Ikadalawampu't limang kabanata

134 29 7
                                    

Eanah's POV

Nasan naba yun si Erin? Kanina ko pa hinahanap sa lahat ng tinatambayan niya pero wala siya. Nakakaasar naman, napapagod na ko kakalakad at kakatakbo.

Tumigil muna ko saglit sa isang tindahan para magpahinga at para uminom nadin ng softdrinks. Nakakauhaw kayang tumakbo.

"Bwisit ka talaga Nene! Bumalik ka nanaman sa buhay ni Erin! Tignan mo ngayon, nawawala siya!"

Nakita kong nagtinginan sakin yung mga tao sa paligid, pati si Manang na nagtitinda napasilip sakin. Siguro inaakala nila baliw na ko. Baliw na talaga ko para isiping nasa Manggahan si Eri- .

"TAMA! SA MANGGAHAN! OH MANANG ITO NA YUNG BOTE, SALAMAT!"

Dali-dali naman akong tumakbo papuntang Manggahan, malapit-lapit nadin kasi yun dito kaya nakarating ako agad. Nasan na kaya yung Erin na yun!

"EEEERIIIIN!"

"ERIN!"

"ERIN!"

Kanina pa ko sigaw ng sigaw pero tunog lang ng mga dahon ang naririnig ko. Siguro wala yun dito, baka umuwi na. Babalik na nga lang ako.

"Oy ikaw!"

Teka? May tumatawag ba sakin? Lumingon akong muli at sa wakas nakita ko siya ngunit hindi ako yung tinatawag niya. Sino bang kausap niya?

"Bat ba ganto yung buhay ko? Hirap na hirap na ko eh! Hindi ko alam kung sinong kakamipahan ko. Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. Yung Nanay ko ba? O yung babaeng mahal ko na ang laki na ng pinagbago? Ang labo!"

Nahihirapan nanaman si Erin. Nahihirapan din ako. Hanggang ngayon pala, si Nene parin ang iniibig niya. Ba't ba hindi nalang ako?

Lumapit pa ko lalo na halos nasa likod nalang niya ko pero di padin niya ko napapansin. Ganun ba siya kamanhid?

"Para kong tanga 'no? Kinakausap kita e di ka naman nagsasalita."

Hindi parang! Tanga ka na talaga! Napakatanga Erin!

"Uuwi na nga lang ako. Itutulog ko nalang to diba? Tama yun ang dapat kong gawin."

Pagtalikod niya sa puno. Hinalikan ko siya. Hindi ko din alam kung bakit, pero para nalang may tumulak saking gawin to. Ramdam ko yung gulat niya, subalit ramdam ko din na gusto niya ang bawat halik na binibigay ko sakanya.

Pinikit niya ang mga mata niya at pinikit ko din ang akin. Sana hindi na matapos ang oras na to. Sana huminto ang oras at makisama ang langit at tadhana. Mahal na mahal kita Erin.

"Mahal na mahal kita."

Naramdaman ko ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ng marinig ko yung mga salitang yun galing sakanya. Tinuloy niya ang paghalik sakin, at unti-unti ko ng nararamdan ang kamay niya na yumayakap sakin.

"Ako din, Erin." Sasagutin ko nadin sana ang yakap niya ngunit bigla nalang siyang bumitaw at hinawakan ako palayo sa kanya.

"Eanah?! Akala ko si-"

Halatang gulat na gulat siya at ako ang nakita niya. Alam ko naman na si Nene ang inaasahan niya. Pero wala na kong pakielam, hinalikan ko siya ulit kahit pilit niya kong tinatanggal sa kanya.

"Eanah? Ano bang ginagawa mo? Nababaliw kana ba?"

"Oo Erin, nababaliw na ko sa sobrang pagmamahal ko sayo. Okay lang sakin, kahit si Nene ang isipin at ibigin mo. Handa akong magpagamit, handa akong magpakatanga at magpakamartyr. Ibibigay ko ang lahat sayo, pansinin mo lang ako."

Niyakap ko siya ulit at tinangkang halikan subalit iniwas niya na ng tuluyan ang ulo niya.

"Erin? May problema ba? Seryoso a-"

"ANO BA EANAH?! HINDI ITO ANG GUSTO KO! HINDI ITO ANG DAHILAN KUNG BAT KO MINAMAHAL SI NENE!"

"Erin-"

"Mali yang iniisip mo, wag na ako Eanah masasaktan ka lang at ayokong mangyari yun sayo. Kaibigan kita, nirerespeto kita kaya respetuhin mo din yung sarili mo. Mahalin mo yung  sarili mo Eanah!"

"Wala kong pakielam kung ano pa yung sabihin mo, Erin nandito ko, ako naman ang tignan mo oh."

Muli, tinangka kong ilapit yung sarili ko kay Erin at iniwasan niya ko ulit. Sa pagiwas niya, naitulak niya ko ng malakas na naging sanhi ng pagtumba ko at tuluyang pagbagsak ng luha ko.

"Eanah-"

Hindi ko na namalayan ang nangyari ng bigla nalang may kamaong bumagsak sa mukha ni Erin.

"ANONG GINAWA MO KAY EANAH HA?!?!"

Nang makita ko yung nagsasalita, nakita ko si Lucas.

"Lucas!" Pagtawag ko sa kanya, para tumigil na siya at bitawan niya ang paghawak sa kwelyo ni Erin pero nabigo ako.

"Ano Erin?! Dahil nalaman mong mahal ka ni Eanah? Sasaktan mo nalang siya? Labo mo naman Tol eh!"

"Hindi ko siya gustong masaktan." Kalmadong sagot ni Erin na para bang hindi siya naapektuhan sa mga nangyayari.

"ANONG HINDI?!? KITANG-KITA KO KUNG PANO MO SIYA TINULAK! KITANG-KITA KUNG PANO MO-"

"LUCAS TAMA NA! Mali ka, ako yung may kasalanan."

"Pinagtatanggol mo pa ngayon to Eanah? Gumising ka nga!"

"Lucas makinig ka sakin! Ako yung dahilan kung bat ako nakasalampak dito. Kung bat ako umiiyak. Sarili kong kagagawan lahat. Pinilit ko yung sarili ko kay Erin. Pinilit kong halikan siya, sa pagiwas niya napalakas siya ng tulak sakin kaya ako natumba. Wala siyang kasalanan Lucas."

Kitang-kita naman ang pagkagulat at pagkadismaya sa mukha ni Lucas. Hindi na siya nakapagsalita at nakagalaw sa kinalulugaran niya.

"Sige Tol, saka Eanah una na ko." Pagpapaalam naman ni Erin. Nakuha pa niyang ngumiti at tapikin si Lucas sa balikat bago siya tuluyang umalis.

Ngayon, kami nalang ni Lucas ang natira dito. Sinubukan ko siyang lapitan at hawakan pero sabi niya:

"Wag mo kong hawakan..hindi ako makapaniwala sa ginawa mo. Hindi na kita kilala."

Nagsimula nadin siyang maglakad paalis, ngunit muli, tumigil siya at nagsalita.

"Yung Eanah-ng kilala ko, palaban at hindi nagpapakatanga. Yun ang...Eanah na minahal ko."

"Lucas..."

Sinubukan ko pa siyang tawagin ngunit tuluyan na siyang lumakad paalis.

Ano bang ginawa ko? Lalo kong pinalala ang problema, lalo kong ginulo ang lahat.

Mahal ko yung lalaking may mahal ng iba at kaibigan lang ang tingin sa'kin. Sinisisi ko siya dahil hindi niya ko nakikita, pero ako ganun din pala. Mahal pala ko ng isang lalaki na ni minsan hindi ko napansin yung pagmamahal na yun dahil sa iba ko nakatingin.

Napaupo at napaiyak nalang ako sa gulo ng sitwasyon.

Patawarin mo sana ko Erin. Patawarin mo din ako Lucas.

--

(a/n) Hindi ko na muna ginawang bisaya yung salita nila para with feelings :))

Sana nagugustuhan niyo. ;)

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon