Nana's POV
“Ne, ‘lika na dito kaon na!” Sabi ni Aling Dyuni. Nagsmile lang ako sakanya and nagnod. Medyo not comfortable padin kasi ako sakanya eh, though alam ko na dapat maging okay na ko sakanya. It’s kinda hard padin kasi to forget what happened in the past eh.
By the way, I’m here na sa house nila Erin. Around 9 A.M. nung lumabas ako sa hospital, medyo nakatulog pa kasi kami ni Erin and kami nalang natira dun. Yung Nanay niya kasi saka yung boyfriend niya yata na si Mang Peter nauna na umuwi.
So yun, nagwalk na ko papunta sa dining nila Erin at wow?! Kare-kare ang ulam nila! Favorite ko to eh.
“Wag kang mahiya ah? Kumain ka ng madami, para lumakas ka. Masarap yan! Kami ni Nanay nagluto niyan, sabi ko kasi paborito mo yan eh.” Sabi naman nitong katabi ko, si Erin.
“Yeah, thanks.” Magsastart na sana kong kumuha ng food, pero bigla kong sinandukan ng kanin ni Erin, “Hey! Ako na.”
“Ako na, bisita ka eh.” Pagpipilit naman niya.
“Yah! Bisita mo ko, hindi mo amo. Kaya ako na.” Inaagaw ko naman sakanya yung sandok at wala na siyang nagawa pa.
“Oo na! Ikaw talaga.” Tapos ginulo niya yung buhok ko, ito talagang lalaking to.
Nagsimula na kami kumain. I find it awkward and nice kasi may kasabay akong kumain ngayon, sa house kasi ako lang magisa sa table tas nasa paligid ko lang yung mga maids. And isa pa, eating time is like quiet time. Nobody’s talking kasi, pero dito sa kanila? They talk a lot habang kumakain kami.
“Ay Nine! Alam mu ba itung si Tutoy? Ay kras na kras ka!” Kwento naman ni Mang Peter kahit na ngumunguya pa.
“Talaga?”
“Uo! Lage niyang penapanuod yung mga kumirsyal mo, ay! Kilig na kilig man day.”
Patawa-tawa ko namang tinignan si Erin ng bigla nalang siyang sumabat.
“OY! Imbento ka Mang Peter! Porket busted ka dyan kay Nanay, dinadamay mo pa ko sa kalokohan mo!”
“Ah? Aba’y aku pa ang nagiimbinto. Baket? Di mo ba yon ginagawa? Lage ka ngang penapagaletan ng Nanay mo!” Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
“Bakit niyo naman po siya pinapagalitan, Aling Dyuni?” Tanong ko sa Nanay niya na nagulantang ko yata dahil nabitawan niya yung spoon niya.
“H-ha? A-ahh.. E-eh-h.. Hinde! Hinde ah! Wag kang magpapanewala dyan kay Peter, luko-luko yan e.” Sagot naman sakin ni Aling Dyuni.
“Ayy ganun ho ba?”
“Oo.. ganun na nga..” Iwas na iwas siya sa pagtingin sakin, well, maybe naiilang din siya.
"Ah akala ko dahil ayaw niyo kong ipapanood sakanya eh." Napatigil naman silang tatlo, may mali ba sa sinabi ko?
Medyo natahimik nadin kaming lahat at walang ni isang gumagawa ng galaw.
“Tara kain nalang tayo! Tama na yan!” And Erin saved the awkward moment. Buti nalang.
--
After naming magtake ng lunch, nagthankyou na ko sakanilang lahat at nagpaalam na uuwi na ko. Masyado na kong nakakaistorbo, ayoko ng may maisusumbat sakin.
“Oh pano Erin? Uwi na ko sa bahay namin ha, dun na ko magsestay.”
“Sigurado ka bang kaya mo?” Tinaasan ko naman ng kilay si Erin matapos niyang sabihin yun.
“Para kang sila Kuya Bads! I can handle myself 'no!” Nagpout naman ako.
“Oo na, ang haba ng nguso mo eh.”
“Che! Sige na! Wag mo na kong ihatid, magpahinga kana. Kaya ko naman.”
“Eeeh! Ayoko!”
“Wag ka ng mapilit dyan Erin, kaya ko sarili ko. Mas malakas pa ko sayo! Sige na pasok na dun.”
“Tsk. Nene naman eh.”
“Kaya ko na nga eh! Sige na babye!” Tinalikuran ko na siya, at nagsimula na kong maglakad. Magpipilit pa kasi yun pag pinakinggan ko pa siya. Naku!
"Nene!" Di ko na siya tinignan, nagwave nalang ako sa kanya kahit nakatalikod.
I'm still walking, mabagal nga lang yung pangpark ganun pero nakakakalhati nadin ako ng street sa paglalakad when someone hold my arm.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Nene, usap tayo.”
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a BIG PIMPLE
Teen FictionIto ay kwento ni Erin at Nana. Pero mas sikat at kinagigiliwan ang nanay ni Erin na mahilig sa Burger at TBack na si Nanay Dyuni kasama ng loveteam nyang si Manong Peter. Anong nangyayari? Basahin at Alamin :) Bow! PS:THIS IS NOT YOUR ORDINARY LOVE...