Erin's POV
Nakakabagot ngayong araw, wala kong magawang kahit ano. Ayoko naman kasing lumabas makikita ko lang si Eanah at Lucas dun, hindi pa ko handang makausap at makaharap sila matapos ang nangyari, isang linggo ng nakakaraan.
Wala kong kinakausap na kahit sino, ultimo si Nanay hindi ko rin kinakausap. Hangga't maaari gusto kong umiwas sa lahat ng tao. Hangga't maaari, magkukulong lang ako dito.
"Nak, miryinda ka mona." Sinasabi yan ng Nanay habang kumakatok sa pintuan ko. Naririnig ko siya, pero nagpapanggap ako na hindi.
"Usige Nak, baba ka nalang pag nagotom ka ah." Bakas sa boses ni Nanay ang kalungkutan. Kaya lang ngayon, wala muna kong pakielam sa kahit sino. Gusto ko munang bigyan ng panahon yung sarili kong huminga at magisip-isip.
--
Lumipas na ang isang oras na nakatunganga lang ako sa kwarto ko, ni gitara ko hindi ko binabalak gamitin. Wala ko sa wisyo. Matutulog nalang ak-
*Ppokk!
Aba't sinong loko loko ang bumabato sa bintana ko? Siraulo to ah! Napabangon ako, matapos ang sunod-sunod na pagbato. Hula ko, si Lucas to o kaya si Eanah-
"Erin. Oh wait, I mean, Totoy?"
Totoo ba tong nakikita ko? Nagkusot ako ng mata para maliwanagan. At hala ka! Hindi nagbabago yung mukha nung taong nakikita kong nakatayo. Di kaya nananaginip ako?
"Hey, this ain't an illusion nor a dream. Totoo to 'no, I'm really here." Tinuro niya pa yung sarili niya habang sinasabi yun. Mambabasa naba ng utak to ngayon? Pero 'di eh, malabo talaga to!
"Hindi! Hindi ka totoo! Nanaginip lang ako!" Sinampal-sampal ko yung sarili ko para patanuyan na, ilusyon lang to. Ngunit sa kasamaang-palad, nabigo ako.
"You are so makulit! I said, totoo nga to. If you like, go down here and see it by yourself." Ako ? Bababa? Asa!
"Ayoko nga! Manigas ka dyan!"
"Aww. You're so masama!" Ngumuso nanaman siya, kahit kelan talaga ang haba ng nguso ng babaeng to. Pero di ako naaapektuhan! Neknek niya.
"Bat naman ako naging masama?"
"I'm telling you to go down here! Look oh, I'm so pathetic na and I'll be paos na. Go down na kasi." Medyo mukha na siyang naiirita. Aba! Lalo nga kitang pipikunin para pumutok yang mga tigyawat mo sa mukha.
"Why would I make baba there?" Ginaya ko naman yung pagiinarte niya, at hindi ako nagkamali! Napipikon ko na siya.
"Oh what na? Why di kana nagsalita?" Dagdag ko pa. Pero nagseryoso siya ng mukha at nagayos ng buhok para maging klaro yung itsura niya bago magsalita.
"I want to say sorry, sincerely. Can you please? Ahm.. baba na here?"
"Ayoko!"
"Eehhh? Why?! So arte naman!"
"Kung nadadaan sa sorry ang lahat ng bagay, dapat wala ng pulis!" Naguluhan naman siya sinabi ko, subalit di rin nagtagal ay naintindihan niya to.
"What do you want me to do ba? Ha?"
"MANIGAS KA DIYAN!"
Tignan natin ngayon kung hanggang saan yang sincerely, sincerely mo. Pasara na ko ng bintana ulit ng bigla siyang nagsalita.
"Okay fine! I'm not leaving here, not until patawarin mo ko. I'll be waiting."
Naawa naman ako sa sinabi niya, pero basta! Galit ako sakanya!
"Bahala ka!"
Tuluyan ko na ngang sinara yung bintana ko.
Nagdaan ang tatlong oras, alas nuebe na ng gabi ngayon. Sinubukan kong silipin kung nandun padin siya, at ang tindi niya! Nandun parin siya sa baba, nakatayo. Baliw na tong babaeng to, bahala siya dyan. Kahit pumuti pa ang uwak di ako bababa dito.
Lumipas muli ang tatlong oras at nagsimula ng bumuhos ang ulan. Hindi ko na kailangang tignan kung umalis na siya sa pagkakatayo dun, dahil malamang naman ginawa niya na yun.
"Nak.. Pwide ba keta makaosap? Kahet ngayun lang 'Tuy." Nagulat naman ako kay Nanay. Bat nandito to sa loob ng kwarto ko?
"Nay, panong-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng iangat niya ang susing hawak niya. Bobo mo pre! Di mo tinago yung susi! Asar!
"Ano ho ba yun?" Masungit na tugon ko kay Nanay.
"Yong tungkol sa senabi ni Nene."
"Ayokong marinig Nay, wag mo na ituloy. Matutulog na ko."
"Nak, tutuo yon lahat."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Nanay. Bago pa ko magbigay ng reaksyon, pinagpatuloy niya na ang pagsasalita.
"Nuon, naging maambesyon ang Nanay mu. Na tipung, pate manira ng pamilya nasubokan ko."
Tinignan ko lang siya at binigyan niya ko ng maliit at pekeng ngiti, saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Eh kase non, maherap tayu ng subra. Naingget ako kela Nene. Mayaman sela, kumplito pa yong pamilya nila ba. Kabalegtaran ng atin. Sinubokan kung kohain yong atensyon ni Sir Ju, piro nakunsinsya ko. Tinegilan ko din matapus akung paketaan ng maganda ni Ma'am Lu."
"NAY MALI YUN! MALI KA!"
Hindi ko na namalayan na nakapagtaas na ko ng boses kay Nanay.
"Alam ku yon Nak, kaya nga gustu kong bumawe sayo at kay Nene ngayun. Yuong sinabe niya na narineg niya sakin na sabi mu, ayaw mu sakanya. Gawa-gawa ku din yun. Sa akin talaga nanggaling yun."
"Bakit Nay? May nagawa ba siya sayo?"
"Wala, piro ayuko sakanya. Kasi nga mayaman siya. Ayuko na dumateng yung panahun na magawa mu siyang mahalen, tapus hindi naman pwidi kasi nga langit siya Nak eh. Tayu lupa lang. Ayuko masaktan ka, ayuko maranasan mu yong naransan ku nuon kay Peter."
"Bakit mo ko pinangunahan Nay? Ang bata-bata ko pa nun! Ganun na agad naisip mo? Nay naman."
Naiiyak na ko sa mga nalalaman ko. Sabihin na ng lahat na bading ako, pero naiiyak talaga ko dahil sa lahat ng nasabi at nagawa niya sakin, Nanay ko pala ang dahilan ng lahat ng yun. Naiiyak ako dahil nagawa ko siyang ipagtulakan, saktan, sigawan at hindi paniwalaan gayong totoo ang sinasabi niya.
"Nak, suri na nak. Patawaren mo naman aku. Penagsisehan ko naman yun lahat eh."
"Nay, wala ng magagawa yung sorry mo. Dahil, malamang ngayon sukdulan na ang galit sakin ni Nene."
"Hinde Nak, kaya nga ko nanditu para tulongan ka."
"Nay pano?! Wala na Nay! Malabo na yan!"
"Baket hindi mu subokan puntahan siya?"
"Wala kong pera! Malayo ang Maynila!"
"Hinhintay ka lang niya."
"Ewan ko sayo- Ano Nay?!"
"Uo, hinihintay ka niya. Ang drama mu kase eh. Kanena pa siya don." Tinuro ni Nanay yung bintana, at mukhang alam ko na kung saan ang tinutukoy niya. Nandun padin ba siya? Siraulong babae yan!
"Bat ngayon mo lang sinabi?"
Sabay binatukan niya ko, hindi pa nga kami bati tas ganto agad inabot ko.
"Shunga ka pala eh! Ikaw nga nagsabeng manegas siya duon sa baba! Tas aku sisisihen mo? Aba luko! Bumaba kana duon, at baka mapulmunya na yun don!"
Ayy! Ang tanga-tanga ko talaga! Bat ko ba ginawa yun! Hinalikan ko si Nanay sa noo matapos magpasalamat at kumaripas na ko ng takbo.
Patawarin mo ko Nene! Patawarin mo ko.
--
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a BIG PIMPLE
أدب المراهقينIto ay kwento ni Erin at Nana. Pero mas sikat at kinagigiliwan ang nanay ni Erin na mahilig sa Burger at TBack na si Nanay Dyuni kasama ng loveteam nyang si Manong Peter. Anong nangyayari? Basahin at Alamin :) Bow! PS:THIS IS NOT YOUR ORDINARY LOVE...