Erin's POV
Ramdam na ramdam ko yung bigat ng kamay na humapas sa mukha ko. Ang init sa pakiramdam. Nakikita ko din lahat ng taong nakatingin sa'kin at sa babaeng hindi ko pa rin makita ang mukha dahil sa buhok na nakatabon dito. Sino ba siya? At bakit niya ko biglang sinampal? Nababaliw na ba siya? Isa bang prank to? Pero ba't ngayon, kung kelan birthday pa ng Nanay ko.
"Hoy Babae! Anung trip mu ha?!" Sabi ni Eanah, ano bang pumasok sa kokote ng babaeng to.
"Huy! Hoy! Babai! Bat mu senampal ang anak ku?! Nasa tiretoryo keta! Somagot ka!" Bigla palang sumunod si Nanay kay Eanah. Inaalog-alog pa ni Nanay yung babae pero di pa rin siya natitinag.
"Nay Tama na!" Pinigilan ko naman ang Nanay sa ginagawa niya at binaling ko na ang pansin ko dito sa babaeng to. "Miss? May problema ba?"
Bigla namang humarap sakin yung babae, tinanggal din niya yung mga buhok na nakatabon sa mukha niya. Lumabas yung mukha niya. Akala ko kanina, si Nene siya. Pero malabo, napakadami niyang tigyawat sa mukha halos matabunan na nga. Eh, si Nene napakakinis ng mukha nun. Laking derma ba naman.
"Miss? Sino ka ba? Hindi kasi kita kilala eh, baka nagkakamali ka lang sa pinuntahan mo. Wag kang magalala, okay lang sakin yung ginawa mo. Hindi naman big deal yun." Pagmamagandang loob ko sa kanya. Ngumiti naman siya at para bang nakita ko na yung mga ngiting yun.
"Erin.. Erin Siatong.. Tama diba?" Nagulat naman ako sa sinabi niya kilala niya ko? Sino ba siya? Tumango ako, bago sumagot ulit.
"Ako nga. Kilala ba kita?"
"Hindi ka nga nagbibiro sa sinabi mo noon, kakalimutan mo na ngang nakilala mo ko." Hindi ko siya maintindihan, pero biglang sumagi sa isip ko yung huli kong sinabi bago ko umalis ng bahay nila Nene, "...kakalimutan ko na ding nakilala kita." Sino ba talaga tong kaharap ko ngayon?
"Sino ka ba? Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo?"
Nag-smirk yung babae bago siya sumagot sakin.
"Ang bilis mo naman nakalimot Totoy. Akala ko ba bestfriend mo ko forever? Pero ngayong may party kayo hindi mo man lang ako ininvite. Grabe ka naman Toy." Bestfriends forever? Isa lang ang pinangakuan ko nun. Pero hindi, imposibleng siya yun.
"Alam mo Miss, gutom lang yan. Makikain ka nalang samin. Ginugulo mo yung birthday ng Nanay ko eh."
Ngumiti nanaman siya, tapos lumapit kay Nanay.
"Pasensya na ho kung nakaistorbo ko. Birthday niyo pala? Akalain niyong nakapagbirthday ka pa 'no? Kala ko kasi death annirversary mo na yung ipaghahanda nila eh." Di nakapagsalita si Nanay sa mga pinagsasabi niya. Nagiinit na yung ulo ko sa babaeng to.
"Miss pwede ba? Wag mo ng hintaying palayasin pa kita, umalis kana! At anong pinagsasabi mo sa Nanay ko ha? Bawiin mo yun!"
Sobrang inis na inis na nga ko, pero yung babae nagawa pading tumawa.
"Chill, binabawian mo ba ko? Kaya pinapalayas mo din ako? I'll go when I'm done. Saka di ko babawiin yung sinabi ko. Diba noon pa man? Sabi ko sana di na gumaling yung nanay mo?" Matapos nyang sabihin yun, nagtaas pa siya ng kulay. Lintik naman oh! Hindi pwedeng siya yun.
"Sino ka ba ha? Isang tao lang nagsabi sakin ng mga bagay na yan. Bakit mo yun alam ha? Pinadala ka ba niya dito? Para guluhin ako? Kami?" Napapamura na ko sa isip ko. Hindi niya ba ko titigilan? Wala naman akong ginawa sa kanya.
"Sort of. Sino ba yung tinutukoy mo?"
"Si Nene! Si Anastacia Heninah Sy! Sabihin mo na nga kung anong kailangan mo sa'kin, baka kasi pumatol ako sa babae ng wala sa oras eh!" Sasapakin ko na talaga to pag ininis pa ko nito.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a BIG PIMPLE
Teen FictionIto ay kwento ni Erin at Nana. Pero mas sikat at kinagigiliwan ang nanay ni Erin na mahilig sa Burger at TBack na si Nanay Dyuni kasama ng loveteam nyang si Manong Peter. Anong nangyayari? Basahin at Alamin :) Bow! PS:THIS IS NOT YOUR ORDINARY LOVE...