"Sabi ni Totoy, lahat sana ng bagay na meron ka, mawala sayo.. para maranasan mo ding tumapak sa lupa.. sana yung ganda mo mawala, dahil wala ka naman daw kabaitan sa puso mo at puro ganda ka lang."

UGHH!! I hate this! Paulit-ulit parin na nagrerepeat yung sinabi nung Lola, nakakainis. Kahit nasa isip ko lang to, feeling ko nabibingi na ko. NAKAKARINDI.
Di lang talaga ko makapaniwala na kay Erin nanggaling yung mga salitang yun. Parang ang sakit-sakit pakinggan dahil akala ko pa mandin maayos na ang lahat-lahat samin. Yun pala deep inside, ganun nalang yung galit niya sakin.
Although, di katanggap-tanggap yung narinig ko, at least ngayon alam ko na ang solusyon para mawala tong mga damn pimples na to sa mukha ko.
FLASHBACK
"Sabi ni Totoy, lahat sana ng bagay na meron ka, mawala sayo.. para maranasan mo ding tumapak sa lupa.. sana yung ganda mo mawala, dahil wala ka naman daw kabaitan sa puso mo at puro ganda ka lang." Whut the heck?!? Nang marinig ko tong mga salitang to, nangilid ang luha ko sa galit.
Nagsalita bigla si Erin, “Nene-“
Pero pinigilan ko siya, “Stop. I don’t wanna hear anything from you.” Matapos kong sabihin to, binaling ko naman ang atensyon ko kay Lola Alisya, “So ngayon ho na alam niyo na nagbunga yung spell niyo sakin, baka ho naman gusto niyong bawiin na to.”
Umiling naman si Lola, “Hindi ko na mababawi pa.”
“ANO?!? HINDI YUN PWEDE-"
“Pero may mga bagay kang pwedeng gawin para mawala ang sumpa.” Pagsingit naman ni Lola sa sinasabi ko.
“Ano ho yun Lola?” Sabi naman ni Erin.
“Pwede ba?! Stop talkin’!” Sabi ko naman kay Erin bago pa sumagot ulit kay Lola, “Ano ho yun? Handa ho akong gawin lahat.”
“Sigurado ka ba?” Kung hindi ako sigurado, di ako magtitiis magstay dito sa harapan niyo.
I nodded, “Ano ho ba yun? Sabihin niyo naman na ho o.”
“Sige. Nene, iha, kailangan mong magpakabait.”
Natawa naman ako sa sinabi niya, “Mabait ako, hindi ko na yun dapat gawin ho.”
“Gusto mo bang mawala yan o ayaw mo?” Pambabara niya sakin. Wow ha?!
“Fine! Gusto ko! Magpapakabait na ko.” Inirapan ko siya at nagtangka ng umalis sa lugar ngunit muli siyang nagsalita.
“Hindi lang basta-bastang magpapakabait ka, kailangan mong humingi ng tawad at kailangan mapatawad ka ng lahat ng taong nagawan mo ng kasalanan.” Oh my gosh! Isa tong malaking joke!
End of Flashback
Yun nga, kailangan ko daw humingi ng tawad sa lahat ng nagawan ko ng mali at kailangan nila kong mapatawad para bumalik na ko sa normal. Hay ewan ko ba! Sobrang weird, may witchcraft padin pala sa mga panahong to at ako pa talaga ang buhay na halimbawa! Bwiset!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a BIG PIMPLE
Dla nastolatkówIto ay kwento ni Erin at Nana. Pero mas sikat at kinagigiliwan ang nanay ni Erin na mahilig sa Burger at TBack na si Nanay Dyuni kasama ng loveteam nyang si Manong Peter. Anong nangyayari? Basahin at Alamin :) Bow! PS:THIS IS NOT YOUR ORDINARY LOVE...