Nana's POV
Nakatayo na pala ko sa harapan ng pintuan ng bahay namin, di ko man lang namalayan kung paano ko nakarating dito.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari, muling bumalik sakin ang ala-ala ng pagkamatay ni Kuya.
Napakasakit.
Pumasok ako ng loob ng bahay, ganitong-ganito padin ang ayos nito magmula ng iwan namin. Lahat ng gamit ay nasa ayos at nasa tamang lugar.
Patuloy ko nilibot ang mata ko, napahinto nalang ako ng makita ang isang bagay na sobrang importante sa kanya, ang sumbrero ni Kuya.
Nilapitan ko ito at kinuha. Ito lang ang bukod tanging bagay na hindi naisama sa libing niya. Tinago ko ito, dahil hangga't nakikita ko ang sumbrerong ito, ibig sabihin lang nun ay hindi padin nakakamit ni Kuya ang hustisya.
Umakyat na ko ng kwarto ko dala-dala ang sumbrebro. Dito, nakita ko ang isang notebook.
Ang notebook na kung saan ay nakasulat ang mga kwento tungkol saming dalawa ni Kuya Andre.
Sa unang pahina, nabasa ko ang nakasulat na, "Nina's Property, don't open or else, you'll die. I have an eye, watching YOU!"
Natawa ko ng konti dahil naisip ko na kahit 5 years old palang ako, napakamaldita ko na at nagagawa ng maglagay ng mga ganung bagay.
Lumipas ang tatlong blangkong pahina, bago ko nakita ang isang litrato ng pulang laso na may nakusalat na, "Kuya's gift".
Sariwang-sariwa pa sakin ang alaala kung gaano ako kasaya ng iabot sakin ito ni Kuya. Nagtatalon pa ko sa tuwa at niyakap siya ng pagkahigpit matapos ay, pinagmalaki sa lahat ng tao ang regalo niya.
Araw-araw ko yung ginagamit, hanggang sa araw na kinuha at itinapon ito ni Daddy. Ayaw niya daw ito makita.
Sa sumunod na pahina ang nakalagay ay, "Nina" . Si Kuya kasi ang nagtawag sakin niyan, at bukod tanging siya lang. Hindi ko na muling ginamit simula nung umalis si Dad papuntang U.S.A
Nilipat ko pa ng pahina at ang nakita ko naman ay, "Kuya and Nina's Dreams and Promises". Dito matatagpuan ang daan-daang nasirang pangarap at pangako namin ni Kuya.
Napapaluha na ko sa bawat salita na nababasa ko:
1. We will make our own Ice cream.
Naalala ko pa ang gusto nating flavor ay Vanilla-Jalapeno. Napakaweird din nating magisip eh.
13. We will build our own Ice castle in the midst of Alaska.
How could this thing happen? If your not around.
21. Kuya will made a song and will sing for you, 'til the last lyric that he can sing.
You never showed any, I miss your voice, your yells, your smiles and laughters. Let me see and hear it again for one last time.
40. We will always fight for one another and for Daddy and Mommy.
I can't. Tell me how Kuya? They don't love me anymore.
59. We will help every one that needs it.
HELP? Kuya, ako. Ako ang may kailangan ng tulong ngayon. Bumalik kana kuya. Hirap na hirap na kong mamuhay magisa.
Yung huling bagay na nabasa ko ang nagpahagulgol sakin ng sobra, dahil kahit kailan, alam ko na hindi na ito mangyayari pa. Na kahit ano pang pilit ko, wala na. Walang-wala na.
113. Kuya will always be there for you. I will never leave you.
Kuya? Bakit mo ko iniwan?
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a BIG PIMPLE
Teen FictionIto ay kwento ni Erin at Nana. Pero mas sikat at kinagigiliwan ang nanay ni Erin na mahilig sa Burger at TBack na si Nanay Dyuni kasama ng loveteam nyang si Manong Peter. Anong nangyayari? Basahin at Alamin :) Bow! PS:THIS IS NOT YOUR ORDINARY LOVE...