Ikawalong Kabanata - Ang pagbasak ng ulan

228 54 21
                                    

Hindi ako makapaniwala na yakap-yakap kita ngayon, na yakap-yakap ko yung babaeng matagal ko ng inaabangan sa tv, yung babaeng matagal ko ng hinihintay sumigaw sa labas ng bahay namin ng "Tutoy! Labas na ekaw!", Na yakap-yakap ko ngayon yung babaeng matagal ko ng inaasam-asam. Na ngayon, dito mismo sa harapan ng mahiwaga mong pinto, yakap-yakap kita Nene.

Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan mo at kung pano mo isinandal yung ulo mo sa balikat ko. Rinig na rinig ko yung tibok ng puso mo. Amoy na amoy ko yung mabangong halimuyak ng mahaba mong buhok at ang mabangong amoy ng pabango mo.

Lalo pa kitang niyakap ng mahigpit, at ganun ka din sa akin. Sana tumigil ang oras. Sana hindi na matapos ang eksenang to. Sana ito na ang simula para sa'tin. Sana mamaya, pagkatanggal ng pagkakayakap mo sa'kin ngumiti ka sa'kin at muli na tayong magkakasama sa lahat ng bagay. Pinikit ko ang mga mata ko. At ninamnam ko ang bawat sandali.

"Miss na miss kita Nene! Alam kong hindi ka nagbago. Na ikaw padin yung Neneng kababata ko."

"Excuse me? What are you saying?"

Napadilat ako ng aking mga mata. Dahil sa pagkakasabi mo, alam kong hindi ka galit. Pero may tono ng pagkainis sa mga salita mo.

"Ne-" aktong pasagot na sana ko sa'yo.

"Are you that creepy ba talaga? Look nga yourself. Pagbukas na pagbukas ko dito sa door ko, ikaw yung nakita ko at nakapikit ka pa na parang may kahug ka. Then your saying kung ano ano. Pervert ka ba? And I told you to stay away from me diba? Ganyan ka na ba kakulit? Erin naman. Stop bothering me na. Hindi na ko si Nene na nakilala mo. I changed, a lot. And isn't it obvious? I don't like you Erin, I really don't." Tapos binunggo mo ako at umalis ka sa harapan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kanina lang yakap-yakap kita. Totoo yun. Alam kong totoo yun. Pero bakit ganto Nene? Iba ka na nga ba talaga? Totoo ba yung sinabi mo? Na hindi mo ko gusto? Hindi ko maintindihan.  Pero parang sasabog ako, parang hindi kinakaya ng dibdib at ulo ko yung bigat na pasan ng puso't isipan ko. Ang sakit Nene. Sobrang sakit.

"O, Erin? Anong ginagawa mo dyan? .. Huy! Erin" Hindi ko narinig kung ano yung sinabi ni Ate Angel. Ang alam ko lang, tinapik niya ko at narinig ko na ulit ang mga sinasabi niya "Ano bang ginagawa mo dito? Mapapagalitan ka nanaman nun ni Ma'am pag nakita ka pa niyan dyan."

"A-ah e-ehh o-oo At-te A-an-gel. Na-naglilinis kasi ako e. H-hindi ko napansin nandito na pala ko. Sige po mauuna na ko sa baba" Pautal-utal at pamadaling sabi ko kay Ate Angel. Wala na yata ko sa katinuan. Bakit ba ganito yung pakiramdam? Bakit ang sakit Nene? Bakit?

"Ha? Okay ka lang ba Erin? May sakit ka ba? Namumutla ka eh" Nagaalalang sabi ni Ate Angel.

"Okay lang ako Ate, kulang lang siguro ko sa tubig. Sige Ate una na ko." Hindi talaga ko okay, pero kailangan kong ipakita sa lahat na ayos lang ako.

"Osige. Ikaw bahala" Sabi ni Ate Angel. Hindi na ko lumingon pa at bumaba na ko papuntang kusina.

--

Pagkababa ko sa kusina, nandun si Kuya Bads

"Oh Erin? Bat muka kang nalantang gulay diyan? Ayos ka lang ba?"

Pero bago pa ko makasagot dumating si Nene, tumingin siya sa'kin pero sandali lang at inirapan din niya ko agad sabay sabing "Kuya Bads, yung yogurt ko?" Sobrang bigat na ng nararamdaman ko, sana man lang kahit konting pagmamalakasakit maramdaman ko galing sayo.

"Kuya Bads, aalis muna ho ako. Magpapadala lang ako ng pera kay Nanay. Natapos ko nanaman yung mga gagawin ko po. Babalik din ho ako. Ayos lang ho ako. Kailangan ko lang ho siguro ng hangin para makahinga"

Hindi ko na hinintay kung anong sinagot ni Kuya Bads, hindi narin ako tumingin pa sa kanilang dalawa ni Nene. Umalis na ko agad at isa lang alam kong nangyari sumunod...

...tumulo ang mga luha ko.

--

(a/n) Ouch.  Grabe :( Ansakit ng pasanin ni Fafa Erin. Bad kasi ni Nana e dba mga readers?

Sana nagustuhan niyo ha!

Vote.Comment. Enjoy!

#Star.

My Girlfriend is a BIG PIMPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon