaw ba nagluto?" Sabi ni Ate Angel

"Oo siya nagluto niyan. Masarap kainin niyo!" Sabi ni Kuya Bads at kumain nadin yung dalawang Ate.

"Aba masarap nga no!" Sabi ni Ate Angel habang nanguya pa.

"Onga! Ayos pala to si Erin eh" Sabi ni Ate Sateen na medyo puno pa ang bibig

"Sabi sainyo eh" Sabi ni Kuya Bads na tuloy tuloy lang sa paglamon.

"Talaga? Salamat naman nagustuhan niyo! Kain nadin ako ah" Pakain na sana ko ng biglang..

"Ano ito mga hampaslupa? Bakit niyo sinasaluhan ang Fafa Erin ko? At hindi niyo pa ko niyayaya?" Naku si Manang Lyn. Napatigil tuloy ang mundo ng lahat

"Di.. Mana- Baby Lyn. Eto o, pinagsasandok na nga kita e. Kain na tayo!" Mukang natuwa at nabuhayan naman siya.

"Ay talaga Fafa Erin? Wow. di ko alam na sweet ka pala! Subuan mo nga ko" Jusko po

"Sus Lyn kumain kana. Malaki kana tigilan mo yan si Erin" Salamat naman kay Kuya Bads sa pagsalo!

"Ito naman, joke lang. Minsang lang naman magpapretty eh"

At tumawa kaming lahat sa sinabi niya. Minsan pa yun ha? Buti nalang kahit nakakasama ng loob si Nene, nandito naman sila para pasayahin ako. Thankful nadin ako with tears!

*Tooootooot tooootooot

1 message received

FROM Nanay Ganda: "nAk, murNen6z! Iren, Tut0y! Kuma3n nBa U? Pist3 kaN6 bata ka.. xi Pet3r tL6a magbNtay saK3n. Litsi ka.. (-___-) Pagowe mo deto. Lohod ka sa m0nggo & asin. Rimimber labZ ka ni mad3r ha! MuaahugGgz. :* MisZU!"

Nakakaiyak yung text ni Nanay. Ang hirap intindihin hayy buhay.

TO Nanay Ganda: "Okay lang aq Nay. Wag magwori. Pakabait ka kay Mang Peter wag mu awayen. Ok? MisU2 nay!"

Sending ......

CHECK OPERATOR SERVICE

Abangan ang susunod na kabanata sa My Girlfriend is a BIG PIMPLE

--

(a/n) Kaloka ba? Nagustuhan niyo ba ang jejemon na text ni Nanay Dyuni? At ang pagcheck op.ni Erin? Eh ang BacSiLog? At ang Baby na si Lyn?

Maganda ba itong chapter? Kung ganun? Comment at Vote kayo. :) Open po ako sa mga suggestions nyo sa susunod na mga chapters!

K, Thanks ulit!

#Staarr

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon